Dahil fail yung una, syempre fail ulit ngayon. xD EPIC! Forever FAIL XD OH SHORT STORY OH :))
***
Kuwento ng Sulutera (Part 1)
Ikaw ba yung tipo ng tao na hindi pumapasok para sa malaking baon?
Kundi para..
para lang makita ang taong gustong gusto mo?
Ang masaklap, mayroon na siyang karelasyon
Pero ang malupit pa non, kaya mong gawin ang lahat para mapunta sya sayo
Kahit makasakit pa ng ibang tao!
KASI AKO OO! XD Sabihin na nating sulutera o ano pa man pero ang masasabi nko lang, AKO BIDA DITO! XD It's time for the antagonists to shine! xD May mga dahilan kasi kami para maging ganito. Lagi na lang kaming kontra sa mga stories. Ito na ang oras para sa side namin!
--Christine.
*Hey, hey, you, you, I don't like your girlfriend. No way, no way, I think you need a new one. Hey, hey, you, you, I could be your girlfriend*
Kasalukuyan kong pinapatugtog ang “Girlfriend” ni Avril Lavigne sa Ipod ko.
Biglang nagform ng evil grin yung bibig ko. Huwahahaha >:)
“ALAM KO NA! IT’S FINAL!” sigaw ko naman daw with hand gestures pa.
Biglang nagtinginan yung mga tao sa akin! Shz.
I forgot.
Nandito nga pala ko library. Tsuk.
Sa sobrang hiya, lumabas na ko ng library pero .. wrong timing! Potek.
Nakita ko tong dalawang magsyota na to. Amp.
Sabay silang pumasok ha? Pakshet. Sarap paguntugin.
Magkaiba to ng building ah? Di pa ba sila maghihiwalay?
O ayan na pala. Ayt teka. Pucha.
Nagkiss pa bago maghiwalay, papunta dito yung way ni Amiel. >.<
Si Rachel naman sa kabila dumaan papunta sa building nila.
“YUCK PDA.” Bumulong ako pero enough to hear ni Amiel.
“Any problem Tin?”
“KAYO.”
“Ha? What?”
“Sabi ko problema ko KAYO.”
“KAMI? Sino?” tingin pa sya sa paligid.
“KAYONG DALAWA. Ayun oh. ” sabay turo ko sa likod nya na parang malayo yung taong tinutukoy ko.
*whooshoo* TELEPORT! XD
Syempre takbo naman daw ako. Hahaha! Nakakahiya na mga pinagsasasabi ko.
Siguro paglingon nya, wala na ko xD
Pumunta na ko ng room. Baka malate pa ko. Maghahapit pa ko ng assignments.
Nagpalamig lang naman ako kasi naka aircon yung library namin.
***
“TINTIIIIIIIIN!” sigaw ng bestfriend kong si Nina.
“Nakita ko kayo kanina ni Amiel ah? Anyare? Ha? Sabihin mo nga?”
“Anong anyare ka jan? Wala yun. Wag ka na magtanong. Labas mo na lang assignment mo sa History, dali.” Kopya mode XD
Dumating na si Amiel. Opo. Kaklase ko sya. Kasunod na rin nya yung teacher namin sa Music.