💕Chapter 19💕

747 20 0
                                    

Scarlet's POV

Nandito ako sa mall. Kasama ko si Beatrice at Freyah, kahapon lang nakadating si Freyah at Carl galing Spain.

"Scarlet! CR lang kami ha?" sabi ni Beatrice

"Bilisan niyo ah!" sabi ko

Halos isang oras na kaming naghihintay dito! Bakit ako nandito? Nag text kasi si Carl kay Freyah na pumunta kami ng mall ngayon, manunuod daw kami ng sine pero ang tagal ng boys!

Naglakad lakad nalang ako malapit sa isang ice cream parlor. Kakain muna ako. Nasa mood ako para kumain ng ice cream! Pumasok kaagad ako sa loob. Nag order kaagad ako ng cookies and cream, favorite ko yan!

Umupo ako sa isang table, dito nalang ako maghihintay kina Beatrice. Text ko nalang sila. Nang matapos na akong kumain, tumayo na ako para makalabas ng shop pero may naka bunggo ako at.... argh! Kainis! Natapon ang ice cream sa damit ko! Lumingon ako sa nakabunggo sakin.

"I'm sorry, I'm really sorry miss" sabi ng lalake, yup! Lalake siya, and he's handsome... pero mas gwapo parin si Zack! Pero familoar siya sakin, I think I saw him somewhere

"Bibilhan nalang kita ng damit!" umiling kaagad ako, may spare naman kasi ako dito na t shirt

"No! It's okay, okay lang! Alam ko naman an aksidente lang yun" sabi ko

"I insist!" bigla niya akong hinila papunta sa isang boutique

"Good evening! Welcome!" bati ng isang babae, pero namilog ang mga mata niya ng nakita ang kasama ko, sino ba to?

"S-sir B-Bryan?" hindi niya pinansin ang babae at hinila niya lang ako

"Choose, ako na ang magbabayad!" sabi niya at ngumiti sakin

"Hindi mo naman kailangan gawin to kuya—"

"It's Bryan, Scarlet" nagulat ako sa sinabi niya, kilala niya ako?!

"B-bakit? P-pa—"

"Co-model ko si Zack, I see you often with your friends kaya kita nakilala" tumango nalang ako sakanya

"B-but Bryan! Okay lang naman ang damit ko, konting punas lang at voila!" napatawa naman siya

"Now I know" napakunot naman ang noo ko

"What?" naguguluhan kong tanong

"Alam ko na kung bakit nagustuhan ka ni Zack...your beautiful, humble, intelligent, funny, and... what else? Basta! Full package!" sabi niya

"Haha... thank you for the complime—"

"Scarlet!" napalingon kaagad ako sa pinanggalingan ng boses, and there! I saw him glaring at Bryan!

"Z-Zack" bakit ako nauutal?

"Zack! I was just buying her some clothes, nabangga ko ka—"

"You don't have to do that! Hindi mo siya girlfrie—"

"Chill dude!" sabi ni Bryan

"I didn't say that I'm his boyfriend but... why did you leave her alone? Akala ko ba girlfrie—" hindi na natuloy ni Bryan ang sinasabi niya ng suntukin siya ni Zack

"Zack!" inawat kaagad siya nina Carl at Kuya, ako naman ay tinulungan si Bryan na makatayo

"Okay ka lang?" tumango lang siya sakin pero may nakita akong dugo sa gilid ng labi niya, damn it!

"Z-Zack, mag sorry ka sakanya!" sabi ko

"Bakit ako mag sosorry sakanya?" hay naku!

"Zack! Sinunto—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng umalis siya sa harap ko, oh my god!

"Bryan, ako na ang humihingi ng tawad sayo! I'm sorry sa inasal ni Zack!" hindi ko na siya hinintay na makapagsalita, tumakbo kaagad ako at sinundan si Zack.

"Zack!" tawag ko pero hindi niya ako nilingon

"Zack!" hindi niya parin ako nilingon

Habang tumatakbo ako may biglang nakabangga sakin. Mukhang word of the day ko na yang "nakabangga". Nadapa kaagad ako

"Argh! Ahhh!" hinawakan ko ang paa ko, hindi naman gaano ka sakit pero ginagawa ko ito para mapansin ako ni Zack.

"Ay! Sorry miss!" lumapit kaagad ang lalake sakin, bago pa ako mahawakan ng lalake ay kinarga ako ni Zack kaya napatili ako. Nang makita ng lalake ang ginawa ni Zack, umamba siyang lalapit pero nagsalita kaagad si Zack

"Ako na ang bahala sakanya, she's my girlfriend" sabi niya at lumabas na kami ng mall.

Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon