Heir of the Banished

39 6 17
                                    

Araxtar Lanshazes' POV

"Ma, sabi ko naman sa'yo diba? Ako ang may desisyon nito!"

Irita kong paliwanag 'ULI' kay Mama.

Nakakasawa na rin ang paulit ulit na pagaaway namin. Bakit kasi hindi na lang n'ya ako suportahan sa kung anong gusto ko?! Kaya hindi kami nagkakasundo eh.

"At ngayon sumasagot ka na?! Wala ka nang galang!!!"

Pangaral pa nito sa akin.

Hmp! As if naman magpapaapekto ako! And why does she even care?! Dati naman, wala lang s'yang paki sa mga ginagawa ko!

I rolled my eyes in annoyance.

"Araxtar-"

As she was about to say something, pinutol ko na s'ya.

"Look. Kung may problema ka man sa ginagawa ko, keep it to yourself. I'm tired of this bullsh*t!"

Sigaw ko.

Then I stormed to my room, not minding her shouting and calling me. Kagaya nga ng sinabi ko, pagod na pagod na 'ko sa halos araw araw na bulyawan tungkol sa iisang bagay lang.

By the way, I'm Araxtar Lanshazes. Fifteen years of living. Mahilig ako sa musika, instruments and specially, mythical creatures. Sinimulan ko ang pagaaral tungkol sa kanila nung sampung taong gulang pa lang ako.

Lola Viola introduced them to me. Sabi pa n'ya may nakita daw s'yang gano'n dati at nakausap pa ito. Ever since, I became interested in such things.

Isa din sa mga pangarap ko ang makakita ng mga nilalang na ito. Alam ko naman na halos imposible ang ninanais ko, pero malay mo, balang araw magkatotoo. Hindi naman masama magkaroon ng kahit kauting pagasa hindi ba?

*TING!*

(1 Message from Lola Viola)

Nang marinig ang tunog ng cellphone ko, kinuha ko agad 'yon at nagreply kay Lola Viola. Well, s'ya lang naman ang may gana makipagtext sa akin ng ganitong oras.

[Lola Viola: Apo? Hindi ka pa matutulog?]

Hindi ko napigilan ang pagngiti ko. Sa simpleng bagay na 'yan masaya na ako. At least, mayroon pa ring taong nagaalala para sa'kin.

Me: 'La! Patulog na din po sana.

Ilang minuto ang hinintay ko bago nakareply si Lola.

[Lola Viola: S'ya sige. Pahinga ng maayos Apo. I love you!]

Me: I love you too Lola!

Iyan ang huling sinagot ko bago ilapag ang cellphone ko sa side table at tsaka nahiga sa kama

'Di rin nagtagal ay dinalaw na ako ng antok kaya naman pinikit ko na ang mga mata ko at hinayaan lamunin ng kadiliman ang katawan ko.

...

{DREAM}

'Nasaan ako?'

Sambit ko sa aking isipan. I found myself lying upon a bundle of feathers.

"Gising na ang tagapagmana."

Minabuti ko na lamang na panatilihing nakapikit ang mga mata ko nang mayroong magsalita. Baka sa ganitong paraan ay mauto ko sila.

Heir of the BanishedWhere stories live. Discover now