26 • Broke • 26

21.5K 604 34
                                    

"When thinking about life remember this: no amount of guilt can solve the past and no amount of anxiety can change the future."

Yzzie's POV

Isa - isa kong nilalagay sa mga bag ko ang mga gamit ko habang malungkot na nakatingin lang sa akin si Josie.

"Desidido ka na talaga?" Nakita kong mangiyak - iyak siya.

Pilit akong ngumiti at ipinagpatuloy ang ginagawa ko.

"I don't have any reason to stay here." Sagot ko.

I decided to move out from this house. Kahit parang mabigat sa dibdib kong umalis dito kasi nandito si Josie at wala siyang makakasama, wala namang dahilan para dumito pa ako. I have my own place so bakit ako magsiksik dito sa bahay ni Alex?

Parang may bumukol sa lalamunan ko ng maalala ko siya. Naalala ko na naman ang nangyari sa amin. Naalala ko na naman na magpapakasal na sila ni Katie.

Sinubukan pa ulit ni Alex na makipag - usap sa akin pero ako na ang talagang umiiwas sa kanya. I don't have any reason na kausapin pa siya. Kahit naman mag - explain siya ng mag - explain, iisa pa rin ang ending noon. Papakasalan niya si Katie. Period.

At ako? Akong si tanga, eto mag - isa at nagmumukmok. Akong si tanga na umasa na magiging kami ni Alex. Umasa na magkakaroon kami ng forever. Pero kalokohan lang pala iyon. Puro panloloko ni Alex at Katie.

"Kausapin mo kasi si Sir Alex. Ilang beses na 'yung pabalik - balik dito. Tanong ng tanong kung saan ka daw nagpunta. Eh hindi ko din naman alam kung saan ka nga ba nagpupunta," sabi ni Josie. Naupo pa siya sa gilid ng kama ko.

Hindi ako sumagot. Patuloy lang ako sa ginagawa ko. Magmula kasi ng huli kaming mag - usap ni Alex ay hindi na ako natulog dito. Hindi rin ako umuwi sa bahay ni daddy at hindi rin ako umuwi sa condo ko. I stayed in a hotel para hindi na ako masundan pa ni Alex.

"Huwag mo sanang mamasamain ang tanong ko. Meron bang something sa inyo ni Sir?" Tanong pa niya.

Umiling lang ako.

"Matagal na naman kaming hindi magkasundo ni Alex. Eversince he came into our lives I already hate him. I hate him then, and I hate him now," matigas na sabi ko.

"Mukhang sobrang apektado ni Sir, eh. Parang ilang araw ng hindi naliligo. Walang kaayos - ayos 'nung nagpunta dito kahapon. Tapos nagalit pa nga nung nalamang wala ka."

"It just only a show. Alam mo bang magpapakasal na sila ng syota niya? Apparently, Katie is pregnant." Napalunok ako ng sabihin iyon kasi naiiyak ako.

Nanlaki ang mata ni Josie. "Talaga?"

"Yeah," isinara ko ang maleta ko at binitbit iyon. Iniwan ko na ang iba kong mga gamit.

"'Yan lang ba ang dadalhin mo? Paano 'tong iba mong gamit?" Taka niya.

Ngumiti ako kay Josie. "Sa'yo na. Use it. Sell it. Its up to you kung anong gusto mong gawin."

"Sure ka? Ang dami nito."

Tumango ako. "Thank you for being such a nice friend, Josie. Ikaw lang ang naging totoong kaibigan ko." Ito na talaga. Hindi ko na napigil ang iyak ko. "Mami - miss kita." Humihikbing sabi ko.

Napaiyak na din si Josie. "Basta ninang ka nitong anak ko, ha?"

Pinahid ko ang luha ko. "Magtatampo ako kapag hindi ako naging ninang niyan. Just text me if you need anything, okay? At 'yang Anton na 'yan. Kapag hindi pa niya pinanagutan 'yang nasa tiyan mo, ako na ang kakatay sa kanya."

Destined to be together (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon