Chapter 4

1 0 0
                                    

🎶I've been up all night
No sleep, coz I'm feeling like I'm always dreaming
Wide awake, that's ok
For as long as I'm with you~ 🎶

---------------
My Bonny

KUMATOK ako ng sobrang lakas sa pinto sa labas ng bahay ni Marzy. Tulog mantika talaga ang babaeng to oh!

"MARZIALLE!" sigaw ko. Ilang minuto na ako nakatayo dito pero di niya pa binubuksan. May kailangan akong itanong sa kanya. Umatras ako nang sumagi sa isip ko na wala talagang balak ang babaeng yon na papasukin ako.

Tumingala ako at nakitang bukas ang pintuan sa terrace niya. Bahala na. Inakyat ko ang terrace gamit ang lubid na nakita ko sa backyard ko. Dinala ko papunta dito in case of emergency, nagamit naman.

Nakatulog pala ang bruha sa may study table niya, hawak pa niya ang ballpen at nadadaganan ng ulo niya ang gabundok na bond paper. May tumutulo pang laway sa bahagyang nakanganga niyang bunganga. Gross.

Dinukot ko ang camera ko tsaka pinagtripan ang natutulog niyang mukha. "Yari ka sa akin ngayon." Pinaghintay mo ako sa labas ng bahay mo. Gaga.

She flinched, nagising na din siya sa wakas. Her eyes was still half-open, nocturnal na Marzy. "Oh anong ginagawa mo dito?"

Itinapat ko sa mukha niya yung librong bitbit ko. Yung novel na ginawa niya. Marahan kong pinukpok iyon sa ulo niya na may ngisi— sweet in a sarcastic way —sa aking mga labi. "Walang hiya ka, pinatay mo yung bida!"

"Eh sa gusto ko, lakampake!"

"Tss. Palibhasa NJSEC." Mahina kong sabi.

Umayos ito ng upo at pinahid ang laway sa gilid ng kanyang labi gamit ang likod ng kamay niya. "NJSEC?"

"No Jowa Since Egg Cell." Kinuha niya ang pinaka-mabigat niyang ballpen at iyon ang ginamit niyang pambato sa akin. Buti na lang nasalo ko, Parker pa naman ballpen niya. Jusq ke mahal-mahal na brand.

"Ako ah, tigil-tigilan mo ako!"

"Uso din kasing lumabas, para naman makabingwit ka ng love of your life mo." Pagbibiro ko. Mukhang nagiging man-hater na ang bestfriend kong never nang tumapak ng outside world. Ginawa nang mala-PBB ang mansyon niyang bahay.

"I prefer writing stories, at least sa bagay na iyon marami akong asawa at kabit."

"Ang harot mo Marzy." Namayani ang hagalpak ko sa apat na sulok ng kwarto niya. 7 more years of being a bachelorette, then I have to get married by 30. Ayaw ko naman maging matandang dalaga. Mahirap nang tumandang mag-isa.

[ESHI, at the end of the month punta ka dito sa amin. Magkakaroon kasi dito homecoming.]

"Oh sure, text me the exact details. I'll be there. Ok? Toodles." Pinatay ko na yung tawag, binalik ko ang cellphone ko sa ibabaw ng bag ko. Nasa Dance studio ako ngayon, dance studio ko— Groove 'n Jive.

Nagcho-choreo ako ngayon ng bago kong mga dance steps para sa bago kong project. Magtuturo ako sa mga fans ko ng iba't-ibang sayaw, (syempre may bayad) and yung malilikom kong pera ay i-dodonate ko sa mga charity or orphanage na matagal ko nang tinutulungan.

Giniling ko ang balakang ko pababa, tapos biglang tumalon na nasa ere ang pareho kong kamay. I danced like I don't care. The music sounds erotic, I too danced seductively.

🎶You know I love it when the music stops

Come on and strip that down for me

Baby, there's a lot of people in the crowd

The Phantom's LightWhere stories live. Discover now