Nagulat ako ng mabasa ko ung message saakin ni Lucas. Bakit? Bakit siya aalis? Kung kailan ok na saakin lahat? Ganto ba ung kapalit ng pagiging pabebe ko?
"Anyare sa'yo?" Tanong saakin ni ate Kim sabay upo sa tabi ko. Sinilip niya ang screen ng phone ko.
"Ah, nagpaalam na pala siya sayo." Sabi niya.
"Alam mo?" Gulat na tanong ko. Tumango naman siya bilang sagot.
"Diba nga sinabihan na kita non. Na habang maaga makipag-ayos ka na. Kasi aalis nga siya. For good na ata siya dun sa hongkong, sa pagkakaalam ko." Sabi niya. Bigla ko ding naalala ung sinabi niya saakin sa chat noon na 'habang di pa huli ang lahat'.
"Tsaka ngayon na ang alis nun." Dagdag niya na nagpatigil saakin.
Bakit? Agad-agad? Ganun, alis agad? Hinarap ko siya at nagtanong.
"Alam mo ba kung nasaan siya ngayon?" Nanginginig na ang boses ko.
"Hoy gaga, wag mo kong iiyakan ha sasampalin kita." Banta niya.
"Alam mo ba kasi kung nasaan siya ngayon?" Naiiyak na talaga ko. Bakit kasi aalis siya? Oo pabebe ako pero di ko kaya to no.
"Ang alam ko, dadaan siya diyan kila dobby mamaya bago pumuntang airport. Actually dapat dito siya kaso sinabi ko na wag na dahil baka ayaw mo siya makita." Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Bakit mo sinabi yon?!"
"Eh kasi diba galit ka?! Tsaka bat ka ba naninigaw?! Imbis na awayin mo kaya ko tumakbo ka nalang papunta kila dobby habang maaga pa!" Inirapan niya ako.
Inilagay ko ang cellphone ko sa bulsa ko at mabilis na nagsuot ng tsinelas.
Malayo ang bahay nila Dobby mula dito. Mga 5 kanto pa. Pero di to oras para mag pabebe.
BINABASA MO ANG
Wish • huang xuxi
Short Story"may wish ka ba kaibigan? Lapit ka lamang saakin, tutuparin ko iyon." HR - #12 in SS yukhei wong x choi yerim Nct series #2 © JASPEROSES 2018