Musikero-Manloloko

8 1 0
                                    


Nabihag ako sa maganda nyang tinig
Na mga balahibo ko'y tumitindig
Sobrang sarap sa pandinig
Sa sobrang sarap ay di nakakasawang marinig

Oo, nabihag ako ng isang musikero
Dahil ginamit nya ang kanyang tinig para mahulog ako
Pero hindi dapat ako nagpadala sa tinig mo
Dahil sya ay isang musikerong manloloko

Ako'y inalayan nya ng isang kanta
Habang inaawit ay sa akin nakatingin ang kanyang mga mata
Sa akin nakatingin pero hindi ko nararamdaman
Dahil ang mensahe ng kanta ay para sa aking kaibigan

Pinaramdam mong mahal mo ako
Kahit pa ang kaibigan ko ang tunay mong gusto
Bakit kailangan mo pang itago ang totoo?
Para saan ang pag-papanggap mo?

Tuwang-tuwa ako sa iyong mga awitin
Buong akala ko ay para ito sa akin
Pero masyado akong nagbingi-bingihan
Hindi ko napansing kasabay ng iyong pag-awit hindi lang pala ako ang iyong inaalayan

Masakit man sa aking puso
Nagmahal pa rin ako ng isang tulad mo
Dahil bali-baliktarin man ang mundo
Hindi mawawala sa aking isipan na nabihag ako ng isang musikerong manloloko

Musikerong Manloloko

Words of:
SimSimiSeeds

POESYWhere stories live. Discover now