Telisha's P.O.V.
Mabilis na lumipas ang isang linggo. Wala naman kami masyadong ginawa sa school bukod sa kakaunting mga activities na pinapagawa samin. Gusto ko sanang lumabas kasama si justine pero busy daw sya. Hindi ko alam kung saan busy, basta pinagbibigyan ko na lang kasi i have a trust on him and I hope wag nyang sirain.
Saturday ng umaga ngayon at wala akong mapuntahan except dito sa bahay namin.
Pumunta ako sa kusina. Nagtaka ako kasi wala silang lahat bukod sa mga kasambahay namin. Nagtanong ako kay yaya.
"Ya? Where's everyone?" tanong ko.
"Naku, mam umalis po ang mommy at daddy nyo pero babalik din daw po sila. May bibilhin lang daw. Ang kuya nyo naman po walang sinabi,basta na lang umalis." mahabang paliwanag sakin ni manang delia.
Tinanguan ko lang sya at pumunta sa may swimming pool na katabi lang ng basketball spot ni kuya luke. San kaya nagpunta yun?
Umupo ako sa may side pool at doon kumain..
Habang kumakain ako, nakarinig ako ng sunod sunod na busina, si kuya. Tss kahit kailan talaga. Napakayabang , ang yabang sa bahay pero pagdating kay ate diana bahag ang buntot nya hahaha.
Lumapit sakin si kuya.
"Sam, i have a guest ha? Please treat him right,do you understand" paalala sakin ni kuya.
Tinanguan ko sya at nginitian. "Of course kuya, anything for you" sabay kindat sa kanya.
Pinagpatuloy ko lang ang pagkain ko at pagcecellphone. Damn it! Ang bagal ng internet.
"Teliiiii!!" sigaw ni kuya sa akin.
"Whhyyyy!!" ganti ko sakanya.
"Come here" utos nya sa akin.
Pumunta ako. At ganun na lang ang gulat ko nang makita kung sino ang bisita nya...... Si Pauli. Shit!
"Teli, I would like you to meet P----" hindi ko na sya pinatapos.
"Is that what you called "bisita"? Kuya, eh "bwisita" yan eh!" sigaw ko kay kuya.
"Teli don't shout at me. Wait, do you know each other?" takang tanong ni kuya Luke na palipat lipat ang tingin samin ni Paulo.
"M-m-magkapatid kayo?" takang tanong ni mangmang.
"Tss, well obviously" mataray kong tugon. Halatang nagulat sya. "Ano bang ginagawa mo dito? Kuya? Why did you bring him here" naiinis na dagdag ko.
"Calm down will you? Hindi ka naman nya kakainin. Stop that childish attitude of yours. Nandito sya kasi part na sya ng basketball team namin." sabi ni kuya straight to my face.
"Okay fine! You win!" nakataas ang kamay ko na para bang susuko ako sa mga pulis.
Umakyat ako sa kwarto ko and I listen to music. Kinausap ko si talia, my cyberian husky dog,minasagge massage ko pa sya. "Tali, bakit ang liit nang mundo no? Ang dami daming pwede nyang makilala bakit kuya ko pa and worse bakit ako pa?" nangingiyak ngiyak kong sabi sa kanya. Kahit alam ko naman na hindi nya sasagutin ang tanong ko. Naiirita ako kay Paulo. Aarrrghhh i really hate him. A lot.
Luke's P.O.V.
Hindi ko maintindihan kung bakit ganon na lang ang ikinilos ng kapatid ko sa harapan namin. Parang matagal na silang magkakilala at malaki ang atraso ni Paulo sa kanya kung tignan nya. Hindi ko napigilan ang pagka-curious.
"Ahmm, Paulo, kelan mo pa kilala tong kapatid ko?" tanong ko sa kanya.
"Sa totoo lang, hindi ko alam na magkapatid pala kayo. Hanggang ngayon hindi pa rin magsink in sakin. hindi ko napansin na parehas kayo ng apelido haha tanga ko!" sinabi nya iyon ng pabiro habang dini drible ang bola.
Inilahad nya ang nangyare sa kanila ni Teli. Mula sa unang pagkikita, hanggang sa matapakan nya yung sapatos na sobrang mahal na mahal nya. Hahaha natatawa na lang ako sa kanila.
Kamusta na kaya si Diane ko. Hayss I badly want to see her.
Nagbasketball kami ng nagbasketball hanggang sa hindi ko namalayan na anjan na sina mommy at palubog na ang araw.
"Paulo, papahatid na lang kita sa driver namin. Bukas ulit ah. Kailangan mo pang magpaka galing. I'll teach you how" sabi ko sakanya ng nagyayabang.
Pinahiram ko muna sya ng damit at pinagbihis sa kwarto ko. Sinabihan ko syang bumaba na lang pagkatapos nyang magshower.
Bumaba ako at nandun na sina mom and dad. Mom was cooking while dad is on his loptop. I kiss my mom on her cheeks at binati ko rin si dad.
"Mom." tawag ko sakanya.
"Yes, anak?" nakangiti nyang sabi habang nagluluto sya.
"May bisita po ako. Actually nasa taas po sya" sambit ko.
Biglang nanlaki ang mata nya at... " Oh my god baby!!! Binatang binata ka na talaga. So where is she?" excited na tanong ni mom. Tss hahaha akala siguro nya that I brought Diana here. At akala siguro nya may nangyare samin. Kilala ni mommy si Diana kaya hindi imposibleng isipin nya na sya ang kasama ko.
"Mom, calm down will you. Hindi po si sya ang kasama ko. It's a friend. A basketball team friend. And you know what mommy friend din po sya ni Teli actually their best of friends!" masayang sabi ko.I'm sorry lil' sis I'm just in the mood to bully you. HA HA HA.
Paulo's P.O.V.
Nilibot ko muna ang kwarto ni Luke. Napakalaki, ganito yung pinapangarap kong kwarto na malayo pa at matagal pang mangyayare hahaha. Malinis sya at maganda ang mga interior designs kulay blue sya at may kaunting mga black. Nakikita ko rin yung mga pictures nya na nakadisplay kasama na don ang picture nilang dalawa ni Katkat. Ang ganda talaga ni nya para bang pinanganak sya para talaga maging isang model.
Pumasok na ako sa banyo at ganun na lang ang pagka mangha ko sa laki nito! Nasan ang tabo. May gripo pero walang timba at tabo tanging bath tub , inidoro, sink at shower lang ang naroon. Wala akong nagawa kung hindi gamitin na lang ang shower.
Parang isang maling kilos mo lang makakabasag ka ng gamit. Gawa kasi sa bubog ang mga materyales na ginamit dito sa c.r ni Luke.
Pagkatapos kong magshower mabilis akong nagbihis kasi baka hinihintay na ako nina nanay at macy. Bibilhan ko na lang sila ng pagkain sa labas.
Saktong paglabas ko ng kwarto ay sya ring paglabas ni Katkat. Mukhang bagong gising sya. Biruin mo na ang lasing, Paulo wag lang ang bagong gising hehe.
"Hi Katkat" nahihiya hiya kong bati pero hindi ko iyon ipinakita.
Hindi nya ako sinagot. Tinanguan lang nya ako. Sumunod ako sa kanya hanggang sa makababa kami sa napakahabang hagdan nila.
"Mom, sa labas po ako kakain." sabi ni Katkat sa kanyang ina.
"Oh, sige anak. Just be safe okay. I love you." tugon ng ina.
Bago uma kumuha muna sya ng maiinom sa ref nila.
Yon na ang hudyat ko lara magpaalam sa kanila. "Magandang gabi po sa inyo. Ako nga po pala si Paulo, Jave Paulo Montillana po" masayang pagpapakilala ko. "Magpapaalam na po sana ako,uuwi na po kasi ako eh baka hinahanap na rin po ako sa bahay namin" dagdag ko.
"Hello hijo, magandang gabi rin sayo just call me tita cathy" sabi niya at mukhang masayahin sya. Saan kaya nagmana si Katkat? Hmm?
"At ako naman si Dave Alcantara, just call me tito" tipid na sabi nito.
"Wait, aalis ka na ba hijo?" tanong ni tita cathy.
"Ahh opo hehe." sabi ko.
"Eh di magsabay na kayo ni sis para isang sasakyan na lang ang gagamitin nyo. Hindi kasi pwede si kuya jojo eh masama raw ang pakiramdam" sabi ni Luke.
"Yes that's a good idea. Since nabanggit din sa akin ng kuya mo na you and Teli are best of friends, right Luke?" biglang tanong nya sa anak.
"Yes mom!" sabi ni Luke.
Nagulat ako, ano daw best of friends? Ibig ba nilang sabihin bestfriends kami? Ni Katkat?! Tss imposible namang mangyare yon. Hahahaha.
"Naku hindi p---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng dumating si Katkat.
"We're not bestfriends mom we're best of enemies." mataray nyang sabi. "Pero kahit magkaaway kami sige. Ihahatid kita sa bahay nyo. I'll give you a ride." sabi ni Katkat.
Tama ba yung narinig ko? O nakalimutan ko lang mag linis ng tain ga wala na kasing tinda si aling bebang ng cotton buds e kaya ayan kung ano ano tuloy naririnig ko.
"Ano pa tinutunganga mo dyan? Sakay na." hindi ko namalayan na nasa tapat na kami ng sasakyan nya.
Mukhang syang maamong tupa pag bagong gising. Dapat pala lagi tong natutulog para pag nagigising bumabait. HAHAHA.
A/N: Hi! Enjoying? Please vote comment and kindly follow me. Thankies everyoneeeee! P.s. napapadami update ko. Wala kasi akong ginagawa hehe pagbigyan nyo na:)))