Chapter 21: "Haircut"

90 2 0
                                    

Chapter 21:         “Haircut”

Si Storm agad ang hinanap ko kinabukasan. Wala na siya sa kwarto ko. Napansin kong sarado na rin ang bintana. I didn’t know kung nakatulog ba siya, what time did he go and how did he manage to get out.

I spent my Saturday busying myself with my assignments. Ewan ko ba kung bakit hindi kami nauubusan ng assignments. Tapos ang gusto pang handwriting eh yung may pattern.

When the night came, sinadya kong buksan yung bintana na hindi ko naman ginagawa dati. I’ll admit, I am expecting Storm to come by again. Sabi niya kasi sasamahahan niya kami kasi dadalawa lang kami ni manang dito sa bahay. Bukas pa babalik si manong Lito.

Nagawa ko na ang mga dapat kong gawin pero wala pa ring Storm na dumating. Kada kaluskos eh napapatingin ako sa bintana pero walang Storm na lumalabas.

Hanggang sa nakatulog na ko kahihintay sa kanya pero wala talaga. Nagalit kaya siya ulit dahil sa nagawa ko sa buhok niya?

Nagising ako nang sumunod na umaga na medyo magulo yung mga unan sa may dulo ng kama ko. Yun yung lugar na hinigaan ni Storm nung nakaraang gabi. Nagpunta siya dito? Pagtingin ko sa bintana, sarado na din to pero ang pagkakatanda ko ay iniwan ko itong bukas.

Pumunta si Storm sa bahay nang hindi man lang nagpakita sa akin.

-------

“Janica, may tanong ako,” I called Janica’s attention.

Nasa classroom kami at hinihintay namin yung prof. Lumapit naman siya sa akin.

“Alam mo ba na family ni Storm ang may-ari ng school?” tanong ko sa kanya.

Naalala ko lang yung usapan namin ni Storm nung Biyernes nang gabi. Hindi na kasi siya nagpakita sa akin simula nun. Nagpunta siya nung Sabado nang gabi pero di naman niya ako ginising. Hindi ko na rin siya inexpect na pumunta kahapon kasi dumating na si manong Lito.

“Of course! Di mo alam?!” medyo napalakas na sagot ni Janica. Sa tono niya ay para bang may isang normal na bagay akong nalimutan.

Umiling lang ako. Kung hindi pa namin napagkwentuhan yun ni Storm, di ko malalaman.

“Bree, ilang taon ka na dito sa Viene Central University pero di mo talaga alam? Isa yan sa mga dahilan kung bakit walang maglakas-loob na kumontra sa kanya,” pagpapaliwanang sa akin ni Janica. May sasabihin pa dapat siya kaya nga lang dumating na yung prof at kailangan na naming makinig.

-------

Why is everyone talking about Storm? Di ko pa siya nakikita ngayong araw pero siya na agad ang topic ng mga estudyante. Hindi ito tungkol sa pambubully niya but everyone seems eager to see him especially the girls. It’s unusual. Most students here want to avoid him.

Nung vacant ko, pumunta agad ako sa garden expecting him to be there and playing his piano pero wala siya dun. Tahimik yung garden at hindi ko mabuksan yung daan papuntang underground.

The Wander DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon