Si Oshien ang naunang nagising kinabukasan para maghanda ng almusal nilang tatlo. She wonder kung naayos ba ni Julian yung kapatid niya kagabi? Kung sabagay, kahit lalaki yun maasahan naman. Tsaka sinilip naman na niya kanina yung dalawa, ang cute tingnan. Parang hindi magkapatid eh.
"Masusunog na yung niluluto mo 'day. Ano bang iniisip mo?" napapitlag si Oshien nang marinig si Julian sa likuran niya. Nang mapatingin nga siya sa harapan niya, dumidikit na yung kanin. "namiss mo 'ko noh?"
"Nyemas ka wag mong sirain araw ko Juliano hah. Mag-ayos ka na nga."
"Oo na." Sagot niya habang humihikab. Pumunta na siya sa banyo para maghilamos na.
"Bakla si Justine? Tulog pa?!" sigaw ni Oshien kay Julian. Alam niyang nakabukas yung pinto ng banyo. Naghihilamos lang naman eh. pabaya yan kapag ganyan lang ang ginagawa sa banyo. Hindi na nagsasara.
"Tulog pa. Gisingin na lang mamaya. Taong bahay lang naman yun dito mamaya."
"Sweet niyo kanina tingnan."
"Ah? Sweet?"
"Bilis ah.. Wet look ang peg!" pagpunta kasi ni Julian sa kusina, nagpupunas na siya ng mukha. Medyo nabasa basa kasi yung buhok niya kaya inasar siyang wet look.
"Wee?? Wag ka magnasa diyan Mahal."
"Anu ba yun? Awkward pakinggan Plue."
"Di pa nasanay sa'kin. Alam mong marami akong tawag sayo."
"Tigilan mo nga 'ko."
"Anong sweet?"
"Ahh.. eh kasi nakakatuwa kayong tingnan parang hindi kayo magkapatid. Parang anak mo siya."
"Anak natin. Sabi ko sayo gawa na tayo eh. kunsabagay may panganay na." Nabagsak ni Oshien yung pinggan na nilalagay niya sa lamesa. Safe naman kasi sa mesa tumama tsaka hindi naman mataas ang pagbagsak.
"Mabasag naman Shien!"
"Bangasin ko kaya yang Ilong mong pagkatangos tangos? Gusto mo?" sabi niya sabay amba ng kamao dito. Si Julian ngumiti lang.
"Oy, natigilan siya. Inggit ka sa nose ko? Ikaw ah. Iniisip mo rin noh?"
"Julian!"
"Shien pagpasensyahan mo muna si Justine ngayon ha. Alam mo naman yun. May pagkasumpungin."
"Hindi ko siya problema. Ang tuwa ko nga nung sinabi mong pupunta si Justine dito eh. namiss ko kaya yun."
"Namiss mo katarayan nun?"
"Heh!"
"Where's the food? Akala ko pa naman meron na."
"Gising na pala ang Prinsesa." Ni-roll na lang ni Julian ang mata niya bago nilingon si Justine.
"Musta sleep Justine?"
"okay lang. Kuya have you eaten na? Sabay na tayo ha." Kulang nalang idugtong ni Justine na wala kasi si Oshien sa kwarto nila kagabi kaya masaya siya. Hindi talaga siya pinapansin nito. Pero para sa kanya, okay lang bata eh. tsaka natutuwa kasi talaga siya kay Justine. Umupo na rin siya sa lamesa para kumain.
"Nga pala, Justine? Okay ka lang dito? Mag-isa ka na lang kasi mamaya kapag pumasok na kami." Hindi sumasagot si Justine sa tinatanong niya. Focus lang siya sa pagkain niya. Kung hindi pa siya pasimpleng tinapik ni Julian hindi pa sasagot. Buti hindi nakatingin sa kanila.
"Sanay na 'ko. After umalis ni kuya sa'min, naging loner na 'ko."
"Oh, I'm sorry. Don't worry kapag uwian na namin didiretso na 'ko dito agad. Sasamahan kita okay?" hindi na niya ito nahawakan nang subukan niya dahil umalis bigla sa upuan niya. Nilapitan niya si Julian.
BINABASA MO ANG
Let's Play! Husband and Wife!
RomanceI'm Bored "Let's play" "No idea." "Let's Sing" "Not interested" "Let's talk" "No topic" "Let's make" "No Thoughts" "I have" "Spill it" "You're bored?" "I am" "Go to church" "Then pray? " "And Marry Me Later."