Ano nga ba ang tulad mo para sa akin??
Saan ba nagsimula upang ikaw ay tingalain.
Sapat na bang dahilan ang isang Awitin?
Awiting maituturing na isang likhang Sining.
Maihahambing kita sa isang OBRA MAESTRA
Isang Obrang nagsimula sa sipag at tiyaga
Panahon at Oras, Dugo, Pawis at mga Luha
Ang siyang naging susi upang ako'y mamangha.
Tulad din ng isang sining na nagmula sa tuldok
Tuldok na yumabong saan mang panig at sulok
Talentong pinag-ibayo gaya ng pag akyat sa bundok
Nang marating ang tuktok! di nagbago na parang usok.
Marahil ay di sapat ang sumigaw at pumalakpak
Sa mga musika mo na ang hatid ay tuwa't galak
Ang naramdamang emosyon ay nagbigay kulay at lawak
Lawak ng iyong pangarap! hatid sa amin ng iyong mga pakpak.
Hinangaan kita hindi dahil sa angkin mong galing
Lahat naman ng mang-aawit ay may kakaibang uri ng ningning
Ang nakita ko sayo'y di tulad ng larong papel, bato at gunting
Na kung sino ang papalarin ay siya ang dapat tangkilikin.
Ang mundong ito ay nagsilbing iyong Canvas
Isang canvas na puno ng pangarap na hindi kumukupas
Mula sa pagiging mabuting Anak, hinanap mo ang Landas
Landas na kung saan maraming nagmahal sayo ng walang wakas.