2

6 1 0
                                    

"Good morning."

"Good morning din. Bat ang aga mo?"  sabay yakap ko sa kanya. Hay, ang bango talaga ng lalaking to.

"Alam kong namimiss mo na ko eh." napangiti naman ako. Well, totoo naman pero he doesn't need to know.

Sinampal ko ang braso niya. "Ang kapal mo talaga."  sabi ko habang pinipigilan ang ngiti.

Sabado ngayon at walang pasok kaya naman dinadalaw niya ako. Linggo linggo niya to ginagawa. Well, di ko alam kung bakit basta masaya ako kapag nandyan. Shet ang landi ko.

"May dala akong breakfast. Pumasok na tayo." pumasok na kami sa loob. Nagaapartment ako habang nandito ako sa Manila. Dito ako nagaaral, samantalang siya ay nagaaral sa probinsya namin kasi di niya kayang iwan ang mga kapatid niya.

Wag kayong ano, mayaman tong lalaking to. Kaso mas mahal lang niya ang pamilya niya.

Habang kumakain kami ay nagkwentuhan lang kami tungkol sa nanagyari sa buong linggo namin. Pero sa buong linggo ko pagdating lang naman niya ang hinihintay ko.

"Hindi ka ba napapagod?" tanong ko sa kanya. Natatakot ako sa isasagot niya pero shet kailan kong malaman to.

"Saan?"  tanong niya. "Sa ganito. Sa pagdalaw, linggo linggo. Duh nakakapagod kaya bumyahe." sabay tawa ko ng peke.

"What do you think?" aba naman. Tinanong ko, tinanong din ako.

"Ikaw magthink dyan, sagot na." Tumawa naman siya. Kaya sinapak ko talaga siya. Napakababaw ng kaligayahan. "Magtigil ka nga. Seryoso ako."  Tumikhim siya at tumahimik na.

"Kawawa ka kasi, para kang bata oh. Baka mapahamak ka dito."
Tumango na lang ako at ngumiti ng pilit. "Kumain ka pa." sabi ko nalang.

Charity case lang pala.



Nagising ako bigla. Shet. Ano yon?

Ang sakit ng ulo ko na naman. Pagkauwi ko kanina, natulog ako dahil sa sakit ng ulo. Nakalimutan ko ng tawagan si Mama. Hay, ano bang nangyayari sakin? Bakit ba ko ginugulo ng hinayupak na yon?

Nakarinig ako ng katok sa pintuan. "Sho." Si Rei yon. "Nandito na sila Mama, kain na daw." Hay, gabi na pala. And worst, nandito na sila Tita.

I don't know why I hate Tita and Rei. Parang yung feeling na makita mo yung tao, ayaw mo na agad. I know it's unfair but I can't change that and I can't help it.

"Susunod na ko."

Pagbaba ko, kumakain na sila Tita. Wala pa si Tito. Ewan ko kung nasaan pero mula nung nandito ako di na siya umuuwi. Weird naman siya around me mula pa noon eh, kaya ayos lang. I don't like weird people.

"Kumain ka na dyan Sho at may pupuntahan tayo." Tumango nalang ako this time. Well, masakit pa ulo ko ng medyo kaya ayaw ko dumaldal ng dumaldal.

Pagkatapos kumain, nagbihis na ko. Sabi ni Tita, magdress daw so nagdress ako. Ewan ko kung san kami pupunta. Bahala na. I am pretty naman.

"Rei, you're so tagal. Nandon na sa labas yung nanay mo." Pero wait lang ang sinagot sakin ng bruha. Jusko naman, para namang mas gaganda siya sakin kapag nagtagal siya don. Dahil hindi na ko makapaghintay lumabas na ko ng bahay. Doon nalang ako maghihintay.

Paglabas ko ng bahay, nadatnan kong naghihintay si Damon sa may gate. Kaya pala ang tagal nung Rei na yon, papaganda para dito sa lalaking to.

"Hey. Okay ka na ba?" Damon ask. Tumango lang ako dahil wala ako sa mood. Naalala ko na naman yung panaginip ko kanina.

Far From YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon