Pinalagpas ko ulit yung ginawa ni Ate. Pero sa isip ko, kelangan ko siyang kausapin. Tatanungin ko siya kung anong problema. Pag-uwi na lang siguro namin. Around 3pm, nagready na kami para makauwi. 4pm daw kami ipipick-up nung same jeep na naghatid samin papunta dito sa resort.Sobrang dami ng nangyari sa overnight swimming na 'to nila Ate Maan. Sobrang haba nung time namin together, pero parang nakakabitin... uuwi na kase kami. Babalik na kami sa dorm... Magpapaalam na ako kay Shey.
Pagkatapos nito, hindi ko alam kung kelan kami magkikita ulet, kung magkikita pa ba kami... Sa kabilang bayan kase siya nakatira. Alam ko medyo busy din siya kase studies at paglalaro pinagsasabay niya.
Nakatapos na ako mag-ayos ng mga gamit ko. Tulong-tulong kaming tatlo ni Anj at Ate Maan magtiklop nung tent. Hindi ako kinakausap ni Ate sa buong time na yun. Si Anj ang sumasagot kapag may tinatanong ako kay Ate. Sumagot lang siya once, nung itinanong ko kung saan niya nilagay yung bag ng tent.
Umupo ako sa same table namin nung makatapos na ako magready, pero napatayo ako ulit nung nakita kong hindi pa tapos si Shey sa tent niya. Wala kasi siyang katulong. Busy din lahat sa pagreready ng mga gamit nila.
Lumapit ako para tulungan siya. "Kelangan mo ng tulong?" Sabi ko.
Shey: "Okay lang. Malapit na din ako matapos dito. Macho kaya ako."
Me: "O sige, ikaw na. Pero tutulungan kita, para matapos ka na din agad."Napangiti siya saken. Nakatapos kami after 5 minutes siguro. Almost 4 na din. Malapit na kami umalis. Umupo kami dun sa bag ng tent niya, magkatabi kami.
Shey: "Jamie, pwede ko ba hingin yung number mo?"
Me: "Bakit? Papasahan mo ba 'ko ng load?" Syempre biro lang yun. Kanina ko pa din hinihintay kunin niya yung number ko. Medyo torpe kase 'tong isa. Kung hindi niya nga kukunin yung number ko, malamang ako na yung mangunguna magtanong sa kanya.Shey: "Pwede rin, kung wala kang load panreply saken. 🤣 Pero siyempre, para magkaron tayo ng communication pag-uwi natin. Ayaw mo ba?"
Me: "Gusto ko siyempre. Ang bilis nga eh, uuwi na agad tayo..." Medyo nakaramdam ako ng lungkot. Binigay ko yung number ko sa kanya. Tinext din niya ako agad, save ko yung number niya. 🙈Within 15 minutes, dumating na din yung jeep na magpipickup samin. Pumwesto kami ni Shey sa same spot na inupuan ko nung papunta kami sa resort. Tumabi na siya saken. Nakahawak lang siya sa bewang ko buong biyahe. Napapasandal yung ulo ko kase medyo inaantok ako, tapos inaalalayan niya yung ulo ko para sa balikat niya ako sumandal.😍😍😍
Si Ate Maan at Anj naman, dun sila umupo sa unahan, katabi ng driver. More than 1 hour kami bumyahe pabalik dun sa park na meeting place namin nung papaalis. Kami ni Shey ang naunang bumaba since nasa may dulo lang kami at yung gamit namin.
Nasa may corner kaming dalawa ni Shey, naghihintay na magunload silang lahat. Hindi ko namalayan na andun na pala sina Ate Maan at Anj. Nakababa na din pala sila ng jeep at hininhintay kami.
Ate Maan: "Jamie, bilisan mo. Sasabay ka ba samin ni Anj pauwi sa dorm?! Kanina pa kaming naghihintay dito ah."
Halata sa boses ni Ate Maan na irita siya. Baket kaya? Ano na namang nagawa ko?
BINABASA MO ANG
He's a She
Teen FictionMay standards ba ang love na kelangan sundin bago ka ma-fall? Hindi ba't puso ang tumitingin at hindi ang mata? Kasalanan ko ba kung ang pagmamahal na nararamdaman ko ay hindi ayon sa "tama" na pinaniniwalaan nila? Pamilya o ang taong mahal ko? Kail...