"Huh? Baka po limitado lamang ang inyong kapangyarihan?"
"Hindi, dapat makikita ko siya agad pero kung limitado ang aking kapangyarihan dapat nakikita ko ang pangangatawan niya." eh? Ganun pala yun. Di ko alam.
"Describe mo nga yung itsura ng ale."
"Mukha po siyang dalaga pa lamang, siguro po nasa mga 20'S pataas po siya. Nasa 5'4 po ang taas niya. Ang suot niya po ay kulay itim lahat. Ganun din po ang mga mata at buhok. Ang pinagtataka ko lang po ay bakit wala siyang linage sa buhok."
Linage, dito saamin bawal ang itim lahat. Paggusto mo magpalit ng kulay ng buhok, mata at damit ay dapat may linya ng ibang matingkad kulay. Dahil kung hindi baka magkamalan kang galing Tenebri--
"Baka naman galing siya sa Tenebrific Moiety. Pero imposible din eh, dahil dadaan ka pa muna sa Verboten Timber, tapos kailangan mo rin makalusot sa Electronic Gate bago makapasok dito."
Tenebrific Moiety, ito ay kabaliktaran ng mundo namin. Kung dito bawal ang itim at maiitim na ibang kulay sa kanila naman ay kabaliktaran ng saamin.
"Pero ma, imposible po yang sinasabi mo po. Dahil mahirap po lusubin ang Verboten Timber at mahirap din po makapasok sa Electronic Gate kung hindi ka po qualified dito."
Verboten Timber, ito ang nagsisilbing divider ng aming mundo. May lawak itong 500,000 KM bago makatawid sa dalawang panig. At walang katapusang haba na nakapalibot sa buong Gemu World.
Electronic Gate, ito ang nagsisilbing pangharang o para walang makapasok ng basta-basta sa Verboten Timber.
"Kaya nga yun din ang pinagtataka ko. Tsaka may nakita akong ale na katulad ng sinabi mo."
"Eh? Parehas na parehas. As in? Saan mo naman po nakita?"
"Malamang dito sa Flare Moiety, saan pa ba? Maghanin ka na nga lang, gutom na ako." nanay ko may pagkapilosopo. Pumasok ako sa bahay para kumuha ng plato at yung niluto kong pagkain kanina. Alangan namang pumasok ako sa bahay para matulog, edi lagot ako sa engot kong ina? Ayan, nagaya na rin ako.
Flare Moiety, dito kame nakatira. Kaming mga light users. Opposite ng Tenebrific Moiety.
Lumabas ulit ako dahil may lamesa naman sa labas ng bahay, doon na lang kame kakain.
"Ma, saan po ako nagmana?"
"Saan pa ba?! Edi sa nanay mong bruha! Ano ka ba! Tunatanong pa ba yan?"
"Eh, hindi nga po? Kesa, panget ka po at ako yung maganda. Kaya hindi po ako sayo nagmana diba ma?" sabay tawa ko. Wuh! Gloomy is the day!
"Wah! MA! Una na ako! Ikaw na po maghugas niyan! Ba-bye! Tinda na po si me!" sabay inom ng tubig at alis na ng bahay.
Gloomy si mami eh, pero kung galit talaga yan susundan niyan ako.
Pumunta na ako ng boutique, dahil ako naman ang kapalit ngayon dito at sa Hories naman si Mami. So, yes malapit lang lakarin ko mula bahay hanngang dito dahil nga sa likod ng boutique lang ang bahay namin!
Andito ako kasulukuyan sa boutique at nakikinig ng music ng may pumasok na mga taga Cross Sword Conqueror Academy.
"Taga saan po sila? Nickname? Age? At bakit po kayo nandito?" mukhang mga magkakabarda ito ah at mukha rin silang tumakas galing academia nila. Layo kaya ng kanilang lalakbayin para ng makapunta sa Main City.
BINABASA MO ANG
The Legendary Gamer
FantasyProject 2018 hanggang kapag na pag-isipan ko ulit magupdate. Namumuhay lang siya kasama ang kanyang ina sa bayan ng Flare Moiety. Hanggang isang araw kailangan niya palang pumasok sa academia na ayaw niyang pasukan. Bakit at anong dahilan nga...