Kabanata 22: Kenneth at Jordan
KENNETH's Point of View
Hinatid ko muna si Jordan sa klase niya dahil may exam din siya tulad ni Stacey. Kanina pa ko nagaabang dito sa labas ng classroom nila Stacey. Gawain ko kasi na i-good luck siya sa tuwing darating mga ang exams niya.
Naging mabuti siyang kaibigan sakin. Pero hindi ako naging ganun sakanya. Ang gago ko para saktan siya. Matagal na ko may gusto kay Jordan. Lahat naman siguro ng gugustuhin ng isang lalaki sa isang babae ay nasa kanya na. Bago ko makilala si Jordan, lahat ng mga gugustuhin ko na babae ay napapasaakin ngunit hindi tulad nang isang Jordan Stanford. Babaero ako noon pero nagbago ako nang dahil sakanya. Nahihirapan ako pumorma sakanya dahil ibang-iba siya sa lahat ng naging babae ko. Bigla ako na torpe pagdating sakanya at sabi-sabi noon dito sa campus ay wala pa naging boyfriend dahil mapili daw. Kaya naduwag ako.
Sinubukan ko noon na umamin sakanya pero umuurong ang dila ko sa tuwing nakikita ko siya. Sa sobrang kagustuhan ko sakanya ay naghanap ako ng mga info tungkol sakanya at dun ko nakilala si Stacey. May pumasok na ideya sa utak ko na maari ko siyang magamit para mapalapit ako kay Jordan at hindi naman ako nagkamali. Nakita ko noon si Stacey na papasok sa soccer field kaya sinipa ko ang bola palapit sakanya. Sinadya ko na tamaan siya.
At simula nun naging kaibigan ko na rin siya. Hindi ko naman inaasahan na maiinlove siya sakin. Oo alam ko na may gusto siya sakin. Hindi naman ako tanga para hindi mapansin yun pero binalewala ko lang yun dahil si Jordan ang mahal ko. Nang dahil kay Stacey napapalapit na rin ako kay Jordan. Napapasama na rin ako sa mga trip nila.
Sobra akong nakukunsensya kapag nakikita ko siyang nasasaktan. Naging makasarili ako. Ginamit ko ang kaibigan ko para mapalapit lang sa taong mahal ko. Napakasama ko.
Sa araw-araw na magkasama kami ni Jordan lagi ako kinukunsensya dahil ang lahat ng ito ay hindi mangyayari kung hindi dahil sakanya. Pero pinapangako ko sakanya na gagantihan ko ang lahat ng ginawa niya para saakin.
Napatayo ako ng maayos mula sa pagkakasandal ko nang makita ko si Stacey na mukhang wala sa mood.
"Par!" lumapit ako sakanya. "Good luck sa exam." sabi ko ng nakangiti. Nagpasalamat lang siya at saka nagmadaling pumasok sa loob ng classroom nila.
Nakaramdam ako ng lungkot dahil feeling ko lumalayo na ang loob niya sakin. Ang sakit pala sa feeling na lumalayo na sayo yung taong nakasanayan mo na nandyan palagi para sayo. Siguro nga deserve ko maramdaman ang lahat ng ito. Ang tanga-tanga ko kasi.
"Babe!" napalingon ako kay Jordan ng marinig ko ang boses niya. Sarap siguro sa feeling kung bukal talaga sa loob niya na tawagin ako ng tawagan namin ng hindi siya napipilitan lang. Minsan napaisip ako kung itutuloy ko pa ba ang katangahan ko'ng ito kasi alam ko sa sarili ko na napipilitan lang naman siya na mahalin ako. Nasasaktan ako sa tuwing sasabihin niya sakin na mahal niya ko. Hindi ko alam kung totoo ba yun o hindi.
Bakit ko pa rin ipinagpapatuloy? simple lang, kasi mahal ko siya. Yan naman siguro ang rason ng mga nagmamahal kahit nasasaktan na di ba?
"Uy babe, tulala ka na naman." umupo siya sa tabi ko.
"Sorry." napayuko ako.
BINABASA MO ANG
I'm the One
General FictionThe longer you wait for something. The more you appreciate it when you get it. Because anything worth having is always worth the wait.❣️