Wala namang nagbago sa amin ni Sebastian, gusto ko mang pansamantalahan ang lagay niya noong panahong iyon ay hindi ko ginawa. Dahil mas masakit kung magiging panakip butas lamang niya ako.
Ngayon ay ang araw ng kaniyang pagtatapos, hindi raw siya naghanda dahil hindi raw niya gusto kaya't binigyan na lamang daw siya ng kaniyang ama ng pera. Niyakag niya akong mamasyal sa bayan, pumayag naman ako. Kung saan-saan kami pumunta, kung ano-ano ang napagkwentuhan namin at hindi namin napansin na alas-siyete na pala ng gabi at mukhang uulan pa. Naglalakad kami papuntang sakayan ng huminto siya at humarap sa akin.
"Ipapadala ako ni Tatay sa siyudad upang doon mag-aral at kung papalarin ay doon na din ako magta-trabaho" parang tumigil ang puso sa kaniyang sinabi, wala na bang pag-asa na makita ko siyang muli? Kung sabihin ko kaya sa aking magulang na pagkatapos ng sekondarya ay gusto kong sa maynila na lamang din mag aral. Ngunit napakalaking gastos noon para sa kanila, kaya naman nila akong pag-aralin doon sa maynila kaya lamang ay ganun din naman ang turo dito sa aming lugar. Ngunit gusto ko siyang makita ng madalas. Parang ang lugar na aking kinalakihan ay magbabago kung siya ay lilisan.
"Uuwi ka pa naman diba?" dahan dahang tanong ko sa kaniya at nagdasal na sana ay hindi mabakas ang kalungkutan sa aking boses dahil natatakot din ako na pag nangyari yun ay wala din siyang pakealam at hindi rin naman iyon magiging sanhi ng kanyang pagbabaliban dahil kahit anong gawin ko ay hindi ako si Ditas, hindi ako ang babaeng iniibig niya.
"Siguro ay madalang na habang nagaaral ako pero siguro ay pag nagka-trabaho na ako ay ipagpapagawa ko ng bahay sila itay sa maynila at doon na kami maninirahan." tila dinudurog ang puso ko sa bawat salitang binibitawan niya, tila wala siyang pakealam na maiiwan niya ako dito. Natahimik ako ng ilang minuto at nagiisip kung dapat ko bang sabihin ang mga nararamdaman ko sa kanya.
"Sebastian..." tiningnan ko sya at lumingon naman siya sa akin. Alam ko na sa oras na ito ay bakas na bakas na ang kalungkutan sa aking mga mata at sa aking tinig.
"Alam ko bunso, nararamdaman ko." ngumiti siya ng tipid sa akin at nabigla ako.
"Alam mo na gusto kita?" tahimik siyang nakatingin sa akin, hindi hindi ko sya gusto lamang "Alam mo na mahal kita?" ngumiti siya ng tipid at marahang tumango.
Napaawangang ang bibig ko at nanlaki ang mga mata, tila hinugot ang puso ko mula sa aking dibdib. Unti-unti ay dumilim ang kalangitan nagbabadyang umulan. Tumakas mula sa aking mata ang isang luha at na alarma doon si Sebastian ngunit lumayo ako para makatakas sa mga kamay niyang nagbabadyang punasan ang aking pisngi.
"Alam mo hahaha, alam mo! At wala ka man lang ginawa, hindi mo man lang kinlaro sa akin. Alam mo pero hinayaan mo akong mahulog sayo kahit alam mo na wala akong pag asa dahil may mahal ka ng iba! Alam mo pero hindi ka man lang nag salita!"
"Dahil ayokong masaktan ka, dahil... dahil..." hindi nya naituloy ang sasabihin nya.
"Dahil kapatid lamang ang turing mo sa akin hindi ba, ayaw mong masaktan ako? Pero sa ginawa mas sinaktan mo ang damdamin ko! Ayokong isisi ang pagmamahal ko sayo pero bakit sobrang sakin mong mahalin? Akala ko ba ang nagmamahal masaya, pero bakit hindi ako masaya? Bakit sa halip na nagagalak ako ay nasasaktan ako? Bakit sa dinami rami ng mamahalin ikaw pa ang minahal ko? Ikaw na wala namang pakealam sa nararamdaman ko! Ingat sa byahe mo patungong Maynila. Wag ka na sanang bumalik pa!" Punong puno ng galit na sabi ko sakaniya tyaka tumayo at umalis.
Ang sakit sakit ng nararamdaman ko. Bakit sa dinami-rami ng lalaki sa mundo, ang minahal ko pa ay yung lalaking hindi ako kayang mahalin pabalik? Bakit sakanya pa ako tinamaan ng pesteng pagmamahal? Bakit?
Napatigil ako sa gitna ng kalsada, napatingin ako sa paligid at nakitang wala na maski isang tao dahil nagbabadya ng bumuhos ang ulan.
Haabang ako'y nakatigil naalala ko ang komprontasyong naganap kanina at tila nanlambot ang aking mga tuhod at napaupo na lamang ako.
Kasabay ng pagpatak ng aking mga luha ay siyang pagpatak din ng ulan tila nararamdaman ang sakit na nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
KA
Short Story"Magkikita ba tayo muli?" "Oo" "Kailan?" "Sa araw ng iyong kasiyahan" Inspired by the story SI written by Bob Ong