Kabanata 15

199 11 0
                                    

Dy! Nagagalit na si Miss Prianca sayo. Ang sabi isang linggo ka lang diyan sa Manila to cover the article for Mr. Alejandro! Okay sanang magstay ka diyan for a month pero sana kahit soft copy lang ng cover mo. I-send mo nalang via email pero wala eh. Wala ka pading cover!” naiinis na sabi ni miss Lily.

Saka ko lang naalala na nahindi pala natuloy yung interview namin kay Yua—este Mr. Alejandro. 'Kaya ko namang mag-imbento!' Bulong ko sa isip ko.

“O-Osige po miss Lily, papare-schedule nalang po ako sa secretary ni Mr. Alejand—” Bago ko pa makumpleto ang sinasabi ko ay pinutol niya na ako.

Talagang magpapareschedule tayo! At ngayon 'yon. Ala-una same location. At ayokong malilate ka ulit this time dahil kapag nalate ka ulit! I'm sorry,  Deniese pero magpapasa ako ng memo!”

Saka binaba ni Miss Lily yung tawag namin. Agad na nagtaas ng kilay si mommy saakin. Nakauwi na kaagad si Dan kahapon, kinabukas pagkatapos ng operasyon niya. “What is that, Deniese? Bakit parang hindi ko gusto ang pananalita sayo ng babaeng 'yon base sa narinig ko? Ha?” malditang sabi ni mommy. Hay nako! Ang masungit na si Shan Patrize Laurel-Villaflor.

Umiling ako. “Nothing, mom. Its from my work. Dapat kasi mapasa ko na yung article with a week nung naasign saakin eh kaso hindi ko nagawa dahil kailangan maoperahan si Dan asap.” I answered.

Kitang-kita ko ang inis sa mga mata ni mommy. “Well, resign iha. You don't need that company! That job doesn't suits you.”

“Mom. No! Remember, itong trabaho ang bumuhay saamin ng mga anak ko. Malaki ang utang na loob ko sakanila mom. Kahit na gustuhin kung umalis, di pupwedeng ganitong attitude ang iwan ko. I want to end this article first bago ako mag-resign, mom.”

Napabuntong-hininga nalang siya. “Okay, just do whatever you want. Andito lang kami para sumuporta.”

Agad akong napatingin sa orasan ko. Shit! Its 11 am baka malate na naman ako kapag di ako kumilos. Saka biglang pumasok sa isip ko sila nanay Mira pala mamayang alas tres magpapasundo!

“Mommy!” tawag ko kay mom na akmang tatalikod na sana saakin. Mabilis tuloy siyang napaharap ulit.

“What?”

“Mom. Pwede po bang pasundo nalang sila nanay Mira sa SM San Pablo mamayang 3 pm? I'm not sure if I am home that time. Paniguradong nasa trabaho pa ako.” ani ko.

TPBTIN 2: Forgetting The Past Where stories live. Discover now