6

29 0 0
                                    

April 6.

Kung pwede pa sanang pulutin sa sahig ang mga tumulong luha.

Mga ipinintang ngiti pantapal sa mugtong mga mata.


Mga tinahing pagsisisi at duda,

Bumabagal na rin ang usad ng tadhana.


Wala namang nakakalimot sa umpisa.

Wala sila sa simula.


Dahil hindi umiiyak ang mga manunulat sa umaga,

Mahal ko, humahagulhol sila.


"Ano sa tingin mo?"

"Hindi ko alam. Pero ang pangit mo palang gumawa ng tula."

"Ano ka'mo?"

"Tingnan mo naman, parang isinulat ng adik. Isa na yata 'yan sa pinakapangit na tulang narinig ko sa buong buhay ko.'Tsaka bakit ka ba tumutula, e 'di ba dapat nakatuon ka nga sa fiction ngayon."

"E, bakit ka ba nangingialam."

"Gusto lang naman kitang tulungan."

Hindi Umiiyak Ang Mga Manunulat Sa UmagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon