P A R T I I

74 1 0
                                    

° ° °

*KRIIIIING*

Ano ba yan! Patulugin niyo na muna akooooo.

Di ko pinansin ang alarm clock ko't umidlip muna ng saglit lang. Di pa man ako nakakatulog, bumalabag bigla ang pinto at nakita ko si Mama na gagalet. "Hoy! Bumangon ka na dyan! Baka malate ka nanaman sa school!" Sigaw sakin ni Mama. Seryoso ba? Ganito ba talaga ang simula ng araw ko? Badtrip talaga 'tong buhay na 'to. I looked at the clock to check the time. 5:34 am. 7:00 pa naman start ng classes eh. Ano ba naman yan.

"Opo Ma, eto na po. Bumabangon na oh. Tumatayo na po oh." Pabalang kong sagot sakanya.

She rolled her eyes at bumalik sa kwarto nila. Dumeretso naman ako sa baba para magalmusal. Ay hindi pala. Para pala magluto ng almusal namin.

Kinuha ko ang bacon sa fridge at pinrito ko na 'to. Kinain ko ito kasama ng pandeshal at kape. I'm a coffee person okay. A day wouldn't go by without me drinking a cup of coffee.

Matapos ko kumain, naligo naman ako't nagbihis na para pumasok. Kinuha ko na rin ang baon kong pera na 120 sa coffee table at lumabas na ng unit. Bumungad naman sakin ang pagbukas ng pinto ng kaharap na pinto. Nakita ko yung 7-year-old-lookin-like-kid na umiiyak. Naawa naman ako sakanya at tinry ko siyang itahan. "Oh baby? Why are you crying? Umagang umaga oh, wag ka sad! Dapat happy lang!!" "Eh kasi s-si kuya! Ayaw ko pumasok!!" Paliwanag nito sakin.

Nako bb-gurl wala akong time para itahan ka kung school ang problem mo kasi ako din ayoko na pumasok huhu. 

"Eh nasan si kuy-" di pa man ako tapos magsalita e biglang may sumingit. "Nako sorry Danie, naabala pa kita. 'To kasing si Trish, ayaw pa pumasok sa school."

pUCHA MUMSH SI ZILD! ANG CUTE NIYA W/ HIS MESSY HAIR!!

"Ahhh... I-Ikaw pala kuya niya." Sagot ko sakanya. Tumango siya at bigla siyang napangiti. "Nako baby, kailangan mo pumasok. Its for your own good at alam kong yun ang gusto ni kuya mo para sayo! Plus, summer is a few days from now! Konting tiis sa paggising ng maaga, Trish!" Masaya kong pagmotivate sakanya. Wawa naman kasi eh. Ang cute cute tapos sisimangot lang dahil sa rason na yon. Napansin ko na biglang napayuko si Zild.

"Oh sige, mauuna na ako ah? Pasok ka na, Trish! Bye kuya Zild!" Paloko kong sinabi bago ako umalis, na sinamahan pa ng malaking ngiti. Nginitian rin naman ako ni Zild at sinabing "Sigii. Ingat ka ha?".

Naramdaman kong uminit ng pisngi ko, kaya tumalikod na ako at nagsimula nang maglakad patungong school. Di naman kalayuan yun, so nilakad ko nalang imbis na magtricycle pa ako. Maisasama ko pa sa ipon ko para sa gitara yung pera ko kung hindi ako magttricycle.

Habang naglalakad ako, di ko talaga matanggal sa isip ko yung sinabi ni Zild.

"Sigii. Ingat ka ha?"

Adding ‘ha’ at the end of a phrase or sentence makes it sweet u know. Well for me, totoo yun.

° ° °

• Zild’s POV •

"Nako naman Trish! Malapit na nga magsummer, kailangan pa kitang pilitin pumasok sa school?" Sabi ko sa kapatid ko na makulit. "Eh kuya, sinabi k-ko naman na kasi s-sayo n-na ayaw ko dun sa place na yun!" Sambit niya naman sakin habang umiiyak.

Eto talaga pinaka-ayaw ko eh. Yung nakikita ko siya na umiiyak. Ayaw ko kasi na may mahal ako sa buhay na umiiyak. I mean who would di'ba?

Bigla naman siyang pumunta sa pinto at binukas ito. Huminto siya sa pagiyak nang may kumausap sakanyang babae. Di ko siya makita, busy ako sa paghugas ng pinagkainan namin ni Trish ng almusal. Sino kaya yun?

I'm HereWhere stories live. Discover now