CHAPTER 10 - The Flower of darkness

302 11 5
                                    


KING LUKI'S POV

Pilit akong lumapit kay elena kahit sa tuwing mapapalapit ako rito ay nakakaramdam ako ng hapdi na nagmumula sa pinapakawalang enerhiya nito. Hindi ko pweding ipahintulot na sumabog ito dahil hindi lang ang kinalalagyan namin ang sasabog kundi ang kalahati ng kaharian.

Ng isang hakbang nalang ang layo namin ay dali dali kung inabot at niyakap. Pumikit ako at kasabay nito ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

"Please clamdown..." bulong ko rito.

Ngunit lalong lumakas ang enerhiyang bumabalot rito, wala na akong maisip na ibang paraan...walang alinlangang hinawakan ko ang magkabilang pisngi nito at nilapat ko ang aking labi. Dumiin ang pagkakahawak ko rito ng pilit itong kumakawala sa aking pagkakahawak. Ginalaw ko ang aking labi at pilit binubuka ang bibig nito gamit ang dila. Pilit itong lumalaban ngunit lalo kong dinidiin ang pagkakahalik rito.

Unti unti humihina ang pagpiglas nito kasabay ang paghina ng hangin na bumabalot sa amin. Hindi nagtagal tumigil na ito, naging hudyat ito upang lalo kong palalimin ang halik namin at ang pagluwag ng pagkakahawak ko rito. Humiwalay ako rito at hinaplos ang pisngi nito. Nakapikit ito at malalalim ang hininga.

"Elena?...elena!" tawag ko rito ng biglang nabuwal sa pagkakatayo. Mabilis ko itong sinalo.

"Elena?" tawag ko ritong muli ngunit kahit anong tawag at yugyug rito ay hindi ito gumigising.

Mabilis ko itong binuhat at tinungo ang kastilyo.

"Mahal na hari....elena?" humahangos na lumapit si haides at napatigil ito ng makitang buhat buhat ko si elena.

"Ano pong nangyari kay elena?" bakas ang pag aalala sa mukha nito, hindi ko ito sinagot bagkus mabilis kung tinahak ang silid pagamutan.

Nabulabog ang buong palasyo, ilang oras ng hindi pa nagigising si elena buhat sa pagkakahimlay. Napabuntong hininga ako at tinitigan ang maamo nitong mukha. Naiintindihan ko kung bakit ito biglang nagwala. Ikinapapasalamat ko nalang at kahit masama ang loob nito sa mga taga winka nation ay mas pinili nitong pumunta sa walang madadamay in case her power overcome her.

"Mahal na hari," hindi ko nilingon ang aking kanang kamay.

"Ano iyon?" tanong rito.

"Nais iparating ni reyna white na may pagpupulong na magaganap sa sky doom," nakayukong wika ni haides. Napabuntong hininga nalang ako at tumungo.

ELENA'S POV

Nagmulat ako ng mata at sinuri ang kapaligiran. Pilit akong bumangon sa aking pagkakahiga dahil sa ideyang pumasok sa aking isipan. Ilang sigundo akong napatulala sa kawalan upang isipin ang huling naganap bago ako napunta sa lugar na ito. Napapikit ako dahil sa umusbong na damdamin. Ilang minuto akong ganito at saka ako napabuntong hininga at tumayo. Once again my power over rule me. Palaging ganito tuwing pinapangunaan ako ng emosyon.

Hindi ko maiwasan dahil sa mga nilalang na nagpapaalala sa akin sa nakaraan.

Elena, -dracon

Patawad, nabigo muli ako. Akala ko kaya ko ng kontrulin ang kapangyarihan..hindi pa pala. -kita ko sa aking balintataw ang tipid na pagngiti ni dracon.

Naiintindihan kong hanggang ngayon hindi mo parin tanggap ang pagkawala nila. -bakas sa buses nito ang simpatya.

I can't stand with those hanka who will remind me of what happen in the past. Lalong nilalamon ang aking puso ang galit at inggit. -pag-amin ko rito sa tunay kong nararamdaman.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 08, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE CHARMED - The Untold StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon