TVD 16: Saksak

77 4 2
                                    

“Jericho tama na. ‘Wag pakiusap. Masakitsobrang sakit”. Inangat ni Maris ang kamay niya nang makita niya si Yves na nakasilip sa may pinto.

Tulong”. She mouthed.

Tinap ni Khino ang balikat ni Yves at napalingon ang binata. “Hayaan mo na. Nakikiusap ako na pumunta kayo ng pamilya mo sa Maynila sa makalawa

Hahayaan lang ba natin si Maris boss?”

“Mas makapangyarihan si Jericho kesa sa’kin. Isa siya sa mga anak ng umampon sa’kin”

“E ano naman? Kawawa dito ang kaibigan ko oh. Please tulungan na natin boss”

“May relasyon sila …”. Gulat na gulat si Yves sa sinabi ni Khino. “…maniwala ka sa’kin na may relasyon sila”

Tatay ng bestfriend niya si Tito Jericho boss”

“E ano naman? …”. Napatingala si Yves. Sobrang dismayado na siya pero wala siyang magagawa dahil natatakot siyang mamatay at madamay ang pamilya niya. “…bata ako ang tutulong sa inyo papuntang Maynila. Kilala ko si Jericho. Baka pag-initan ka niya dahil may nalalaman ka na”

“Hindi ako natatakot

Natatakot ka. ‘Wag kang magtapang-tapangan. Basta ako ang bahala sa inyo sa Maynila. Bibigyan ko kayo ng matitirahan

Alas-otso na ng gabi at hindi pa rin makatulog si Yves. Napabangon siya sa kinahihigaan niya dahil iniisip niya pa rin ang nangyari kay Maris pitong taon na ang nakalilipas. Ang tanging alam niya lang ay nagpapanggap sina Khino at Maris na magkasintahan. Sinabi iyon sa kanya ng dati niyang boss.

Alam niya rin kung sino sina Khino, Andrea at Rico sa buhay ng dalaga. Sinabi sa kanya ni Khino nung maging legal na ang edad niya.

Nung nabunggo niya nun si Andrea sa may hallway ng Abs-cbn ay alam niyang kapatid iyon ni Maris sa ama ng dalaga na si Rico. Alam niya ang kwento ng buhay ng kaibigan niya dahil malapit din sila nun sa isa’t-isa kaso hindi niya ginawa dahil natatakot siya na baka patayin siya ni Jericho at pagbalingan ng sisi ng pamilya ni Maris. May pakiramdam na siya nun bago sila pumunta ng Maynila ng pamilya niya na siya ang ituturong gumahasa sa dalaga at tama nga siya ang pagbibintangan dahil sinabi sa kanya ni Khino ang lahat-lahat. Pumupunta kasi ang dati niyang boss sa bahay nila at hanggang ngayon ay tinulungan pa rin sila.

Kagaya ng sabi ni Khino sa kanya ay makapangyarihan si Jericho at ayaw niya ng madamay pa pero ang problema nga lang ay inuusig pa rin siya ng konsensya niya hanggang sa ngayon dahil hindi niya natulungan ang kaibigan niya. Hindi niya naman masabi ang totoong dahilan sa mga magulang niya kung bakit sila pumunta ng Maynila. Ang dinahilan niya lang kasi ay may tutulong sa kanya na makapag-aral sa magandang paaralan.

At sa totoo lang ay matagal niya ng gustong kontakin si Maris dahil alam niya kung saan makikita ang totoong ama ng dalaga pero pinipigilan siya ni Khino.

May kumatok sa pinto. Si Ate Maja niya. Tumayo siya kaagad at nagsuot ng tsinelas at, “Bakit po ate?”

“Whaaa! …”. He rolled his eyes. Alam niya kung bakit kinikilig ang nakakatanda niyang kapatid. “…nandito si Khino”

“Alam mo ate kapag nakaharap ka sa kanya ay ang tahi-tahimik mo tapos ngayon para kang uod na binudbudan ng asin. Bahala ka nga dyan”. Napakamot ng ulo si Yves at tsaka siya lumabas ng kwarto niya.

Nang makita niya si Khino na nakaupo sa may sofa ay ngumiti siya’t umupo.

“Magandang gabi kuya. Haysh hindi ako makatu---“

“Hanggang ngayon ba naman iniisip mo pa rin yun?”

“Hindi mo naman po ako masisisi. Kung magkakaalaman man ay willing akong maging wit---“

“Pupunta kami bukas ni Kuya Rico sa Davao. Gusto kong sumama ka”

“Ay ayoko po”

“Makikipagkita kami kay Maris ng patago …”. Napabuga si Yves ng hangin. “…sumama ka at kung ayaw mo talaga ay hindi ako magdadalawang-isip na dalhin ka kay Jericho”

“Sasama na nga po kuya. Heto naman hindi mabiro pero alam na ba ng kuya mo na anak niya si Maris?”

“He wants a DNA Test to assure if Maris is her daughter”

“Okay. Ahm, ano po ‘yang sugat sa gilid ng pisngi mo?”

“Heto …”, Sabay turo niya sa may sugat niya. “…sinuntok lang naman ako ni kuya. Nagkita kasi sila ni Janine. Naalala mo si Janine?”

“Yung mama ni Maris. Bakit po sila nagkita?”

“Nalaman na kasi ni Janine na ginahasa si Maris at iniisip niya na baka napahamak ang anak niya dahil hindi nakilala ng pamangkin ko si kuya”

Nagsmirk si Yves at, “Alam kong may konting sama ng loob si Maris kay Tita Janine pero naiintindihan ko si tita ayun sa kwento ng anak niya sa’kin nun tungkol sa lovestory ng mga magulang niya”

“Pero may sasabihin ako sa’yo ng totoo, kung si Maris ay ikaw ang tinuturong gumahasa sa kanya pero ako ang tinuturo ni Jericho”

Tumayo si Yves sabay sabing, “E gago pala si Jericho e. Siya ang nagpakasarap at ituturo niya lang sa iba kung tapos na?”

“Ang importante ay nag-iba na ang pananaw nina Janine na ikaw ang gumahasa. Handa akong proteksyonan ang sikretong relasyon nun ni Maris sa ama niya sa papel. Kahit yun man lang ay makabawi ako sa kanya”

“Pero hindi niyo po dapat gawin yun kuya. Kayo yung makukulong kapag nagkataon. ‘Wag niyo naman pong pasanin ang lahat”

“Para na kitang kapatid Yves at ayoko ring makulong ka”

“At kaya ba sinuntok ka ni Rico dahil ikaw ang tinuturo ni Jericho?”

“Oo at gusto kong sumama ka para malaman na rin ni kuya ang totoo”

“Salamat Maris dahil nagpakatotoo ka sa’kin …”. At hinalikan ni Iñigo si Maris sa noo. Magkaharap sila habang nakahiga sila pareho. “…mahal na mahal kita at sorry kung may nasabi man akong hindi maganda sa’yo”

“Naiintindihan kita. Ayoko lang kasing madamay ka sa gulo namin ni tito pero sana sa atin-atin lang ‘to?”

“Oo naman”

“Sa atin-atin lang na tatlo …”. Nagtaka ang binate sa sinabi ni Maris. “…sinabi ko na rin kay lola ang totoo. Hindi ko na kasi kaya pang magtago nung tinanong niya ako”

“Kaya niya siguro nasabi sa’kin na babantayan kita”

“Pero paano ka? Paano naman kita mababantayan? …”. Hinawakan ni Iñigo ang kamay niya’t ngumiti siya sa dalaga. “…ayokong mapahamak ng dahil sa’kin”

“Kaya nga itatago natin ‘tong relasyon natin. Ayoko na kasi ng ligawan Stella. Alam naman kasi natin ngayon na mahal natin pareho ang isa’t-isa …”. Napaiwas ng tingin si Maris. “…anong problema?”

“Sigurado ka na ba talaga sa’kin? Hindi mo ba ako sisisihin dahil sa nangyari sa’kin?”

Hinawakan ni Iñigo ang mukha niya at, “Hinding-hindi Mariestella”

“Salamat”. At sumiksik si Maris sa leeg niya.

“Maris?”. Nang inangat niya ang ulo niya ay hinalikan siya ni Iñigo. Marahan pero sigurado. Marahan man ang panahon para sa kanilang pag-aaminan pero ngayon ay sigurado na sila sa nararamdaman nila para sa isa’t-isa. They kissed romantically at hindi kagaya nung hinalikan siya ng binata.

Nang bumukas ang pinto ay kumalas sila sa isa’t-isa pero laking-gulat nila nang makita nila ang kani-kanilang magulang.

Kung si Janine ay kalmado lang pero si Jericho ay makikita sa mga mata niya na sumasabog siya sa selos at galit.

“Mama”. Kinakabahang sabi ni Maris.

“Pa? …”. Kabado rin si Iñigo pero mas lalo siyang kinabahan nang lapitan siya ni Jericho. Hinawakan ng papa niya ang kwelyo niya at inangat siya. “…pa bitaw na pa”

“Gha bitawan mo na ang anak mo”. Pag-aawat ni Janine samantala naman ay masama ang tingin ni Jericho kay Maris at tsaka siya tumingin sa anak niya.

“Anak? …”. Nagsmirk siya. “…gusto mo ba malaman ang totoo Dominic?”

“Bitawan niyo po a--“

“Ampon ka! Ampon lang kitaaaa! …”. Sigaw ni Jericho sa kanya habang inaalog siya. “…sising-sisi ako kung bakit kita inalagaan at pinalaki ng maayos”

Tinulak siya ni Iñigo sabay sabing, “Narinig ko! …”. Humagulhol sa iyak ang binata. Umupo siya at hinimas-himas ni Maris ang likod niya to comfort him. “…narinig ko kayo ni tita kanina na nag-uusap pa. Kung nagsisisi kayo na inalagaan niyo ko’t pinalaki …sige po. Malaki na po ako at susuklian ko yung sakripisyo niyo sa’kin”

“Hindi mo kailangang ipagmayabang sa’kin ang malapit mong pagtatapos sa kolehiyo …”. Nagsmirk si Jericho. “…alam mo kung bakit?”

“Gha tama na nga ‘yan. Malaki na ‘yang mga bata”

“Malaki? …”. Nagulat si Janine nang hawakan at diniin ni Jericho ang kamay niya sa mukha niya. “…ang babata pa nila!”. Sa sobrang niyang galit ay pwersa niyang dinikit ang kasintahan niya sa pader.

“Tito tama na po. Pakiusap po …”. Gulat na gulat si Maris nang lingunin siya ni Jericho. Nabalutan na naman siya ng takot ng hawakan ng ama niya sa papel ang mukha niya. “…tama na po tito”

Pinalo-palo ni Janine ang likod ni Jericho habang umiiyak sabay sabing, “Bitawan mo ang anak ko. Jericho bitawan mo ang anak ko”

“Pa tama na paaaaaaa …”. Sigaw ni Iñigo at natigilan si Jericho. Binitiwan niya na si Maris at tsaka siya tumingin sa anak niya. “…patayin mo na lang kaming lahat kaya para matapos na ‘to. Alam ko. Alam ko kung ba---“

“Anong sinasabi mo? …”. Tanong ni Jericho habang humakbang siya papunta sa anak niya. “…anong sinasabi mo ha?”. .Hinawakan niya ang damit ni Iñigo sabay na hinatak niya ito papunta sa kanya.

Sinesenyasan siya ni Maris na tumahimik at ‘wag sabihin ang mga nalalaman niya. Napansin ni Janine ang body language ng matalik na magkaibigan. Nagtaka siya at, “Gha? Tama na ‘yan. Alam mo at alam natin pareho na mahal nila ang isa’t-isa. Maging masaya na lang tayo sa mga anak natin”

“E ang anak mo? Masaya ba sa relasyon natin Janine? …”. At tsaka tumingin si Jericho kay Maris. “…masaya ka ba Mariestella? Masaya ka na ba ha?! Masayang-masaya ka na ba ha?”. Sobrang nasasaktan ang ama niya sa papel dahil niloko siya ng babaeng minahal niya ng lubusan at iyon ay ang anak niya sa papel.

Napaupo si Jericho sa sahig at napasandal sa higaan ng dalaga.

Lumapit si Maris sa kanya. Lumuhod ang dalaga at hinawakan ang kamay niya. “Tito I’m sorry. Patawarin niyo po ako”.

Sobrang nagtataka si Janine sa mga nangyayari pero alam na alam ni Iñigo ang dahilan kung bakit nagkakaganoon ang papa niya at kung bakit humihingi ng tawad si Maris.

Tumingin si Jericho diretso sa mga mata ng anak niya sa papel at, “Masaya ka na ba?”

“Tito I’m sorry. Hindi ko sinasadya. Sorry talaga”

“Ano ‘yan? Anong sorry? Bakit ka nag-sosorry Mariestella sa tito mo?”. Kunot-noong tanong ni Janine sa kanyang anak.

Tumayo si Maris at pinunasan ang mga luhang nasa mukha niya. “Nagsosorry lang po ako ma dahil tutol nga po ako sa relasyon niyo pero mali po na hinadlangan ko kayo ni tito”

“Jericho?! …”. Nagtaka si Maris dahil gulat na gulat ang mama niya. Nang lumingon siya ay nakita niya si Iñigo na nakahiga sa higaan niya na punong-puno ng dugo sa katawan. “…bakit mo sinaksak ang anak mo?”

“Hindi hindi hindi. Hindi ko sinasadya”. Tumakbo si Jericho palabas ng kwarto. Sinubukan siyang habulin ni Janine pero hindi niya nahabol.

“Anong nangyayari? Bakit ang ingay-ingay niyo sa kwarto ng apo ko?”. Pagtataka ni lola.

“Nagtatatalo po kami nay tapos sinaksak po ni Jericho si Iñigo”

Sa hospital ….

“Ñigs idilat mo ang mga mata mo please. Mahal na mahal kita. Sorry. Sorry kung hindi kita naprotektahan. Sorry kung nalaman ni tito na pareho tayo ng nararamdaman”. Umiiyak na sabi ni Maris habang tinatakbo ng mga nurse si Iñigo papuntang Emergency Room.

“Sa labas lang po muna kayo miss”. Sabi ng nurse na lalaki.

“Hindi hindi …”. At tumingin si Maris sa naghihingalong si Iñigo. Ginugupit ng doctor ang damit ng boyfriend niya. “…kailangan niya ako”

“Pero sorry. Hindi talaga pwede. Kailangan mo lang ay ipagdasal siya”

“Maris …”. Nilingon niya si Janine. Lalapitan niya sana ang mama niya pero nagulat siya nang sampalin siya ng malakas. “…sinungaling ka!”

Tumingin siya sa mama niya habang hawak-hawak niya ang pisngi niya.

Napatingin siya sa lola niya na nakatayo malapit sa likod ng mama niya at, “Patawarin mo ako apo. Karapatan ng mama mo na malaman ang totoo at dahil na rin sa nangyari kay Dominic”

Marahang napayuko si Maris at sumisinok sa iyak. “M-ma p-patawad p-po. H-hindi ko po sinasad---“

“Hindi sinasadya?! …”. Sabay na hinatak niya ang buhok ng anak niya. Mahigpit niya itong hinawakan dahil sa galit. “…dahil din sa kagagahan mo kung bakit yun nangyari sa’yo!”

“Mama I’m sorry. Bata pa po ako nun. H-hindi ko po alam ang g-ginagawa ko”

“Pero dapat pinigilan mo! …”. At tinulak niya si Maris pero mabuti na lang at nasalo ni lola ang apo niya. “…ang landi-landi mo”

“Oo na ma. Malandi na po ako. Kasalanan ko na po ang nangyari sa’kin. Hindi niyo po ako masisisi kung hinanap ko po ang pagmamahal ng papa ko. Buong buhay ko gusto ko siyang makilala pero ano ma? Parati niyo sinasabi sa’kin na nandyan naman si Tito Jericho na siya na yung tumatayong tatay ko pero ma natanong niyo po ba ako kung gusto ko po ba talaga siyang maging tatay?”

“Oh ngayon ano? Natanong mo ba ‘yang sarili mo kung bakit ka nakipagrelasyon sa kanya ng patago? Maris tumayo siyang tatay mo. Akala mo ba, hindi lang ang lola mo ang nakakapansin sa kinikilos niyo dati ni Jericho? Akala niyo ba hindi ko nahahalata? Maris hindi tanga ang mama mo at alam ko kung bakit ka minahal ng ama mo sa papel …”

“…minahal ka niya dahil nakikita niya ako sa’yo. Ako yung mahal niya. Mahal niya ako pero pinipigilan ko lang nun na magkabalikan kami dahil hindi pa ako handa. Hindi ako handa dahil gusto pa kitang alagaan”

Nagtaka si Maris at, “Magkabalikan?”

“Nagkaroon kami nun ng relasyon ni Jericho nung kami ng papa mo. Alam kong maling-mali na nakipagrelasyon ako sa kanya pero nagseselos ako nun kay Luisa na bestfriend namin ng papa mo at yun nga, nagkaalaman pero pinili ko ang papa mo dahil mas mahal ko naman talaga siya kesa sa tito mo”

“Pero bakit niyo iniwan si papa? Bakit hindi niyo siya pinakasalan? Dahil ba talaga ayaw mong masira ang banda niyo gaya ng sabi mo kay lola o dahil kay tito?”

Umiwas ng tingin si Janine at huminga siya ng malalim. “Narealize ko kasi nun na si Jericho talaga ang mahal ko”. At nagulat siya ng sampalin siya ng nanay niya.

“Napakamasarili mo Janine”

“Nay patawarin mo ako”

“Nadamay ang anak mo sa kagagahan mo. Kasalanan mo kung bakit nangyari yun kay Mariestella!”

“Lola, mama tama na po. Pagod na po ako. ‘Wag na po tayong magsisihan. Pareho po kami ni mama ang may mali dito”

“Ikaw lang ang may mali Maris!”. Nagulat ang dalaga dahil sa sinabi ng mama niya pero this time ay sumabog na siya sa galit.

“Ako? Ako ma ang may mali dito? Bakit ba hindi niyo maamin sa sarili niyo na may mali rin kayo? Kung sana hindi niyo pinagkait sa’kin si papa, alam kong hinding-hindi mangyayari yun sa’kin at ngayon nang dahil sa’kin nag-aagaw-buhay ang matalik kong kaibigan”

“Umayos ka. Ayosin mo ‘yang sarili mo at akala mo ba, kakasuhan ko si Jericho dahil sa ginawa niya sa’yo?”

“Janine naririnig mo ba ‘yang sarili mo?”

“Oo nay”

“Sige po ma …”. Kalmadong sabi ni Maris pero katapangan ang pinapakita niya. “…’wag niyo pong kasuhan si tito sa ginawa niya sa’kin pero pakiusap, kasuhan niyo po siya dahil sa ginawa niya sa anak niya”

Nagsmirk si Janine at, “Ikaw ang magkaso total kasalanan mo naman”

“Mahal niyo po ba talaga ako ma? Kasi sa mga sinasabi niyo parang hindi niyo po ako minahal. Dahil ba sa anak ako ng papa ko? At kaya ba naging Rosales ang apelyido ko dahil hindi lang dahil gusto niyo siyang tumayo na tatay ko kundi gusto niyo rin na maging pamilya tayo ni tito? Ma ang selfish niyo po”

---
Yung usapan nina Khino at Yves ay sabay yun sa oras nung binabaybay nina Jericho at Janine ang daan pauwi sa bahay ng mga Racal. Yung sinundo niya sa airport.

Tinapos ko lang yung two chapters sa past nina Maris at Jericho at ang sa present na nangyari sa kagubatan.

The Vocalist's Daughters (Bff5 , Bffs)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon