Vingt-deux

905 30 4
                                    

The next few days passed like a flash of lights. Hindi ko nga napansin na tatlong araw na lang pala, Pasko na. Nung mga nakaraang araw ay medyo naging busy si Eiffel dahil may mga problema raw na biglang lumitaw sa business nila. Akalain mo 'yon, kahit nandito lang at wala masyadong ginagawa ay alam pala ang nangyayari sa business nila. Samantalang ako, heto. Wala man lamang balita maski sa pamilya ko.

December 22 na pero wala man lang kaming panghanda para sa pasko. Ni wala pa nga akong panregalo sa kaniya.

  "Done," I heard him say saka tumabi sa akin sa sofa. "Tara na?"

"Okay ka na ba? Hindi ka muna magpapahinga?" tanong ko. Kakagaling lang kasi niya ng kwarto niya at nakita kong ang daming papeles at folders sa table doon. Mukhang nira-rush niya 'yung mga bagay-bagay para makapagpahinga rin sa araw ng pasko.

"Okay lang ako. Tara na." Bakas sa mukha niya ang pagod pero alam kong hindi ito magpapatalo kung makikipag-argumento pa ako na magpahinga na lang siya.

Tumayo na lang ako at ganoon rin siya. Gagamitin sana namin 'yung bike na binili namin kaso baka maging sagabal lang kaya sumakay na lang kami ng taxi. We go to the nearest market para makabili na ng panghanda sa pasko.

Nakakatawa. Kahit kasi may kaniya-kaniya kaming gawain ay nakapagkabit pa kami ng Christmas decor. Pero nakakalungkot rin. Ito kasi 'yung unang Pasko na hindi ko makakasama 'yung pamilya ko at ganoon rin siya. Noong nag-usap nga kami nakaraan about his parents, sabi niya tinawagan raw siya ng mama niya at sinabing nami-miss na siya nito.

"I'll take a nap," sabi niya pagpasok namin sa taxi.

I offered him my shoulder that he didn't decline. Pagod talaga siguro 'to. Ang laki nga ng eyebags kanina. Mukhang hindi natulog magdamag.

"Gusto ko Filipino food," biglang sabi niya habang nakapikit.

"Ako rin. 'yung laging handa sa bahay."

"Yeah."

Tapos noon ay natahimik na kami at hinayaan ko muna siyang umidlip sa biyahe kahit sandali lang.

Ginising ko siya pagkarating namin sa tapat ng isang public market. Bumili kami ng mga karne at gulay. Bumili rin kami ng mga prutas lalo na 'yung mga bilog. Kasabihan kasi na swerte raw iyon. We also bought ham and cheese. Few bottles of wine and some Parisian treats.

Pagkatapos naming mamili ay umuwi rin kami agad. Inayos namin 'yung mga pinamili at gumawa ng mga pwede nang simulang handa para sa pasko tulad ng mga desserts.

I'm arranging graham crackers in a container while Eiffel's making the fruit salad when he spoke.

"Hindi ka ba uuwi sa Pinas?" Napahinto ako saka napatingin sa kaniya.

"Hindi ko alam." Nilagyan ko ng mixture ng gatas yung lalagyan tapos ay naggawa ulit ng panibagong layer ng graham crackers. "Hindi. Ikaw?"

"Wala kang kasama."

"What?!" Inilapag ko ang ginagawa ko. "No. You can go if you want. I can manage."

Kaya lang naman ayaw ko pang umuwi dahil hindi pa ako handang harapin sila. I knew my parents. Siguro pinabayaan nila ako noong pumunta ako rito pero alam ko na may kapalit 'yon. Baka pagkarating ko ron, hindi na ako makatakas at iba na ang status ko.

Is It Us? [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon