Chapter 6

1.9K 138 5
                                    

[6]

Stella

"Hey,"

Natigil ako sa pagmumuni-muni sa bintana nang makarinig ako ng boses. "Oh, Rave." Akala ko kung sino na!

"Are you okay? Kanina ka pa kasi nakatulala."

"I'm okay." Huminga ako nang malalim saka humarap sa kaniya nang nakangiti. "Dito rin ba klase mo?"

"No. I just passed by. Sa kabilang room kami. Nakita lang kita kaya... ayon."

Ngumiti siya kaya napangiti na rin ako. Nakakahawa eh! Tsaka ngayon ko lang siya nakita na naka-uniform.

"Salamat sa pagdalaw. Hahaha."

"Haha. Well, uhm. Wala ka na bang pupuntahan pagkatapos ng klase? If you like, I'll treat you lunch."

Bilang isang magalang at mahinhin na dalaga ng henerasyong ito, hinding-hindi ako makakatanggi sa libreng alok lalo na patungkol sa pagkain!

"Sure. Mga 11AM?"

"Okay. I'll meet you at the lobby then."

"Okay."

Ngiti-ngiting tumayo si Rave at patakbong umalis sa classroom. Tumingin naman ako sa paligid dahil mukhang ewan 'yong mga kaklase ko. "What?"

"Date! Date! Date!"

"Aish! Kayo talaga puro kalokohan!"

"Hahaha. SS sa inyo!"

"Nakakakilig!"

"Ang gwapo ni fafa Rave!"

"Support!"

Napailing na lang ako at natawa. Ito kasi ang mahirap kapag masyadong mabait at sikat! Simpleng pagyaya lang date na agad?!

At least, kinilig ako ng kaunti. Kaunti lang naman. Kyaa~

Pero biglang naglaho ang lapad ng ngiti ko nang maalala kong mabilis kumalat ang tsismis sa school na 'to.

At siguradong makakaabot kaagad 'to kay kuya!

Uwian na pero bakas siguro sa buong mukha ko ang kaba at pagkataranta. Teka. Bakit nga ba 'ko natataranta? Eh kung tutuusin dapat ginagamit ko 'to para makaganti sa kaniya!

Aba. Tama naman talaga ang sinabi ni bessywaps, hindi ako dapat magpaapi.

Kung dumating na sa kaniya ang balita na niyaya ako ni Rave sa lunch, siguradong pupuntahan niya 'ko at gigitna na naman sa 'min.

Ang gagawin ko lang, kitain si Rave at hilain siya paalis sa school agad-agad!

Tumayo ako at mabilisang niligpit ang mga gamit ko sa bag.

"Bye, guys!" masayang paalam ko sa mga kaklase ko.

"Ayiee. Nagmamadali siya."

"Excited sa date nila ni fafa Rave!"

"Hahaha."

Hala sila. "Tumigil nga kayo. Una na 'ko sa inyo. Bye!"

"Bye, Stella!"

"See you tomorrow!"

"Ingat!"

Nakalabas na 'ko ng hallway at pababa na sa lobby kung saan kami magkikita ni fafa Rave nang pigilan ako ng kung sino!

"Bes!"

Gulat akong napatingin kay Aub at pinilit kong ngumiti. "B-Bes! A-Ano'ng ginagawa mo rito? T-Tapos na klase niyo?"

Bad BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon