[MAMMC1]
Rey's POV
"Hoy!"
Sigaw ko, na ikinatingin sa'kin nung apat na lalaki na sinusubukang buksan ang isang kotse.Naka pamulsang nag lakad ako papalapit sa kanila at saka huminto sa mismong harap din nila, ano na naman bang kalokohan 'to?
Bahagya kong sinilip kung sino ba yung tao doon sa loob ng kotse pero wala akong makita, bukod sa madilim ay tinted yata yung salamin ng kotse, Binalik ko ang tingin ko sa apat na lalaki sa harap ko.Ano naman kaya ang trip ng mga 'to?
"Hoy, Wag kang makealam dito"
Sigaw nung isang lalaki na ikinaatras ko ng bahagya."Pwede ba? Wag kang sumigaw ... mag kaharap lang tayo, tumatalsik tuloy laway mo tss."
Naka pamulsang sabi ko, bakas naman ang inis sa muka nung apat."Hoy"
Turo sakin nang isa pang lalaki.
"Wag kang sumali dito kung ayaw mong madamay."
Sabi pa nya, walang ganang tinignan ko sya."Eh sa gusto kong sumali pakealam moba?"
Walang ganang sabi ko, kita ko ang bakas ng inis at pagka-irita sa kanila."Aba! Eh gago ka pala ei!"
Sabi pa nang isang lalaki at saka ako tinulak sa braso kaya bahagya akong napaatras, inalis ko ang mga kamay ko sa bulsa ko.Wrong move tss tss
"Isang tulak pa.."
Sabi ko at saka tinignan sya sa mata.
"...mag kakabangas kana."
walang emosyon na sabi ko, nakita ko ang bahagyang pag-atras nya."Ang yabang mo ah!"
Biglang sabi nung isa pang lalaki at inambahan ako ng suntok pero nahuli ko agad ang kamao nya, ngumisi ako at saka diniinan ang paghawak sa kamao nya hanggang sa mamilipit sya.
"A-araaayyy... gago bitawan--... Ahhhh"
Sigaw nya pero lalo ko lang diniinan yun."Hoy Rey! Bitawan mo yan bago mag dilim ang paningin ko sayo!"
Sigaw nung unang lalaki, nginisian ko lang sya.Naks, kilala nya ako.
"Wew... takot ako"
Pang-aasar ko sa kanya.nag mura muna siya bago sumugod ng sapak sakin na naiwasan ko naman... agad kong sinipa sa tyan papunta sa kanya yung lalaking hawak ko ang kamao kanina at...
*PLAKKKKKK*
Tumba!
Nadagdagan na naman angas ko
Tumingin ako doon sa dalawang lalaki at bakas ang galit sa muka nila, tangka silang susugod na sa'kin pero hinarang ko ang isa kong kamay.
"Heeep!!!"
Pigil ko sa kanila
"subukan nyong lumapit at isasabit ko yang mga ulo nyo sa labas ng bar nayun"
Sabi ko at tinuro ang bar na nasa likod lang namin, napahinto naman sila saka ako napangisi.Mga uto-uto
"Bibilang ako ng tatlo.."
Seryosong tinitigan ko sila at saka humakbang papalapit sa kanila na ikina atras naman nila.
"... umalis na kayo , bago pa mag bago ang isip ko"
Seryosong dagdag kopa, natigilan naman silang dalawa , nakita ko namang dahan-dahang tumatayo yung dalawang natumba kanina, tinignan ko sila isa-isa at saka nag simulang mag bilang.
"Isa.."
Bilang ko, nakita ko ang biglang pag kataranta nila."T-Tara... T-tara bilis!"
Sabi ng isa at saka sila tumakbo paalis, natawa naman ako."mga uto-uto"
Ngising sabi ko habang tinatanaw pa sila.Nang makalayo na sila saka naman nabaling sa kotseng nasa harap ko ang tingin ko, nakahinto padin yun don at ramdam kong may tao sa loob. nanatili akong nakatingin sa salamin non kahit wala akong nakikita saka ako lumapit at kinatok yun, hinintay kona bumukas pero hindi naman umandar kaya kinatok ko ulit yung salamin at saka sumenya na umalis na sya... maya-maya naman ay umandar na yung kotse.
BINABASA MO ANG
Ms. Astig Meets Mr. Childish
RandomMeet Lheyn Rey Quevas ang babaeng napaka seryoso at misteryosa, ang pinaka ayaw niya sa lahat ay yung maingay at makulit, sanay kase siya sa bakbakan kaya kung minsan ay hindi niya napipigilan manapak. Tahimik at payapa naman ang buhay niya, pero n...