**Chapter 19**
**
Candy.
Mga 9:30 na ngayon ng umaga at dahil lunes ngayon ay maaga ang pasok namin. Kasalukuyan na akong ngayon nasa loob ng classroom namin at nakaupo na rin ako sa assign sit 'ko. Syempre malamang katabi 'ko parin si kumag haha!
Napapabuntong hininga na lang ako dahil sa dami 'kong iniisip. Sobrang dami na kaseng nagbago at nawiwindang na ang utak 'ko. Gosh!
Ang gulo!
Yung kaibigan 'kong si Jenifer ay bihira na 'ko na lang makasama, may bago na kase s'yang kaibigan ngayon at marahil ay talagang ilag s'ya sa'kin. Iniiwasan talaga n'ya ako nitong mga nakaraang araw at hanggang ngayon pero kahit ganuon ay namimiss 'ko na talaga s'ya. Hindi 'ko naman magawa ang mag tampo sa kan'ya at naiintindihan 'ko s'ya kaya n'ya iyon ginagawa, alam ko naman din kaseng nasasaktan s'ya at masasaktan 'ko pa s'ya dahil kay Ace. Hindi naman mawawala iyon eh, since mahal n'ya talaga si Ace, minsan nga naiisip 'ko na lang na kung sana meron lang na lalaking magmamahal sa kan'ya at tutulungan s'yang makalimot para hindi na kami nagkakaganito. Haysss.
"Uyys? Kaaga-aga e. nakasimangot ka na naman. Bakit na naman ba?" Tanong sa'kin ni Ace sabay kinalabit n'ya ako. Nagulat naman ako kase nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip at bigla s'yang dadating. Tch!
Napailing na lamang ako, napakalalaking tao ay chismoso.
Hindi 'ko naman s'ya iniiimik o pinansin, inirapan 'ko na lang s'ya. Nagulat na lang ako ng ipinatong n'ya ang kamay n'ya sa ulo 'ko at ginulo-gulo ang buhok 'ko, ang hirap kaya mag tali. Gosh!
"Sungit mo na naman, dahil ba iyan sa broken hearted ka pa rin?" Asar n'ya pa sa'kin sabay tawa. Napaangat naman ang tingin 'ko sa kan'ya at tinitigan s'ya ng masama.
Tch! Ibuking ba naman ako sa lahat? Wahh! Ano breaking news, ganun?
Kaasar talaga ang lalaking ito tsk! Sa kanya na nga nang-galing at siya na din ang nag-sabi na kaaga-aga tapos inaasar na naman niya ako. Hmp!
Tinanggal 'ko naman yung kamay n'ya sa ulo 'ko, "Manahimik ka nga, saka hindi rin ako broken. Okay? AYOS NA AYOS LANG AKO AT MAKAKALIMOT DIN AKO!" Sagot 'ko, hindi naman mapigilan ni Ace ang matawa. Alam n'ya kaseng nagpaparinig ako. Haha!
Sainadya 'ko naman talaga iyon para marinig ni Zian, kaasar e. Ang sakit parin naman kase para sa'kin ng nalaman 'ko, kaya naman pag nagkakatinginan kami at nagtatapo ang ang aming mga mata ay ang awkward. Nahihiya ako na naiinis.
WHAAAHHH!
Isipin mo iyon? Umamin ako sa kan'yang mahal 'ko s'ya tapos hindi n'ya man lang n'ya ako pinansin. At binaliwala lang yung confession 'ko. Hayss. Nakakahiya talaga. Ugh!
Babae kaya ako. Parang ako pa ang nabusted sa lagay 'ko ngayon. Huhu. Tapos itong baliw na lalaking ito, imbis na pagaanin ang loob 'ko ay inaasar na naman ako. Tsk tsk.
Tawa lang siya ng tawa,"Iyan ba ang itsura ng mukhang ayos?" Banat niya pa ulit sabay inilapit niya yung mukha niya sa'kin at tinititigan niya ako derestyo sa mata. Wahh!
Mag katabi kase kami ngayon kaya naman ay hindi ganung kalayo ang pagitan namin.
Nilayo 'ko naman agad yung mukha sa kan'ya, sobrang lapit kase ng mukha niya at para bang mag kamali lang ako unti ng kilos ay mahahalikan na n'ya ako. "A-ano bang ginagawa mo?!" Tanong 'ko pa sa kan'ya sabay iwas ng tingin.
Hindi 'ko na naman mapigil ang sarili 'ko ngayon at sobra na namang bilis ng tibok ng puso 'ko. Ano bang ginagawa niya sa'kin para mabaliw ng ganito ang puso 'ko? Gosh!
Pakunot naman yung noo niya at tsaka natatawa-tawa, "Nag blu-blush ka ba?" Anito tapos nag tsk tsk s'ya. Hindi naman ako makaimik.
Sa totoo lang nararamdaman 'kong umiinit na ang mukha 'ko, para bang nag aakayatan lahat ng dugo 'ko sa mukha. Megaddd!
Totoo bang nag blu-blush ako? At dahil sa kan'ya? Anyare na teh? Huhu.
Agad naman ako umiling at tibig ang mukha n'ya papalayo sa akin, para bang bigla akong nakoryente ng maramdam 'kong dumakit yung labi n'ya sa palad 'ko. Wahhh!
"H-hindi ahh, ang k-kapal ng m-mukha mo!" Nauutal-utal 'ko pang bulyaw sa kan'ya. Gosh! Nauutal-utal na ako sa harap niya parang dati derestyo naman ako mag salita pag kausap siya ahh? Bakit ngayon hindi na? Ugh!
Natawa naman s'ya ng malakas at napatayo mula sa kinauupuan niya kanina, sabay pumunta sa harapan 'ko. Nakatayo s'ya ngayon sa harap 'ko habang ang dalawang kamay n'ya ay nasa bulsa ng suot niyang pants at hindi mapigil ang kan'yang labi sa pagngiti ng malawak at para bang bigla na lang akong kinabahan, yung ngiti na iyon paniguradong may naiisip na naman siyang kalokohan.
WHHHAHHHH!
Agad naman s'yang umamba sa'kin at nakahawak na s'ya ngayon sa mag kabilang gilid ng upuan 'ko habang nakatingin sa'kin ng deretsyo at nakangiti parin. Nilalapit niya ng nilalapit yung mukha niya papalapit sa mukha 'ko at para bang mas lalo niya pa ako iniinis. Ugh!
"Kinikilig ka siguro pag ginagawa 'ko sayo ito?" Turan n'ya pa.
Teka nga!
Inaakit ba ko nito? Pero aamin 'ko mukhang tumatalab naman, pakiramdam 'ko kase sobrang init at pinagpapawisan na ako. Dagdag mo pa ang sobrang bilis din ng pagtibok ng puso 'ko at pakiramdam 'ko nag blu-blush na ako ng todo. Ang pogi naman kase n'ya kyahhh! Wahh! tapos yung mata niya ang ganda, tapos---- tapos----che! Tigil Candy! Umayos ka, bawal iyan. Gosh! Mukha kang ewan! Nakakahiya, be natural para hindi halata ha.
"A-ano bang ginagawa mo huh?!" Nauutal-utal 'kong tanong sa kan'ya, at this time sobrang lakas na ng kabog ng puso at kailangan na kailangan 'ko ng madaming oxigen!
Pinag-mamasdan niya parin ako at para bang sinusuri ang lahat ng detalye ng mukha 'ko. Tapos inilayo na din niya sa'kin ang pukha niya sa'kin saka Iiling-iling na nag-crossed arm ngayon sa harap 'ko.
Nag tsk tsk s'ya, "Iba talaga ang karisma 'ko, I think your in danger miss. Tingin ko in love kana sa'kin." Seryosong sambit n'ya pa na para bang proud na proud siya.
Ano daw? Haha!
"Ganun ba talaga ako ka gwapo? Naku cavity, walang gamot d'yan." Dagdag n'ya sabay ngiti muli ng nakakaloko.
Ang kapal din talaga ng mukha niya ahh?! May kilala ba kayong pumapatay ng tao at ipapauna 'ko na siya. Kaasar! UGH!
Natawa naman ako, "Excuse me Mr. Ace Saldoval? Never akong mai-inlove sayo!" Buwelta 'ko naman dahilan para mapalingon bigla yung mga classmate namin saming dalawa at mukha atang napalakas ako ng sambit at narinig nila. Gosh! Bawal pala kami mag talo ng ganito kase alam nila ay kaming dalawa at kailangan sweet kami. Huhu.
Nakalimutan 'ko girlfriend niya nga pala ako sa pagkakaalam nila. Kaya lab 'ko dapat siya. Yays!
"B-because I already love you!" Dagdag 'ko para mapag-takpan yung nasabi 'kong una, tapos ngiti sa kan'ya at pinisil 'ko ng sobrang lakas iyong pisngi niya.
Haysss. Kayo na ang bahalamg humusga, ang corny talaga. Ugh! Kung hindi ko lang iniisip yung deal e. binatukan 'ko na itong lalaking ito. Tch!
Nakita 'ko naman siyang napangisi at mukhang nagpipigil ng tawa. Ugh! I hate him!
"Aww, ang sweet naman ng Cavity 'ko!" Sambit niya pa sabay inakbayan niya ako at hindi mawala-wala yung nakakainis niyang ngiti.
Bwiset 'to! Kailan ba mawawala ang ngiting yan?! Huh?!
Nakatingin lang ako ng masama sa kaniya na kulang na lang ay ilibing 'ko na siya ng buhay. Wala na! Sira na talaga ang reputasyon ko sa lalaking ito. Huhu.
Maya-maya lang ay nag start na ang una naming class at syempre nandito na din ang teacher namin na si Sir. Renz.
"Good morning class." Bati niya pa samin sabay patong ng dala-dalang niyang gamit sa teachers desk.
Binati din naman siya namin, "Good morning Sir. Renz!"
Tumango naman ito at bahagyang ngumiti, "Nabanggit 'ko na ba sa inyo yung project niyo?" Tanong niya habang naka-tingin samin at nag aantay ng sagot. Napatahimik naman kaming lahat kase wala naman kaming naalala na may sinabi siya. Saka isa pa wala pa naman talaga siyang nasasabing project e. bukod sa kakatapos lang naming research paper.
Napailing na lang kami at yung iba sumagot, "Wala pa po sir." Sagot ng isang classmate 'ko.
Napaisip naman ng malalim yung teacher namin, iniisip niya siguro niloloko lang namin siya. Haha!
"Ahh--- wala pa ba? Baka nakalimutan 'ko lang." Sagot ni Sir. Renz, sabay kinuha niya yung folder niya sa teachers desk na nasa harapan niya lang, nakatingin lang naman kaming lahat sa kaniya at nakikinig.
Narinig 'ko namang napabuntong hininga si Ace, "Anong project na naman kaya iyan?" Ungot niya pero mahina lang. Napailing na lang ako, kahit ako rin kase napapaisip, paano ba naman kase pag si Sir. Renz ang nag pa project expect the unexpected, grabe kase siya kung mag bigay ng project kahit tipong imposibleng magawa gusto niya magagawa mo at iyon ang kinatatakot naming lahat.
"Sige, sasabihin 'ko na lang mamaya, but before I announce your upcoming project, gusto 'ko munang ipakilala sa inyo ang bago niyong magiging kaklase." Sambit pa ni Sir. Renz sabay senyas sa isang lalaki na nasa labas ng room namin. Halos malaglag naman ang panga 'ko sa pagkabigla.
Paanong nangyaring bumalik na siya? Kailan pa? Gosh!
"His Nobby Valencia, new transferred lang siya. Treat him well okay?" Pakilala pa ni sir. Renz kay Nobby tapos pinatayo niya ito sa harap.
Hindi ako makapaniwala, bumalik na si Nobby?
Halos mapatulala naman ako na nakatingin lang kay Nobby. Teka! Matagal na bang alam ni Jenifer ito? Hayss. Wala akong kaalam-alam dahil hindi na rin naman kami nagkakausap pang dalawa, kaya naman hindi 'ko rin agad nalaman na dumating na pala ang lalaking ito.
**
Author's Note:
If you'd like this chapter, please hit the star button for 'vote', lubos 'ko po itong ipapasalamat at mas lalo 'ko pong ikakatuwa ang iiwanan niyong comment or feedback.
Thank you for your time reading my storyyy, I hope you enjoy it :)
Love lots!
-Yoonmae-