Chapter 31

117 18 11
                                    

Celine's POV

Bumalik ako sa table namin matapos na mapahiwalay kay Silver. He went to the comfort room so I took the chance to go back to our place. Para siyang kuya ko kung bantayan ako. Ngayon lang ulit ako nag-bar since nagkaroon ako ng sariling clinic. I have lots of friends way back to my college days. Nakakalungkot nga na isipin na ang karamihan sa kanila ay kung hindi busy sa work, mayroon ng asawa at anak. Kailan kaya darating ang aking forever?

Naabutan ko si Renzo na nakaupo lang habang mag-isang umiinom. Isa pa itong lalaking ito... we're both loveless, hay! Sad life.

Nilapitan ko siya but hindi niya ako napansin. Sinundan ko ang tinitignan niya. And my eyes landed on the girl who dance wildly in the crowd. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung sino iyon. Sigurado akong siya ng tinitignan ni Renzo. Halos mabalutan na nga siya ng itim na awra at nakamamatay ang kanyang mga titig.

"Ah- mmmmm." Hindi ko maituloy ang aking sasabihin. But seeing him like this, I just want to know somethimg.

"Re-Renzo!" Narinig naman niya ang tawag ko. Lumingon siya at inantay ang aking sasabihin.

"Do you still see her as... as my friend?" Deretsahan kong tanong. Huminga ako ng malalim at naghagilap ng maiinom. Kaonti pa lang naman ang alak na nati-take ko.

"What are you saying?"

"Si Reya. Iniisip mo pa rin ba na maaring related siya sa kaibigan ko?" Hindi ako manhid para hindi mapansin na iba ang pakikitungo niya kay Reya. Kung ginagawa niya ito dahil sa kamukha siya ng kaibigan ko, is it unfair on her part? I still don't like her because of her attitude. But I'm trying to know her more. Nang malaman kong invited si Reya, hindi ako nagdalawang isip na pumunta. Daven is a good man and may paghahalintulad kami ng profession. He even pays a visit to my clinic these past few days kaya um-oo ako. Its not only me, kami naman ni Silver ang inimbitahan niya.

I didn't hear any answer from him. Uminom lang siya ng alak. Ibinalik ko ang tingin ko sa ibaba kung saan tanaw ko siya habang nilalapitan ng mga lalaki. She seems enjoying the attention.

"Hindi lahat ng nakikita mo ay totoo."

"What?" I heard him. Gusto ko lang na kompirmahin kung ano ba ang tinutukoy niya.

"Minsan, kung ano ang nakikita natin, iyon ang pinaniniwalaan natin. Nakakalimutan natin ang isang mahalagang bagay. Hindi natin malalaman kung ano ang buong nilalaman ng aklat kung hindi natin ito bubuksan."

Ang seryoso ng mukha niya. Napansin ko ang paghigpit ng hawak niya sa baso habang nakatingin sa babae. What is he trying to tell me? Na hindi ko pa ganoon kakilala si Reya para husgahan ko siya? Or I misjudged him dahil sa tanong ko sa kanya kanina? Nalilito ako.
"Maybe you saw something that I never notice from her." Pero look at what she's doing right now. Gusto ko sanang idagdag but baka may dahilan kaya ganyan siya. Nevertheless, hindi pa rin ako ganoon na nagtitiwala kay Reya. But-

"I'll try to open that book. And even read it. Hindi ko alam kung magugustohan ko but, its better than not trying at all, hindi ba?" Nakuha ko ang atensyon niya at ngayon ay napatango siya sa akin.

"K-kamusta ang kaso nila tito Roman? I heard a news 'bout it the other day." Its my chance to question himNapahawak ako sa dibdib ko sa sobrang kaba na biglang naramdaman ko. Napatingin siya sa akin at his eyes is full of questions. Bagay na hindi ko kayang tagalan kaya napadako na lang ang aking mukha sa table.

"Naghahanap pa rin ako ng ebidensya. Kaonti na lang, mailalabas ko na ang katotohanan." Mahihimigan mo ang pag-asa sa kanyang boses. Nagsalin na naman siya ng alak sa kanyang baso at in-straight niya itong ininom

Dead Heart (#RoseAwardsJune2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon