Chapter 4
TaxiIlang linggo na naman ang lumipas! Pero di pa rin ako maka get over sa kanya! Katext ko sya by the way. Last meet nga namin ay nung nag lunch kami sa may isang fast food chain bago dumeretso sa puntod ni mama. Kaya ako di maka get over dahil gumawa ba naman ako ng eksena! Naabutan ko dun yung letse kong tatay with whole family! Sabi pa nga sumama na daw ako sakanya eh, kaso nasusuka ako sa mga face ng asawa nya at mga anak nya! Wala sa kalingkinan ang kagandahan ni mama dun sa bakulaw nyang asawa! Kaya ayun ng maka alis sila umiyak ako, mabuti nandyan ang aking DD upang yakapin ako.
From: DD <3
DD ko. Birthday ko mamaya ah. I love you to the infinity and beyond!
Syempre, joke lang yan. Asa naman tayo na sya pala talaga ang keeper ng Soul Stone no'!
From: DD Isaac
May birthday celebration ako later! Sinend ko naman isang araw yung address ko diba? Punta ka ah! Mga 4:30.
To: DD Isaac
Syempre ako pa! Hindi ako mawawala dyan! Later nalang ah Lunch lang ako.
Naka ngiti kong pinatay ang phone ko tumayo na ako at nag tsinelas saka tumakbo papuntang mall. Literal na takbo talaga ang ginawa ko dahil running distance lang ang mall mula sa compound. Nag lakad-lakad muna ako upang madaanan ang lahat ng shop. Pinag titinginan ako dahil sa ganda ko. Joke lang. Asa naman ako diba? Naka pajama lang kasi ako tsaka shirt, di ko pala inayos yung buhok ko. Eh anong susuotin ko mag lolong gown ba ko? Premier Night ba to' ng Avengers: Infinity War? Makikita ko ba dito si Robert Downey Jr.? O kahit si Tom Hiddleston lang?
Napatigil ako sa harap ng isang shop ng mga relo. May nakita akong itim na G-Shock na nasa display. Hindi sya original dahil etong mall ay parang divisoria sa mura ng mga binebenta. Pumasok kaagad ako sa loob.
"Ah. Miss pwede po bang makita yung G-Shock na color black?" Tanong ko nung nasa cashier na ako dali-dali syang nag labas ng stock nun at pinatingin sa akin. Gusto ko rin ng ganitong relo dahil yung relo ko ay sa bangketa lang nabili.
"Magkano to' miss?" Tanong ko.
"2,000 te'. May isa pa dun. Last stocks eh." Mataray nyang sagot. Sarap sungalngalin ng box yung bibig nya.
"Oh sige kunin ko na rin yun." Sagot ko at dali-dali nyang kinuha ang isa pang kulay black. Nilagay nya iyong dalawa sa paper bag.
"4,100 lang ho'." Nilahad pa ng king ina yung palad nya. Pano nagkaroon dun ng 100?
"Hoy miss, anong 4,100? Bakit nadagdagan ng 100?" Gusto ko ng icrumple yung mukha nya at ithree point shot sa basurahan.
"Battery fee po." Nang aasar pa syang ngumiti sa akin. So suko na ko.
"Oh! Ingudngud mo sa pag mumukha mo!" Ay sus ginoo, ginawa nga ng maldita! Kinuha ko na yung paper bag at nag walk out sa harap nya.
"Balik kayo miss!" Huling sigaw nya. Letse sya di ako babalik dun. Umalis na kaagad ako ng mall nang naka bili ako, wala ng lunch-lunch pa dahil 2 na rin ng hapon mag-aayos na ako dahil isang oras ang byahe papuntang Marikina. Nang nakarating ako sa bahay naligo ulit ako upang fresh ang ate gurl nyo. Pag kalabas ko ay nag pambahay muna ako upang mag hanap ng damit. May nakita akong black dress na below knees. Kala nyo wala akong ganyan? Syempre may make up din ako noh! Pero lip balm lang ilalagay ko. 3:30 na ng makalabas ako ng condo. Joke asa naman ako. Nakasakay kaagad ako at inilagay sa lap ko ang relo. Sinuot ko na yung sa akin na relo. Tumigil ang bus sa harap ng village nila, may guard kaya di ako makapasok dahil bago lang daw ang beauty ko.
BINABASA MO ANG
Not In One's Wildest Dreams
Short StoryNag iba ang pananaw sa mundo ni Leslie Adrienne Severino ng makilala nya ang mas maka diyos na lalaki kaysa sakanya, si Nate Isaac Bantayan. Magiging happy ending kaya ang story nila? O mabubulok lang tong storya na to'? Charot. Short story lang to'...