Chapter 1

2 1 0
                                    

I was sitting on the waiting shed while waiting for Junrich to came up. But, it is already an hour he was never showed up.

Kanina pa kami labasan... kakaunti na lang din ang kasabay kong istudyante rito sa shed. Kadalasan ay couple pa, ako lang ang walang ka-partner! Nakaka-out of place. Habang sila nag lalandian kulang na lang mag sindi ako ng katol dahil nilalamok na ako kakahintay kay Junrich!

Junrich was happened to be my boyfriend. Well, walang ligawan or walang tanungan kung magiging kami basta na lang niyang diniclared na kami na.

It's been four months since naging kami... mag kababata kami. Hindi ko naman inaasahan na mag kakagusto ako sa kaniya kasi he is not my ideal man after all. At noong mga bata palang kami ay hindi na talaga kami nag kakagustuhan.

Pareho lang kaming bored siguro at nasa ganito kaming sitwasyon ngayon. Maya-maya lang ay may tumigil na sasakyan sa tapat ko. It' Junrich. Ngumiti ako sa kaniya at kumaway bago pumasok sa sasakyan.

"Kiss ko?" He asked. Namutla naman akong tumingin sa kaniya.

"Ha?"

"Kiss ko kako?" He said while pouting. Kapag mag kasama kami ay lumalabas ang pag ka-childish ng isang ito.

"Wala kang kiss tagal mo 'kong pinaghintay!" sabi ko at humalukipkip. Narinig ko naman ang pag tawa nya. Tse!

"Oh come on, love sorry... nag kapustahan lang kami sa dota!" sabi niya. Inirapan ko siya.

"Tss! Uwi na tayo." sabi ko. He pinched my cheeks. Aw!

"Tumigil ka nga dyan. Pag tayo nasagasaan ayoko pang mamatay. Mag papakasal pa kami ni lee jong suk!" inis kong sabi.

"Hey, love ako kaya si Lee Jong Suk!" naka ngising sabi niya.

"Crop that! Talampakan ka lang nya!" sabi ko. Well, he is a type of boyfriend na suportado ako sa pag KKDrama. Actually, tuwing monthsary namin ay nasa may bubong kami may dalang laptop habang nanonood ng kdrama. Sa lahat ng korean actors na crush ko kay lee jong suk niya ako pinakasinusuportahan. Idol nya raw e.

Ayaw niya lang mag pakafan girl ako sa EXO at BTS! Ewan ko ba diyan at inis na inis sa dalawang boy group na 'yon. Kesho hindi naman daw ako kilala. Kesho hindi ko rin naman daw makakatuluyan isa sa members. Kesho hindi ko naman daw maiintindihan ang lyrics sa kanta.

Sira ba siya? Ganun din naman kay lee jong suk e. Ewan ko ba sa kanya. Ang gulo gulo niya!

"Hey love!" naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko sa lap ko. Lumingon ako sa kaniya.

"Date tayo!" nakangiting anyaya niya. He is a sweet guy. Actually, sa aming dalawa siya ang pinaka-romantic!

Siya rin yung tuwing 12 am ay tatawagan ako para mag usap kami ng random thoughts namin sa isa't isa. Siya rin yung tuwing 11:11 tatawagan ako at sabi niya ang wish niya ay mag stay ako sa tabi niya no matter what happens.

Minsan ay sinusungitan at binabara ko siya. Hindi naman kasi ako showy na tao. Sa aming dalawa parang mas babae pa siya.

Lalo na tuwing nag-LLQ kami. Ilang oras pa na pag susuyo bago ko siya mapaamo. Samantalang ako kapag nag tampo ngiti at pag tawag niya lang ng love bati na kami uli.

Actually, we're in a secret relationship. Yes, we hide it to our parents kahit na mag kakaibigan naman ang mga magulang namin. Ayoko pa munang ipaalam sa kanila saka na siguro kapag 18 na ako. I don't want to disappoint my parents na may boyfriend na agad ako na wala pa ako sa 18.

But, Junrich always insisted na siya ang mag sasabi sa parents namin pero, ayoko muna. Baka mamaya pati pag kakaibigan namin ay pag bawalan na ako ni papa.

"Love, pansinin mo 'ko. Ako kasama mo kung sinu-sino ang iniisip mo." Rinig kong sabi niya. See? Parang bata.

"Oo na mag dadate na!" sabi ko.

"Babe? Nood tayo sine. O kaya balik tayo ng computer shop. Tas suportahan mo ako sa laro ko." naka ngising sabi niya.

"Suportahan na lang kita." sabi ko. Naboboring ako kapag movies.

"Yun. Kaya mahal na mahal kita love e!" sabi niya at ngiting ngiting pinipisil ang kamay ko habang nag da-drive siya.

"Love ka ba?" pang iinis ako.

"Syempre, ikaw pa!" sabi niya. Taas ng self-confidence ah.

"I love you." nakangiting sambit ko.

"I love you moreeee!" sabi niya.


"Mag bebreak din tayo!" sabi ko.

"No, walang mag bebreak!" sabi niya at tinigil ang sasakyan saka ako hinalikan sa noo.

How to unloved this guy?

Stay[on-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon