"When you think of Laura, laugh don't cry I know she'd want it that way" -Christopher Cross (Think of Laura)
While drinking coffee and reviewing my notes, there this girl suddenly ask me. I look at her. Tsk! Disturbing.
"Pwede bang makiupo?" she ask me while smiling. Todo ngiti pa siya sakin. Sino nga bang di ngingiti kung makakausap mo ang isang gwapo diba?
Di ko siya pinansin at pinagpatuloy na lang ang pagri-review ko.
"Ooppsss.." sabi niya at napatingin ako ulit ng matapon niya ng kaunti ang kape niya. Nang magkatinginan kame ay ngumiti siya sakin yung parang pilit.
"Sorry ha. Wala naman nabasa sa gamit mo diba?" napalingon ako sa paligid may mga bakanteng upuan pa sa ibang tao pero mas pinili pang tumabi sakin. Such a flirt. Shame on you miss.
"Woah. Student ka din pala saan ka nag-aaral?" finocus ko ang tingin at isip ko sa pagrireview kahit nagsasalita siya ay di ko siya pinapakinggan. Who cares? We're not close. At ayokong makipag-usap. Di ako galit sa babae. Galit ako sa malandi.
"Malapit lang din ba bahay mo dito? Ako malapit lang!"
"Tambay ka din ba dito lagi? ngayon lang kita nakita!"
"Uy anong course mo?"
"Anong year mo na?"
Napapikit ako sa inis dahil sa kaingayan ng babaeng 'to. Ganyan na ba siya kadesperada para makuha ang atensiyon ko? Napamulat ako ulit at nilipat ang pahina ng aking binabasa
"Ako nga pala si Laura. L-a-u-r-a Laura!" masigla niyang sabi yung parang nagpapakilala sa mga pageant. Is she dumb or what? Or is she naturally stupid?
"Miss, can't you see Im reading here? You're disturbing me. I gave my permission to you to sit and share with my table but please can you not talk for awhile?" sabi ko, naiinis na, sino ba naman kasing matutuwa kung may ginagawa ka tas may nag-iingay diba? Badtrip lang. Kaya nga pinili ko dito para mag-relax tas dadaldal lang siya diyan.
"Oh. sorry di na mauulit" sumimsim siya sa kape niya at tumahimik na. Nakukuha naman pala siya sa isang salita e... or not.... kase after a minute bumulong siya sakin
"Don't forget my name ha? Laura. It's L-a-u-r-a Laura." Ayoko naman sana magsungit pero kase pambadtrip talaga yung ginagawa niya ayos lang kung nakatulala ako at walang ginagawa e hahayaan ko siya dumakdak diyan.
"Are you deaf? Stupid or what?" naiinis na sabi ko tinakpan niya yung bibig niya. Dahil di naman ako makapag-focus ay tumayo na ako at nag-ayos ng gamit para makaalis na.
"Aalis kana? Sorry sa pang-istorbo next time lilibre kita promise sorry talaga" pangungulit niya nilagpasan ko na siya at nagmadali nang makalabas siguro sa bahay na lang ako makapagreview tsk.
Habang naghihintay ng masasakyan ay may biglang humablot sa braso ko. Kunot noo ko itong nilingon. And there, I saw her smiling again. She took my hand na siyang kinagulat ko
"Nice to meet you pala" mahigpit ang kapit niya sa kamay ko dahilan para madama ko ang malambot niyang palad.
"Don't forget Laura is my name huh?" natatawa niyang sinabi kumaway pa siya sakin habang pumapasok ulit sa loob ng coffee shop.
She is the only stupid, dumb and craziest girl I've ever met.
~*~
Everytime na tumatambay ako sa coffee shop na yun lagi na siyang tumatabi sakin kahit di ko siya kausapin sige siya sa pagsasalita. Siguro kung ibang tao ako naplasteran na 'yang bibig niya saan kaya siya pinaglihi at ganyan kaingay? Minsan nahuhuli ko siyang tumatawa mag-isa kapag hihinto na siya sa pagsasalita napapailing na lang ako. Di ko alam kung ganyan lang ba talaga siya o may sakit siya sa utak?