'Almost Gone,' bulong ko sa hangin. Paano ba naman wala ng laman 'yong bote ng coke, inubusan nanaman nila ako. Saglit lang akong nawala eh.
"Bess, ganon talaga, parang 'yong feelings niya, wala ng natira para sayo," pangdidiing saad ni Monica.
"Bess, suntok gusto mo?" pananakot ko habang ipinakikita ang aking kanang kamao.
"Chill guys. By the way may i- chi- chika ako, " singit ni Pinky.
"At ano naman 'yon huh, Pinky?" nakapameywang na tanong ko. Paniguradong kalandian nanaman lalabas sa bunganga nito.
"Easy, Ember. Alam niyo ba na may mag ta transfer daw dito? At ito pa, fafa raw," saad nito with matching kilig kilig pa.
"Pake ko! Alam mo Pinky kahit maging kayo, WALANG FOREVER!" naiinis na saad ko. Bwisit, pag nakakarinig ako ng gwapo kunno, ang sarap i ngud-ngud.
"Alam mo, Ember. Masyado kang bitter, mamaya niyan mapait kana d'yan," natatawang sambit ni Monica. Inirapan ko nalamang siya. Well, as if I care. duhh.
"Bessy, ano kaba, isang lalaki lang 'yong nanakit sayo, nilalahat mo na. Bakit? Kasalanan ng isa, kasalanan ng lahat?" singit naman nitong si Pinky.
"Naku! Pare- parehas lang sila. Samaniwala kayo o hindi, ganun din 'yon, walang magbabago," saad ko.
Maaga akong pumasok ngayon sapagkat pakiramdam ko'y may malaking kagananpang magaganap. At heto, naglalakad ako mag-isa sa hallway ng maramdaman ko ang pag- tama ng isang maliit na bato sa'king ulo.
"Abat ang lakas ng loo- -" Nagulat ako dahil paglingon ko si Rex ang nakita ko. It means siya ang bumato sa'kin. Ang walang hiya talag, oh.
"Anong ginagawa mo dito?" taas kilay kong tanong.
"Hindi mo ba nakikita naka uniform ako," pang-aasar na sambit niya.
"Ano naman ngayon kung naka uniporme ka?" sarkastikong sambit ko ng may mapagtanto sa aking isipan. "Wag mong sabihing ikaw 'yong transfer student?" inis na tanong ko.
"Yess, Baby. Na miss mo ba ako?" pang-aakit niyang tanong kasabay ng malapad na ngiti, kung kayat piningot ko ang tenga nito.
"Baby!? Miss? Baby miss mo mukha mo! Mukha kang sagu!" inis kong sambit sabay walkout.
Pagkatapos niya akong ipalit sa hilaw na babaeng 'yon, saka niya ako pag ti- tripan, at ano? lolokohin ulit? Wag ako!
Pagkapasok ko palamang ng aming silid aralan ay bunganga kaagad ni Monica ang bumungad sa'kin.
"Bessy .."
"Oh! bat ganyan ang mukha mo? umagang umaga nakalukot nanaman," aniya ng tuluyang makalapit sa akin.
"Wala, may bwisit lang namang naliligaw na sagu sa labas!" Inis na sabi ko.
Kung bakit ba naman kasi dito pa niya naisipang lumipat ng papasukang paaralan. Grrrh.
"Sino? Sabihin mo, resbakan natin!" Pang yuyugyog ni Pinky.
Sakto namang pumasok si Rex kayat paglingon ko sa direksyon niya ay agad 'tong kumindat, ngunit inirapan ko lamang.
"OMG! Bess, siya ba yong sagu na tinutukoy mo? " kilig na tanong ni Monica.
"Bessy, 'di siya sagu. Isa siyang guwapong anghel na naligaw sa mundong ibabaw," kinikilig na sambit ni Pinky.
"Ano?.. Poging Anghel? Ewsss! No way!" Well, pogi nga siya pero -- hell! No way!
"Bat ba galit na galit ka sa kanya? Ano bang ginawa niya? Tignan mo ang amo ng mukha."
YOU ARE READING
ONE SHOT STORIES
Short StoryRandom One-shot Stories This is a work of Fiction. Events, names, places, or businesses are all product of Author full of imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead is purely coincidental. ❤ I'm not...