"Sulyap"

179 4 1
                                    

Naguguluhan ako kung ano nga ba ang feelings ko para sayo
Yung tipong bumibilis ang puso ko pag nakikita ka ng mga mata ko
Yung pumipigil sa pag ikot ang mundo kapag magkalapit tayo
Pagmamahal na ba ito?
Sa isang sulyap mo ay nagawa nang pakiligin ang puso ko pero natatakot ako
Natatakot ako na baka pag tuluyan na akong nahulog sayo ay wala ka naman palang planong saluin ako
Diba masakit yun?
Pero pano ko nga malalaman kung di ko susubukan
Kaya segi kahit walang kasiguraduhan ang kahahantungan nito ay susugal parin ako
Kasi Malay ko
Baka pala gusto mo din ako
Pero kung sakali mang binihag lang ako ng mapanukso mong tingin
Segi lang kakayanin ko pa rin
Kasi nga di pa naman nagtatapos ang buhay ko
Marami pa akong oras sa mundo para hanapin ang 'the one' ko
Pero sana nga yung mga sulyap mo na bumihag sa puso ko ay sya na lang mag aari nitong mundo ko

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 30, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Spoken poetry (Tagalog) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon