Chapter I - Panaginip×××
"MINE!"
Malakas ang sigaw ko at agad na inispike ang bola papunta sa mga kalaban.
Maraming tao ang nasa paligid at pinapanood kami dahil ngayon ang huling araw ng University Intrams. Magkalaban ang dalawang kolehiyo na nagaagawan lang naman sa Championship ng Men's Volleyball.
PRRRRRRRT!
IN!
Mukhang ito na ang pinakahihintay namin, dahil sa apat na taon ko dito sa College of Science never pa namin natalo ang College of Arts and History sa larangan ng volleyball. Pangatlong set na ang laro at kami ang leading kumbaga, masu-sweep namin. Magiging history ito para sa kolehiyo namin.
24-19 ang score at inuulit ko, kami ang leading, isang score na lang. Lumapit ako sa service line at kinuha ang bola, ako ang magseserve. Sana ito na. Sana. Sana. Pinatalbog ng ilang beses ang bola sa sahig saka ko ito kinuha ulit at hinalikan. I'll claim this, amin na ang tropeyo. Hinagis ko pataas sa hangin ang bola at sa hinampas.Napapikit ako.
PRRRRRRRT!
IN!
Syet.
Narinig ko ang malakas na sigawan ng mga tao mula sa aming kolehiyo. Pati mga ka-grupo ko ay napatalon. Service Ace. Napayakap kaming magkakagrupo dahil sa wakas ay nakamit din namin ang tropeyo. Ang hinahangad ng team namin.
Natapos ang awarding ceremony nang nakakahapo pero sobrang saya. Kita sa mga kilos ng ka-grupo ko ang walang hanggang kaligayahan."Si Brigs talaga ang nagpanalo eh!"
"Baliw! Syempre team effort yun no!"
Kahit naman malaki ang naiambag ko sa laro, siyempre hindi naman namin maipapanalo iyon ng walang mga suporta ng kagrupo ko.
"Kailangan natin mag-party!"
"TAMA!"
Wala na akong pamilya, ulila na ako, namatay sila mama at papa when I was 12 sa isang karumal-dumal na trahedyang ayoko nang balikan. Mag-isang anak ako kaya kinuha ako nang matandang dalagang auntie ko na wala ring pamilya, at eksaktong 18 yrs. old ako ay namatay rin siya. Kaya naman naipagpapatuloy ko pa ang buhay at pag-aaral ko ay dahil sa iniwan nilang mana sa akin na nakuha ko nung tumuntong ako nang legal age.
Nahiga ako sa kama ko. Nakakapagod ang araw na ito pero sobrang saya. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako.
---
Habang naglalakad ako sa madilim na kalsada na madalas kong dinadaanan, naramdaman kong parang may sumusunod sa akin. Napahawak ako ng mahigpit sa bagpack kong nakasabit sa kanang balikat ko na nakalagay sa harapan ko. Binilisan ko rin ang paglalakad ko dahil halos wala ng katao-tao sa paligid ko.
Pst.
Pst.
What the fuck? Hindi ko pinakinggan yung sumisitsit. Direderecho lang ako sa paglakad ko nang mabilis.
Pst.
Pst.
Habang pabilis ako nang pabilis sa paglalakad, palakas naman ng palakas yung sumisitsit sa akin.
"HOY!"
Shit.
Sa lakas ng tinig ng nagsalita ay napatakbo na ako. Nakakatakot. Nakakakaba.
Takbo.
Takbo.
Takbo.
"Arrrrrgg.....mmmm"
Biglang may humarang sa akin, tinakpan ang bibig ko gamit ang kamay niya at saka dinala ako sa sulok na eskinita. Di ako makapiglas. Di ako makapanlaban. Matangkad ang mamang nasa likuran ko. Nakakatakot. Ang lakas ng kaba ng dibdib ko. Napapikit na lang ako.
Mamatay na ba ako?
Nagulat ako nang may maramdaman akong matulis, hindi sa tagiliran ko kung hindi sa pwetan ko. Tangna. Ngayon ko pa nakuha maglibog kung kailan mamamatay na ako. Inenjoy ko na lang yung nasa likuran ko, wala rin naman akong magawa dahil ang higpit ng pagkakahawak sa akin ng lalaki.
"Wala na siya."
Sa wakas binitiwan niya rin ang bibig ko at ang katawan ko. Matutuwa ba ako? Parang mas gusto kong nakadikit sa kanya. Humarap ako sa kanya. Hindi ko siya naaninag dahil may tumapat na napakaliwanag na ilaw sa mukha niya marahil galing sa sasakyan.
"BRIGS"
Napahawak ako sa likod ng ulo ko. Kung gaano kalakas yung sigaw niya sa pangalan ko, ganun rin kasakit ang tumama sa ulo ko, may humampas sa akin.
ARRRGGHH
Pero bago dumilim ang lahat, naitanong ko lang sa sarili ko,
Paano nalaman ng lalaking ito ang pangalan ko? Sino ang humampas sa akin?Katapusan ko na ba?
---
Agad akong napabangon sa kama dahil nanlalamig ako sa pawis.
WTF.
Anong panaginip yun?
Biglang nag-ring yung cellphone ko."Hello?"
"Hello Brigs!"
"Yes, Mikhail?"
"Andito kami kela Nash! Pool party tayo!"
"Sige. Sige. Punta ako jan."
"Ok! Wait ka namin!"
Binaba ko na yung tawag. Habang nag-aayos ako nang sarili ko, di pa rin mawala sa isip ko yung panaginip ko.
WTH?
Anong pumasok sa isip ko?
BINABASA MO ANG
Alay (on-going)
FantasyUmiikot ang kwento ng "Alay" kay Brigs na isang college student sa mundo ng mga tao na kalauna'y malalamang isang nawawalang tagapagligtas ng isang kaharian sa ibang mundo. Tinutugis siya ng kanyang kambal na si Afros upang hindi maging sagabal sa...