Lexinne's Pov
"May sasabihin ka daw sabi ng Mama mo?" Tanong ni Didi sakin ng ibigay ko ang coffee niya. Mabilis ko naman binigay kay Kidd ang coffee na tinimpla ko at umupo sa tabi niya.
"Sweetheart sabihin mo na" malapad na ngiting kumbinsi naman sakin ni Mama
Tumingin naman ako kay Kidd at tila wala siyang idea dahil sa uri ng tingin niya sakin.
"D-di k-kasi a-ano po" putol putol na sabi ko
"Ano ba yon?" Seryoso ang tono ni Didi na lalong nagpakaba sakin
"Ano kaba honey tinatakot mo ang anak mo" sabi naman ni Mama, kahit papaano alam kong may kakampi ako
"Babe you okay?" Nag aalalang tanong ni Kidd sakin at pinunasan ang butil butil na pawis sa noo ko
"Buntis kaba Lexinne!" Pasigaw na tanong ni Didi na pinalo pa ang mesa halatang galit
"No Di!" Tanggi ko na napatayo sa gulat.
Tumayo din si Kidd sa tabi ko at niyapos ang baywang ko. Nakita ko din si Mama na sapo ang dibdib at tila gulat din sa ginawa ni Didi
"Honey!" Tawag pa ni Mama kay Didi
"Sir mahal ko po ang anak niyo at hindi ako gagawa na bagay na ikakasakit ni Lexinne" mabilis na sabi ni Kidd na ikinahawak ko ng mahigpit sa damit niya feeling ko lukot na lukot na yon pero wala akong pake kasi kinakabahan ako
"Hindi ako tanga para hindi mapansin mga galaw ninyong dalawa ni Lexinne. Dumaan din ako sa edad niyo at hindi naman ako tututol kung magka gustuhan kayo. Ang akin lang patapusin mo ng pag aaral ang anak ko at respetuhin siya" sabi ni Didi na tumayo rin. Lumapit si Mama sa kanya at yumakap sa braso nito
"Kidd may tiwala kami sayo at sa anak namin, huwag niyo lang sana sisirain tiwala namin sa inyo. Hindi kami tututol lalo na para sa kaligayahan ng anak namin pero gusto kong mangako ka na hindi mo sasaktan ang anak namin" sabi naman ni Mama
"Ma'am ayoko pong mangako pero gagawin ko ang best ko para manatiling maging masaya siya sa piling ko. Pipilitin ko sa abot ng makakaya ko na huwag siyang masaktan. Sir, malaki rin po inaasahan ko kay Lexinne huwag po kayong mag alala dahil makakapag hintay po ako. Makakapag tapos po siya ng pag aaral at matutupad niya mga pangarap at gusto niyang gawin sa buhay" sagot ni Kidd sa magulang ko tsaka niya inalis ang kamay niya sa baywang ko at hinawakan ang kamay ko. "Isa lang naman maipapangako ko yun ay ang hinding hindi ko bibitawan ang kamay mo" sabi pa ni Kidd habang diretyong nakatingin sakin
Yung kabang nararamdaman ko kanina ay parang biglang naglaho at pumalit ay mga paru parong nagliliparan sa tiyan at kumikiliti sa puso ko. Hindi ko tuloy napigilan ang pag init ng dalawang pisngi ko at ang pilit na pagpigil na pagkurba ng mga labi ko.
"Yiiie dalaga na talaga ang anak natin" dinig kong sabi ni Mama na dahilan ng pagbitaw ko sa kamay ni Kidd
"Ngayon kapa nahiya pero kaninang pagsilbihan mo siya sa harapan namin hindi ka nahihiya. Mabuti pa doon tayo sa sala at doon natin ituloy ang kwentuhan" ma otoridad na sabi ni Didi na agad naman naming sinunod
"Nay Sally paki hatiran mo nga kami ng kape sa sala" utos naman ni Mama sa katiwala namin
******
SalaMagkatabi kaming dalawa ni Kidd sa sofa at nakaupo habang si Mama naman ay nagsasalin ng kape sa mga tasa.
"Kailan pa naging kayo ni Lexinne" tanong ni Didi
"Last November po" magalang na sagot ni Kidd
"Paano naman kayo nagkakilala?" Tanong ulit ni Didi
"Sa social media po nakita ko siya sa facebook at doon kami unang nagkita" sagot naman ni Kidd
"Sa facebook mo lang din niligawan ang anak ko?" Usisa pa rin ni Didi
"Unfortunately yes po. Wala pa po akong isang linggo dito sa Pilipinas at sa Australia po ako naka destino noong magkakilala kami. Nasa Korea naman po si Lexinne non kaya sa chat lang po kami talaga kami madalas magkausap" sagot ni Kidd sa tatay ko
"Nakikita ko naman na matinong tao ka at lalaking kausap kaya panghahawakan ko ang mga sinabi mo kanina na hihintayin mong makapag tapos siya ng pag aaral niya" sabi pa ni Didi
"Makakaasa po kayo Sir" sagot naman ni Kidd
"Tito at Tita nalang ang itawag mo samin" pigil ang tawang sabi ni Didi
"Sige po Tito" masunurin na sagot naman ni Kidd
"Mas gusto ko kung tatawagin mo akong Mama, namimiss ko na yung Kuya niyang si Lexinne na nagpaiwan sa Korea para naman kahit papaano ay maibsan pagka miss ko sa kanya" sabi naman ni Mama
"Edi dapat pala Dad na rin tawag niya sakin? Hindi ko naman to pamangkin para Tito itawag niya sakin" tumatawang sabi ni Didi
"Ang matandang to nainggit ka na naman" sagot naman ni Mama
Naramdaman ko ang paghawak sa kamay ko ni Kidd habang sumasabay sa tawanan ng magulang ko maging ako man ay nakitawa na rin. Yung pangamba at takot na naramdaman ko kanina ay biglang nawala at napuno naman ng saya. Sana laging saya nalang. Sana wala ng lungkot. Sana laging ganito at walang pinoproblema pero alam ko pagkatapos ng gabing ito babalik na ako sa totoong mundo kung saan ipapamukha sakin ni mother earth na peke lang to.
******
"Arf arf arf" tahol ng tatlong anak ko na nakatambay sa labas ng pinto
"Woah!" Gulat na sabi ni Kidd na napaurong pa ng makita ang tatlong aso sa harapan niya
"Arf arf arf" tahol pa rin nila
"Mga anak ko nga pala, si Maddie ang panganay turo ko sa pinaka maliit na aso, si Pochollo ang pangalawa turo ko sa naman sa may kalakihan na ding aso, at si Queenie ang bunso sa kanilang tatlo" sabi ko sabay himas sa ulo ni Queenie na nakatingin sakin na parang nagmamakaawa para hawakan ko
"Parang baliktad yata?" Natatawang sabi ni Kidd "Diba dapat siya ang panganay kasi siya ang pinaka malaki tapos si Maddie ang bunso kasi tuta palang siya?" Hindi napigilang komento niya
"Si Maddie ang panganay kasi siya ang una kong inampon sa kanila at si Queenie naman ang bunso kasi ilang araw ko palang siya naampon. Tignan mo nga ginagamot ko pa siya" turo ko sa galis ni Queenie
"Inaampon mo? Bakit hindi ka nalang bumili?" Tanong pa ni Kidd
"Bakit ako bibili kung pwede naman akong mag adopt? Maraming mga furbabies ang kailangan ng love and care na inabondana nalang. Mas maganda kung mag rescue nalang ako at iadopt sila kaysa naman bumili pa ako. Ang daming stray dogs and cats na walang shelter at nag c-care sa kanila kaya hanggat kaya ko tutulungan ko sila magkaroon ng loving home and family. Sabi nga ng advocacy ng PAWS Adopt dont Shop" paliwanag ko kay Kidd
"Okay now I understand. Ang cute mo talaga" sabi naman niya na pinisil ang pisngi ko
"Aray! Masakit ah! Tsaka inborn na cuteness ko" sabi ko na tumawa at nauna na sa paglalakad habang hila hila ko siya. "Umuwi kana ng makapag pahinga kana alam ko naman na pagod ka" taboy ko sa kanya ng makarating sa tapat ng suv niya
"Sige para makapag pahinga kana din" sabi naman niya
"Sige na goodnight" sabi ko tsaka ngumiti "Mang Nicanor uuwi na po si Kidd paki buksan naman po ang gate" utos ko kay Mang Nicanor na agad namang tumalima
"Wala bang goodnight kiss?" Tanong nito na nagkandahaba ang nguso
"Suntukin ko kaya nguso mo ng makatulog ka agad you like?" Sabi ko na pinakita kamao ko
"Umandar na naman pagka amasona mo" sabi niya na binuksan ang pinto ng sasakyan niya "para sayo nga pala to" sabi niya sabay abot sakin nung stuffed toy na baboy na kanina pa niya hawak
"Thank you" tanging nasabi ko ng kunin yon sa kamay niya
"Anong thank you? Wala ng libre ngayon may bayad yan" sabi niya na ikinataas ng kilay ko
"Ha?" Sabi ko
Tsup!
O____O
"Bayad kana Goodnight babe" sabi ni Kidd na mabilis pumasok sa kotse niya matapos niya akong nakawan ng halik sa labi
Kumaway kaway pa ang kumag matapos niyang pagsamantalahan ang labi ko. Kung hindi lang nakatingin magulang ko sigurado nabato ko na siya ng tsinelas ko.
"Goodnight po" pahabol pang sabi niya kina Didi at kumaway pa para magpaalam.
Naniningkit na mata naman binigay ko sa kanya ng muli siyang magpaalam sakin na sinabayan pa niya ng kindat bago isarado ang salamin ng bintana ng sasakyan niya.
"Lexinne pumasok kana baka mahamugan ka" tawag sakin ni Mama
"Sige Ma susunod na ako" sagot ko pero nag stay pa ako ng mahigit limang minuto sa labas ng bahay bago pumasok.
"Gusto ko yang si Kidd para sayo huwag ka lang niyang sasaktan dahil ibabaon ko siya ng buhay" sabi ni Didi na mukhang hinintay talaga akong makapasok
"Umandar na naman pagka utak criminal mo Di" pambibiro ko sa kanya
"Hindi ako nagbibiro subukan lang niyang saktan ka at sementeryo kakahantungan niya" sabi pa niya
"Bago mo pa siya mabaon ng buhay sa sementeryo oras na niloko niya ako na chop chop ko na siya Di kaya 'wag kang mag isip ng mga negatibong bagay baka magka totoo juiceko maloloka ako" biro ko
"Tama na yan at magsitulog na, may mga pasok pa kayo bukas" sabi ni Mama na kalalabas lang mula sa kusina.
"Okay Ma Goodnight" sabi ko kay Mama "yung sinabi ko Di ha? Huwag nega sige ka! Goodnight" paalam ko din kay Didi at humalik sa pisngi niya bago ako umakyat sa papuntang kwarto ko
"Goodnight" sabi pa nilang dalawa
Nag toothbrush at naghilamos lang ako ng mukha bago nahiga sa kama. Nakalimutan ko palang patayin ang laptop at e-fan kanina. Binuksan ko ang aircon at tinignan ang baboy na binigay ni Kidd sakin at pinitik pitik ang nguso non hanggang sa bigla itong magsalita.
"Hi babe pakinggan mo ang pang concert na boses ko. One minute lang limit nito kaya chorus nalang kakantahin mo. Ahem.. If I could be your superman I'd fly you to the stars and back again. Cuz everytime you touched my hand you feel my powers runnin through your veins, But I can only wtite this songs and tell you that I'm not that strong , cuz I'm no superman, I hope you like me as I am.. Ahem. Uy ngumingiti siya oh kinikilig yan hahaha" sabi sa recorder na nagpangiti at nagpakilig naman talaga sakin ng #KontiLang
Inulit ulit kong plinay yung boses ni Kidd hanggang sa nakatulog ako.
**********