Kim's POVKasalukuyang nasa isang tindahan kami. Pinagpahinga ko muna siya dito at pinainom ng gamot. Hanggang ngayon kasi lupasay pa rin siya. Pagkatapos na pagkatapos ng pagsusuka niya kanina ay dinala ko muna siya sa loob ng karinderya at humingi na tubig. Mabuti naman at mabait si aleng goreng. Saka dumeretso na kami papunta dito sa tindahan para ibili siya ng gamot. Naguilty tuloy ako. Namumutla na siya. Kanina kasi sobrang dami ng isinuka niya. Hay nako!
Kanakalikot ko ang phone ko ng bigla na lang magsalita si aleng tindera.
"Oh! Anong nangyari diyan kay pogi?" sabay kalabit niya sakin at saka tinuro si Mr. Kori.
"Nag kasakit dahil sa kaartehan" sabi ko naman.
" Ahhh! Kita ko din eh. Mukhang anak mayaman"
"Sinabi mo pa ate" sabi ko sabay cross arms. Tsk! Tsk! Tsk!
Nagpaalam na kami kay aleng tindera at saka naglakad na palayo. Habang naglalakad kami papuntang tindahan ng damit, kita ko parin ang lungkot at pagkadismaya sa kanyang mukha. Napagisip isip ko kasi na dalhin siya sa tindahan ng mga damit. Para ma-experience naman niya kung paano mag-shopping sa murang halaga. Kaso mukha atang mawawalan ng gana sa tour itong kasama ko.
Pagkarating namin sa isang ukay ukay ay agad ako naghanap ng damit na babagay sa akin. Nagdesisyon kasi ako na bumili na ng damit, eh sa nasa ukay ukay kami, kaya gora!
Sa pangalawang pagkakataaon ay sumilip ako sa gawi niya at sa pangalawang pagkakataon din ay ganun pa rin ang mukha niya. Hay naku! Kailangan matapos na ito. Kailangan tigilan niya na ang kaartehan niya. So I conduct a plan, Operation Muling Ibalik ang Ngiti sa Kanyang Labi. Kailangan ibalik ang dating siya. Kailangan niya ng isang true loves kiss para mawala ang lason ng dinuguan na ginawa ng mangkukulam na si Aling Goreng. Jowk! Simple lang naman, kailangan niya ng aliw. Kailangan pumasok ang espiritu ng aliw sa kanyang katawan. So ano nga ba ang magpapaaliw sa kanya? Hmmmm....
Pano kung ipasok ko to sa isang club. Sigurado maaliw siya dun. Kaso mukha ba kong taga hanap ng customer sa club? Duh! Wag na lang. Its like ezit ewww.
Kung sa sabungan kaya? Ay! Wag na! Ang ingay dun. Mukhang di naman to mahilig sa manok.
San kaya? Hmmmm.
Kung sa parke na lang kaya? Ay! Wag na rin. Mukhang boring dun. At saka magaano naman kami dun? Nga nga nga? Hinhintayin yung bayabas na mahulog sa puno ganun? Ay naku! Wag na lang. Mas mabuti pang matulog na lang.
Lumabas kami sa tindahan at pumunta sa kalsada para mas makapagisip ako. Sa pagmumuni ko, bigla na lang may mga batang nagsitakbuhan.
"Halika na. Bilis! May libreng pagkain doon" rinig kong sabi ng bata. Na curious naman ako dun sa libreng pagkain na yun. So sinundan namin ang mga bata hanggang makarating kami sa isang basketball court. May mga tent na nakatayo sa loob ng court at sandamak mak na bata ang pumipila ng maayos para sa pagkain. Kaya naman pala libreng pagkain eh, ay isa pala itong feeding program sa mga bata. At hindi basta feeding program lang. Meron ding medical check ups, learning center, at zumba exercise pa. Bongga ha! Pati zumba na isama pa. At sa tinggin ko ay maganda talaga ang lugar na to para sa mga bata. Para bigyan sila ng saya, kasiyahan, tuwa, at aliw.
Aliw?
Aliw.....
Tama! Aliw!
Dito ko na lang aaliw ang kumag na to.
Pumunta ako sa isang organizer para humingi ng pahintulot para mag volunteer na tumulong sa organization na ito. Pakatapos naming pagusapan ang pagtulong namin ay pununtahan ko na si kumag.
"Hoy! Halika na!" pagtawag ko sa kanya.
"Saan?" tanong niya.
"Tutulong tayo dito. Para sa mga bata. At para matapos ko na ang misyon ko ngayong araw na ito." sabi ko naman.
"Huh?"
"Anong Huh? Wag mo kong ma Huh? Huh? Ah? Tara na, okay? Sigurado akong mag-eenjoy ka rito." sabi ko sabay hawak sa braso niya papunta sa isang tent.
Naatasan na kami ang magbibigay ng pagkain sa mga bata sa kanilang table. Kumuha kami ng tray na naglalaman ng mga mangkok ng sopas. Isa isa namin itong binibigay sa mga bata. Nakakatuwa sila, kasi sa bawat lagay ko ng pagkain nila ay nagpapasalamat sila at minsan nang yayakap pa. Hay naku mga bata nga naman. Bumalik ako sa tent para ibalik ang tray. Pinadaanan ko ng tingin si kumag habang maingat na linalagay ang mangkok sa lamesita ng mga bata. Napa ngiti ako ng bahagya ng mapansin ko na nagbago na ang mood niya. Kinakausap niya na ang mga bata at minsan ay yinayakap pa niya ito. Hay! I think he will become a great father to his childrens. Magigi siyang isang mapagmahal na ama. Napabuntong hininga na lang ako ng wala sa oras.
Kinuha ko na ang sunod na tray na puno naman ng juice. Katulad ng dati. Isa isa ko itong ilinalagay sa mesa ng mga bata. Sa paglalagay ko ng juice, isang batang babae ang bigla na lang nagsalita.
"Kuya?"
"Po? Ano yon Baby girl?" tanong ko sa bata.
"Boyfriend niyo po ba si Kuya Pogi?" tanong nung bata.
"Sinong Kuya Pogi?" tanong ko ulit.
"Ayun ho" tinuro niya si Jun Ho sa bandang kanan ko na masayang linalagay ang mga pagkain sa mesa.
"Ay! Aba naku! Hindi" pagtanggi ko sa sinabi ng bata.
"Ay ganun po ba? Akala ko kayo eh. Sayang bagay po kayo." sabi ng bata.
"Hahaha, ganun ba?" sabi ko naman. Tumango naman ang bata bago bigyan ng pansin ang pagkain sa harap niya.
Bumalik na kami ng tent. At sa wakas na pakain na namin ang mga bata dito. Ang sarap pala sa feeling ng tumululong ka sa kapwa. Ay! So refreshing. Hahaha. Umupo ako sa isang mono block para magpahinga. Sa pagpapahinga ko ay bigla na lang may lumitaw na isang bottled water sa harapan ko.
"Oh" sabi niya sabay abot ng tubig sa akin.
"Salamat" sabi ko at kinuha na rin ang tubig at sinimulang inumin ito.
Dahil sa pagod, na ubos ko yung tubig. Tinungga ko pati ang huling patak ng mineral water sa bote. Pakatapos kong uminom tinitigan ko lang ang plastic bottle sa kamay ko. Ito ang nagpapatunay kung gaano ako kapagod at kasaya at the same time sa pagtulong sa iba. Tumayo ako para itapon ang bote. Pero sa pagtayo ko na out balance ako at natumba patunggo sa taong nasa harapan ko. Bumagsak kami sa sahig ng covered court.
Tumingin ako sa nabagsakan ko. Nagulat ako ng marealize ko na sobrang lapit na pala ng mukha namin. Tiningnan ko lang ang buo niyang mukha. Sinubukan kong tumayo pero di ako makatayo. Parang may nakapulupot sa bandang bewang ko. At pinipigilan din akong makatayo ng kanyang mga mata. Parang hinihypnotize niya ako sa bawat segundo na magkatinginan kami. Parang linulunod niya ako gamit ang lalim ng kulay chocolate niyang mga mata. Parang tinatangalan niya ako ng hininga sa bawat kisapmata niya.
"Okay ka lang" he said in a husky and manly way.
Dug dug - Dug dug - Dug dug.......
Itutuloy.........
BINABASA MO ANG
Star Stuck (BoyxBoy)
HumorSi Kim Rivera ay isang baklitang ayaw sa mga koreyanong hilaw. Halos araw araw na ririndi siya sa mga pinagsasabi ng ate niya tungkol kay Jun Ho. Si Jun Ho ay isang kpop star na kilala sa buong mundo. Dahil sa isang tour, may nakatakdang concert siy...