The Family
Kinabukasan ay nagising ako ng may narinig akong kumalabog bigla, kaya naman napabangon agad ako kahit ansakit ng katawan ko. Tinablan ako ng ulan kagabi.
"anong nagyari?" pumasok si kuya alex sa kwarto at nakita akong nakabangon na samantalang sabay kaming napatingin kay kuya austin na lugmok sa sahig ng CR.
"may nahuli kang isda kuya austin?" nagtawanan naman kami bago tuluyang tulungan ni kuya alex si kuya austin.
"nagmamadali ako kaya lang nadulas"
umiling na ako at napatingin sa orasan, tsaka ko sila parehas tinignan.
"bakit di niyo ako ginising! 10 na pala, meron pa kaming quiz ngayon!"
dali dali akong pumasok ng cr pero pinigilan agad nila akong dalawa,
"hindi ka papasok ngayon, kita mong ang taas ng lagnat mo!"
"i'm ok, i can handle myself, and i promise na tatawag ako once hindi ko kaya"
nagkatinginan pa sila bago parehas umiling at bumuntong hininga, naligo ako at agad na isinuot ang uniform tsaka ang hinandang oversized hoodie ni kuya alex, pagkatapos ay kumain lang ako ng champorado bago magpahatid kay kuya elliot sa school.
"itext agad kami kung hindi mo na kaya okay? at magtext kung pauwi na, always check your phone"
"yes kuya elliot, ingat sa pagmamaneho"
bumaba na ako ng sasakyan at tumakbo agad ako papasok dahil malelate na ako sa subject namin na nagpapaquiz. Tinakbo ang gate hanggang sa makapasok ako sa room namin and nakita agad ako ng teacher namin kaya binigyan niya ako ng test paper at saka ko sinimulan yung test, napansin agad ako ng mga kaibigan ko at lalapit sana saakin ng sumenyas akong mamaya nalang.
"pass your test papers infront, and miss valderon i'll give you ten minutes to finish your test"
tumango lang ako at nag-focus sa pagsagot sa exam pero maya maya lang ay mag nagchat saakin, tumingin muna ako sa harapan at nakita kong natutulog naman si ma'am kaya inopen ko agad yung phone ko at nakita kong si eba yung nagchat at pagkatingin ko sa sinend niya ay agad akong napatingin sa labas ng bintana, she's there with kara and jen waving at me, napatingin nalang ako sa phone at agad na kinopya ang mga sagot na naroroon. Alam ko namang di nila ako ipapahamak sa mga answers nila kaya wala pang sampung minuto ay agad akong natapos.
"tapos ka na ba miss valderon? baka naman nanghula ka lang"
"i am done, smart guessing po ang tawag doon ma'am"
tumango siya sa akin at agad na akong pinalabas dahil break time na namin, pagkalabas ko ay agad idinampi ni eba ang kamay niya sa noo ko at napangiwi nalang ako nung binawi niya agad ang yung kamay niya.
"ang init mo babaita! baka mabinat ka pa!"
"oo nga ba't ba pumasok ka! your kuya alex already informed all of our teachers!"
"i need to take the test, kita mo, we didn't know that it's 100 item quiz"
"oo na, ikaw na yung masipag aurelia"
nagtawanan kaming apat at pumunta ng canteen, habang naghihintay kay jen at kara na umuorder ng pagkain namin si eba naman ay nagkwento tungkol sa ginawang pagkanta sakanya ni damon kagabi,
"ang ganda lang ng boses niya aurelia! he's so shy at first but then...... ayun nga nakakakilig talaga" napangiti nalang ako dahil nakikita kong masaya siya sobra dahil kay damon, sana lang ay wag siyang paasahin at saktan nito.
"uyy anong pinag-uusapan niyo" nagulat nalang kami ng biglang dumating sina jen at kara na merong dala dalang spicy buffalo wings and apat na mango juice tapos may isang bucket ng fries na worth ng 100 pesos.
"uhm wala naman, i'm just saying na parang bampira na sa kaputlaan tong kaibigan natin"
sabay naman silang tumingin saakin at tumango, kumain naman na kami at nagkwekwentuhan lang sa kung ano yung mga namiss ko sa una naming subject. While we're talking di namin maiwasang tumingin sa likuran dahil biglang nagkagulo, napatayo yung tatlo kong kasama dahil ang nakikipag-away e yung mga montefalco, hinila na din nila ako patayo at dinala sa mga taong nagtutumpok tumpok dahil nga sinusuntok ni elijah si eion, wait teka---- si eion!
"Eion! wait stop it elijah!"
agad akong lumapit sakanila at tinulungan si eion na makatayo dahil balak ata siyang pagtulungan nitong mga montefalco na ito, napatingin naman agad silang lahat saakin lalo na si azrael na di makapaniwalang tumingin saakin,
"aurelia ano bang ginagawa mo?" hindi ko na pinansin si kara dahil inalalayan ko si eion at nung nakita niyang ako yung umaalalay sakanya niyakap niya agad ako,
"aurelia, wag ka ng makisali sa gulo, hindi mo alam kung anong ginawa niya sa pinsan ko!" napa-iling ako kay azrael at inalalayang umalis na doon si eion pero inilayo ako ni azrael at damon kay eion kaya natumba ulit siya at balak pa sanang upakan ni josiah at nila elijah si eion pero nagkumawala na ako at humarang sa harapan ni eion.
"stop, wag niyong saktan yung pinsan ko! I get it na sinaktan niya yung pinsan niyo and you're just trying to protect your cousin pero ako din, gusto kong protektahan yung pinsan ko!"
Stunned. The right word for their reaction. Inalalayan ko patayo si eion at naglakad kami papalayo doon, kaagad naman akong tinulungan nina eba para dumiretso kami sa clinic, pagkapuntang pagkapunta namin doon ay agad siyang ginamot ng nurse habang ako ay nakaupo lang doon sa bench.
"pinsan mo pala yun si eion sarmiento? kaloka yung genes ng pamilya niyo ah!"
Wala e, Sarmiento Valderon ang dugo na tinataglay namin. Pero sino naman kasi yung sinaktan nitong pinsan ko? Eion is one of my overprotective cousin, kaya ngayong nakita ko siyang nais pagtulungan nung mga montefalco ay kinailangan kong kumilos, gusto ko din silang protektahan. Lumabas naman yung nurse at sinabing kailangan lang muna magpahinga ni eion dahil nga sa pagkakabugbog sakanya.
"aurelia una na muna kami, may klase pa tayo e pero sasabihin nalang namin sa mga teachers natin yung nangyari, i'm sure they would understand you"
tumango ako at nagpasalamat, bigla namang lumapit saakin yung nurse at may ibinigay na kakapirasong papel.
"miss eto po yung mga bibilhing gamot para sa pasyente and he needs one week of rest, kailangan niyo din siyang ipacheck up dahil nabali yung isang buto na malapit sa ribcage niya and that needs immediate medication"
"salamat po nurse"
tumango lang siya habang ako ay lumabas muna dahil bibilhin ko tong gamot sa tapat ng university ng biglang nahagip ng mata ko ang magpipinsang montefalco, iiwas na sana ako pero mukhang nananadya sila dahil talagang lumapit pa saakin.
"uhm, i'm sorry sa ginawa namin sa gago--"
"kung mumurahin niyo lang yung pinsan ko, better not talk to me, g*go din kayo kaya wala kayong karapatan para murahin yung pinsan ko"
lalagpasan ko na sana sila ng hilahin nanaman ako pabalik ni azrael at tinignan ng taimtim, binitawan niya din agad ako nung napaso siguro dahil nga ang init init ko parin.