Epilogue

109K 2.6K 614
                                    

"Daddddd! Daddd!" Naalimpungatan ako dahil sa maliliit na kamay na humahawak at malambing na pumapalo sa aking mukha.

"Heppp! Help..." bulol na sigaw ng mga ito habang tawa ng tawa. Basa na din ang mga kamay nito marahil ay sa kanilang mga laway.

Napahiyaw sa tuwa ang mga ito ng buhatin ko sila isa isa at ihiga sa aking tabi. "Kayong apat talaga!" Suway ko sa kanila tsaka ko sila isa isang kiniliti kaya naman naging maingay nanaman ang aming kwarto.

"Asaan ang Mommy niyo ha?" Pagkausap ko sa mga ito.

Kaagad na gumulong si Tadeo pababa sa kama na ikinagulat ko, nagmadali akong puntahan siya dahil baka nasaktan ito pero nakahinga ako ng maluwag ng tawa pa ito ng tawa.

"Don't do that again Tadeo" suway ko sa kanya pero mas lalo lamang itong gumapang ng mabilis palayo sa akin at nang makahawak sa may sofa ay sinubukang tumayo.

"Mom...mom, no..." magulong sambit niya pa sa akin.

Naging maingay silang apat na para bang naguusap sila na sila lang din ang nakakaintindi. "Brooom...daddd!" Tawag sa akin ni Cairo pagkuha niya sa aking pansin.

Kaagad ko siyang kinarga at tsaka pinaupo sa aking kandungan. "What is it?" Malambing na tanong ko dito pero hindi pa man nakakasagot ay kaagad ng lumambitin si Piero sa aking likuran.

Nagtatatalon ito habang nakayakap sa aking leeg kaya naman tawa ako ng tawa. "Piero stop it, baka tumalbog ka pababa sa kama" pagkausap ko sa kanya pero hindi niya ako tinigilan.

Nilingon ko ang tahimik na si Kenzo na nakahiga sa kama habang busy sa pagdede sa kanyang baby bottle.

"C'mon boys, puntahan na natin ang Mommy niyo" yaya ko sa kanila.

"Mommy!" Sigaw nilang apat.

Tumunog ang pintuan. Ngingiti na sana ako dahil akala ko si maria ang papasok duon pero kaagad nawala iyon ng makita ko si Mommy.

"Ang mga batang yan, tinakasan nanaman ako" ngiting ngiting sabi niya sa akin.

"Ma si Maria?" Tanong ko dito kaya naman kaagad na napahinto ito at tsaka tinitigan ako.

Sa hindi ko malamang dahilan ay kaagad akong nakaramdaman ng kakaiba. Parang biglang bumigat ang dibdib ko dahil sa kakaibang tinging iyon ni Mommy.

"Ma?" Pagtawag ko sa kanya.

Magiisang taon na ang mga anak namin sa susunod na linggo. Pero sobra sobra pa din ang kaba ko tuwing gigising ako sa umaga dahil sa takot na baka muling bawiin sa akin ang lahat. Naramdaman ko ng mawalan, at hindi ko na ulit kakayaning maramdaman pa iyon.

"Alec wala na si Maria..." sagot niya sa akin kaya naman halos magtubig na ang mga mata ko dahil sa takot.

Nananaginip lang ba ako? Nananaginip lang ba ako na nabuhay at bumalik siya?

"Hindi ba siya nagpaalam sayo? Kaaalis lang eh, mag grogrocery daw siya" sabi pa nito at kaagad na binuhat sina kenzo at tadeo.

"Totoong buhay siya Ma!?" Walang mapadsilan ang tuwang naramdaman ko dahil sa kanyang sinabi.

Kumunot ang noo ni mommy dahil sa aking sinabi. "Alec ayos ka lang ba? May sakit ka ba anak?" Nagaalalang tanong nito sa akin.

"Buhay siya! Totoong buhay siya Mommy!" Tuwang tuwang sabi ko at napaiyak na ako sa tuwa. Pero kitang kita ko ang pagtataka ni mommy dahil sa akinh kinikilos.

Too Young to be Married (Hard Fall Series#3)Where stories live. Discover now