Chapter 20

14 1 0
                                    

A/N:

PLEASE READ!!! Itong chapter na to ang last chapter ng part one. Don't worry, dito ko to tatapusin. Pero sinasabi ko lang na baka matagalan ako mag update ng next chapter. So... enjoy.. and comment... and vote.... and please be patient with me.... thank you!!!

--------------------------------------------------------------------------

Iya’s POV

“Hija, gising ka na ba?”

“Yes mom.”

Pumasok si mommy sa kwatro ko. Umupo sya sa tabi ko.

“Hija, kung ano man yung pinag-aawayan ninyo sa bahay, I don’t think that’s enough reason for you to move out.”

Hindi mo kasi alam mom.

“Hindi naman kami nag-aaway. Gusto ko lang talaga dito sa bahay. Nami-miss kita eh.”

Niyakap ko si mommy. Niyakap nya rin ako.

“O sige. You can stay here if that’s really what you want. I just want you to be happy.”

“I know. Thank you.”

Well, hindi ako masaya, pero simula nung nagising ako sa hospital at nakita ko kung gaano nag-alala sakin si mom, mas tumindi yung resolve ko na maging independent, at kayaning alagaan ang sarili ko. Hindi ko yon magagawa hangga’t nasa iisang bahay kami nila Ethan. Kaya nga kahit gusto ko silang tawagan nung nagising ako, pinigil ko ang sarili ko. I even went so far as to tell Maddy and Carl na wag sabihin sa kanila.

“Alright hija, mabuti pa at bumaba ka na para makakain ka. You’re looking thin Iya. Kumain ka ng marami.”

Pagkatapos naming kumain, dumating sila Denise. Nag text sila sakin kahapon na nagpunta sila sa hospital pero wala na ko. Sabi ko ngayon na lang sila magpunta.

Lahat sila nandito, except si Carl. Syempre kasama sya ni Maddy ngayon sa family reunion bilang boyfriend ni Maddy. Ayyyiiiee!! I’m so excited!! Mas excited pa ko sa kanilang dalawa. Haha. Bagay kasi sila. Sana talaga magkatotoo na yung relasyon nila. Haha.

“Iya, kamusta ka na? Lahat kami nag-alala sayo. Ano bang nangyari? May sakit ka pa ba?”

Sunod sunod yung mga tanong nila, pero nasagot ko naman lahat. Pero hindi ko kinuwento yung buong pangyayari. Basta sabi ko lang sobrang stress at pressure sa school. Ayokong malaman nila kung ano yung totoong dahilan.

Pagkatapos ng mga tanong, puro kwentuhan naman. Kung ano ano lang. Hanggang sa tinanong na rin nila yung tanong na kanina ko pa inaantay at pinaghahandaan.

“By the way Iya, alam mo ba kung nasan si Carl? Hindi namin sya ma contact eh.”, tanong ni Denise.

“Ahh si Carl. May pinuntahang family reunion.”, totoo yon pero hindi ko na sinabi na hindi nya family yon. “Hindi mo talaga maco contact yon, kinukuha kasi ng dad nya yong phone nya kapag may family event sila.”, again, totoo yon. May mga iniwan lang akong details.

“Ahh ok. Sayang naman wala sya dito ngayon. Nabisita ka na ba nya?”, tanong ni Nick.

“Oo. Kahapon nandito sya. Sya nga yung unang bumisita sakin eh.”, again, technically totoo yon. Pero hindi ko na sinabi na kasama nya si Maddy.

“Ows? Dapat sinabi mo samin!”, sabi ni Denise.

“Ano ka ba Denise? Syempre natural lang na mauna yung prince bago yung friends. Ok lang yon.”, sabi ni Joey.

“Oo nga. Alam mo naman si Carl, laging nag-aalala kay Iya.”,sabi pa ni Ken.

Oops. Dapat ba sinabi ko na may kasama sya kahapon?

He's My Hero and I'm His Princess [on-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon