Chapter 12 : Mga sikretong nabunyag

750 12 0
                                    

Daneil's Pov

Tumayo siya sa kanyang upuan at dahan dahan na lumapit sakin. Hindi ako makakibo, hindi dahil sa takot kundi dahil sa galit na kinikimkim ko. "Anong ginagawa mo dito?"

Tanong ko ulit ngunit di siya umimik at ngumiti lamang sakin. Napatingin ako kay mama nung nag labas siya bigla ng baril at itinutok sa kanya. "Lumayo ka sa anak ko Marco kung gusto mong makapag usap tayo ng masinsinan"

Sabi ni mama ng may seryosong mukha at si papa naman ay nasa likod ang mga kamay, halatang may hawak hawak rin. "Hayyy hindi na ata tumanda tong anak niyo Sabrina, hanggang ngayon takot na takot parin sakin"

"Hindi ako takot sayo" Sabi ko sa kanya sabay titig sa kanyang mga mata. Sumimangot siya at nagpatunog ng leeg. "Matuto kang rumespeto sa mga nakakatanda sayo Daneil"

Natawa nalang ako, respeto? para sakanya? HAHAHAH tangina mo "Nawalan na ko ng respeto para sayp, pagkatapos ng kabastusan na ginawa mo"

Nginitian niya ako ulit bago nag lakad papalayo at papunta ulit sa sofa namin kung saan siya nakaupo. "Turuan nyo nga yang anak nyo kung pano gumalang, ang bastos"

Sinamaan ko siya ng tingin at binaba na ni mama yung baril niya. "Umupo ka Daneil, may pag uusapan tayo" 

Umupo sila mama sa kabilang sofa at ako naman ay nakaupo sa silya na malapit sa kanila. Ang unang nag salita ay yung hayup naming bisita. "Ngayon alam nyo na siguro na nag balik na si Villamor sa pilipinas"

Tumango sila mama

Diba okay na yung lahat? akala ko bay may ginawang agreement tong ugok na to para hindi na nila gambalain si Deanna? 

"Oo alam namin, nabanggit na sakin nung isa sa mga kagrupo ko ang kanyang pag balik. Pero anong kinalaman nya sa pagpunta mo dito?" Sagot ni papa at napabugtong hininga lang si Marco, ang tatay ni Deanna.

Oo ang lalaking kaharap ko ngayon ay ang tatay ni Deanna, pero hindi niya to pwede malaman.

"Malaki ang kinalaman niya sa pag punta ko ngayon. Bumalik siya sa pilipinas, di para sa negosyo. Kundi para patayin ang anak ko"

"Sino sa kanila?"

Napatingin ako kay mama. Sino sa kanila? anong ibig nya sabihin?

"Anong sino sa kanila? may kapatid po ba si Deanna?" Tanong ko sa kanya. Nanlaki ang mata nilang tatlo, si Marco naman ay napairap kay mama. "Tangina naman Sabrina ano ba"

"Ma, Pa; may kapatid po ba si Deanna?"

Napapikit si mama at napakamot ng ulo. "Hindi mo nga pala alam.." sabi nya at tinignan si papa.

"Anak, may kapatid si Deanna.. Nakatatandang kuya nya. May kasunduan kasi ang grupo ng D66L at ang grupo ng R63M noon. Kapag ibinigay sa kanila ang nakatatandang kapatid, hindi na nila guguluhin si Deanna"

Pag explain ni papa, naguguluhan ako sa bagong impormasyon na nalaman ko. So may kuya si Deanna?? Sa buong buhay na kasama ko siya, wala naman akong nakita sa bahay nila na nagpapakita na may Kuya niya. 

"Sino po ba ang kuya ni Deanna?" tanong ko sa kanila. Tinignan ni papa si Marco at nakitang nakatingin lamang sa sahig ito. "Ang kuya ni Deanna? uh.."

"Hindi namin kilala anak, nakuha na siya bago pa namin siya makilala" Sinagot ni mama para sakanya. Tumango na lamang ako pero alam kong may tinatago pa sila sakin.

Alam ko ang nangyari sa pamilya ni Deanna, at kung sino ang totoong mga magulang niya. Pero para sa kaligtasan niya ay di nya ito pwede malaman.

Hindi naman tanga si Deanna para di niya malaman ang lahat ng ito agad..

"Haaayyy mga sakit kayo sa ulo.." Sabi ni Marco at napaupo ng tuwid. 

"Yung kasunduan na nagawa noon eh wala nang bisa ngayon kaya bumalik si Villamor para kunin yung anak ko. Ang tanging paraan lamang para hindi niya magalaw at makuha si Deanna eh kung ipapakasal ko siya sa anak ng isang pinuno ng grupo. Kaya ako nag punta sa inyo ngayon eh kasi kayo lang naman ang mapagtitiwalaan ko para sa gawaing ito"

Nanlaki ang mga mata ko

"Teka teka.. wala na bang ibang paraan para hindi na siya makalapit kay Deanna?" Sabat ni mama

"Wala na.. Kapag ang mga anak ng mga pinuno ng magkabilang grupo ay nag pakasal, magiging bound sila sa isa't isa at mas lalakas ang pwersa ng dalawang grupong kinaroroonan nila"

"Pero hindi alam ni Deanna na ikaw ang tatay nya, wala siyang alam tungkol sa mafia, sa mga grupo natin. Nakay Eilyne naninirahan si Deanna ngayon, eh alam mo naman kung kaninong grupo siya nakasanib" Sabi ni Papa

"Kung ganon ay nakasanib si Deanna sa M42E?" Gulat na gulat na tanong ni Marco

Tumango si mama at nag salita.

"Oo, hindi man alam ni Deanna ito, pero nasa ilalim siya ng pangangalaga ng tunay niyang ina. Nasa puder siya ni Reina"

------

????'s Pov

"Alam mo na ba kung asan si Deanna?"

"Alam na. Pabalik na ko dyan, hintayin nyo ko"

"Sige dalian mo at pinapabalik na tayo agad"

"Sige sige"

Binaba ko na ang telepono ko at itinabi muna sa aking bulsa. Napatingin ulit ako sa bahay nila Deanna't sabay nakita kong pinatay na nya ang ilaw sa kanyang kwarto.

Hinubad ko na yung wig na suot ko at pinasok ko na yun sa backpack na aking dala dala. Hindi naman nya ko pagsususpensyahan pag iba na kulay ng buhok ko.

Teka..

Tama ba tong ginagawa ko?

..

Oo tama..

Ang tatay namin ang pumatay sa ama at kapatid ng pinuno. Parehas silang dapat mamatay, silang mag ama. Pero bakit naninikip ang dibdib ko?

Bakit ang bigat sa pakiramdam ngayon at nakita ko na si Deanna?

Magagawa ko ba talagang..

Patayin ang sarili kong kapatid?

Engaged to my bestfriend : Hold On To Me (COMPLETE)Where stories live. Discover now