Ako ngayo'y narito sa bungad ng lagusan patungong planetang tinatawag na Earth. Isang hakbang ko lamang ay makakarating na ako sa planeta ng mga tao upang gampanan ang misyon na ibinigay ng pinunong Hera.
"Hangad ko ang iyong tagumpay Zil. Ikaw ay mag-iingat sa mundo ng mga tao."
"Salamat Tyie. Sisiguraduhin kong ako'y magbabalik bago ang nakatakdang panahon na ito'y magaganap."
"Iyong pakatatandaan na ang walong araw na ibinigay sayo upang gampanan ito ay katumbas ng apatnaput-siyam na araw sa mundo ng mga tao."
Tumango ako bilang pagtugon.
Mabuti na lamang at may sapat akong panahon upang mahanap ang tagakubli ng bagay na iyon.
"Ikaw na muna ang bahala sa pinuno Tyie." sambit ko na kaniyang tinugunan ng isang tango at ngiti.
"Siya nga pala Zil." Sambit nito at iniabot ang isang kwintas.
"Ito lamang ang magsisilbing daan upang makausap mo kami, kaya't pangalagaan mo ito habang ika'y nasa mundo ng mga tao. Itapat mo lang ang makinang na bato nito sa liwanag ng buwan upang malaman namin na nais mo kaming makausap... At hanggang may liwanag kang nakikita sa kuwintas na ito ay mananatili kang ligtas."
"Salamat Tyie. Pakatatandaan ko yan." Sambit ko at saka siya niyakap.
"Sige na, at baka hindi ka na makaalis." Biro nito nang maghiwalay kami sa pagkakayakap.
Nginitian ko siya at tumalikod upang humakbang papasok sa lagusan.
Sana'y maging madali ang aking paghahanap...
----------------------------
Hey Guys! This is my first ever story na sinulat ko sa watty, I hope you'll support it! Thank You! Sending virtual hugs and kisses!!!
BINABASA MO ANG
The Girl From The Outside World
FantasyIsang misteryosong babae na nagmula sa ibang planeta ang itinadhanang makilala ni Dylan. Ang babaeng ito ay may misyon na iniatang sa kanya ng kanilang pinuno na kailangan niyang magampanan sa lalong madaling panahon. Ngunit sa sandaling panahon na...