welcome back

1 0 0
                                    

Kuya!!!!!!

Nahulog sa upuan si luke sa gulat ng sigaw na un. Napaubo naman si Chris habang umiinom ng guayabano juice na nakastock sa ref ng kwarto ni carlyn. Nanlaki naman ang mga mata ni Alexandre habang hindi makapaniwala sa nakikita niya. Si Andy naman nakatulala lang,habang si Kevz ay mabilis na nakalapit sa higaan ni Carlyn ganun din si Anthony na nakaupo sa tabi ni Kevz.

Kanya-kanya silang reaksyon sapagkat hindi sila makapaniwala sa biglaang pagbabalik ng kanilang princesa.

P-princess how are you? Tanong ni kevz,hindi maintindahan kung hahawakan ba nito si carlyn o ano.

Ngumiti at tumango lang ang dalaga,at mataman silang pinagmasdan lahat. "mga kuya ko" mahina nitong bigkas.

Tumango kami sabay-sabay,at ngumiti. "welcome back princess" at halos sabay sabay din namin sambit.

Ngumiti ito at marahan bumangon ng bahagya na agad naman inalalayan ni kevz at chris dahil sila ang malapit dito.

"wag ka muna magkikilos,titingnan ka muna ni Kuya Andy mo." may pagaalalang sabi ni Alex

"mabuti pa luke tawagin mo muna sina grandma at sina tito upang ipaalam ang magandang balita" utos ni Anthony kay luke na agad naman tumango at lumabas ng silid.

At habang sinusuri ni Andy si Carlyn bahagya sya nagulat ng hampulisin ni Carlyn ang pisngi nya. "halata ang pagod sayo kuya" mahina ngunit sapat upang marinig nilang lahat. "pinag alala ko na naman kayo" dagdag pa nito at kita ang pagguhit ng lungkot sa maamong mukha ng dalaga. Marahan siyang umiling at hinawakan ang magkabilang pisngi nito.
"normal na magalala kami sa aming prinsesa,pero wala ka dapat ikalungkot dahil lang sa nagaalala kami sayo,dahil yun ay mahal na mahal ka namin. Mapagod man kami,hindi kami titigil bumalik ka lang ulit." nangiti nitong wika habang nakatitig sa mga ni Carlyn.

Tumulo ang luha sa magkabilang mata ni carlyn na agad naman pinawi ng daliri ni Andy,"wag ka umiyak,masaya kami dahil andito kana ulit sa piling namin." tumango tango ang dalaga at sumilay ang ngiti na dati pa nilang hinahanap.

"Totoo ba,gising na nga ba ang apo ko!?" tanong agad ni grandma kahit di pa tuluyan nakakapasok sa silid. At pagkakita kay Carlyn na ngayon ay nakayakap kay Andy ay walang pigil na tumulo ang luha nito na hindi din makapaniwala bumalik na samin ang kaisa isang princesa.

"ang apo ko!".... lumapit ito at pumalit sa pwesto ni andy.. Totoo na ba ito apo,kausapin mo si grandma bigyan mo ako ng napaka amo mo ngiti. Wika pa nito habang panay ang haplos sa mukha ni carlyn na minsan ay sasabayan ng halik.

"g-grandma" wika ni carlyn at ngumiti ito.

"my princess,my little princess.....ang aking carlyn" at tuluyan ng humagulgol ng iyak si grandma ng marinig ang tinig ni Carlyn.


A-anak.... B-baby..... sabay na tawag nina tito charly at tita rosalie na nagpalingon at nagpabitiw sa yakap ni carlyn kay grandma. Nanginginig ang mga kamay nito na unti unting tinakip sa mga bibig na parang hindi makapaniwala andito ang kanyang mga magulang.

Anak....yumakap si tito charly kay carlyn. "ang prinsesa ko,patawarin mo si papa baby,...hindi ko alam na ganito ang nangyayari sayo." umiiyak nitong paliwanag habang yakap yakap pa din si carlyn,panay naman ang iling ng huli .

Hindi na din napigilan ni tita rosalie at sumalo sa yakap ng mag ama. " ang baby ko, nangangatal ang kamay habang hinahaplos ang luhaan mukha ni carlyn.

"andito na si mama,hindi na kita iiwan,patawad anak ko sa pagkukulang namin ng papa mo sayo." m-mahal na mahal ka namin aming princess. Madamdamin saad nito habang umiiyak.

Umalis sa pagkakayakap si Carlyn at hinaplos din nito ang ang mukha ng kanyang mama. "m-mama" wika nito na lalong ngpaiyak kay tita Rosalie "oo anak,si mama ito" sambit nito sa pagitan ng pagiyak at hinawakan nito ang kamay ni carlyn na noon ay humahaplos sa pisngi niya,dinala niya sa kanyang mga labi at marahan hinalikan.

Bumaling naman si Carlyn kay tito Charly na ngayon ay humaplos sa kanyang buhok habang walang tigil din ang pagtulo ng luha. "ang papa ko"...wika nito at binigyan nito ng ngiti,tumango lang si tito at sabay ni niyakap ang magina.

Walang tigil na iyakan ng mga oras na yun,pati na din ang mga katulong na naging saksi sa pangyayari ay hindi din maiwasan maiyak. Ganun ang aming mga magulang na andun din sa silid na iyon.

Andito pa din kaming lahat sa loob ng silid ni Carlyn. Parang walang nais umalis at namnamin ang makapiling siya kaya napilitan si grandma magpasok ng pwede namin pag tulugan lahat,tutal malaki naman ang kwartong ito kaya kasya pa din kami lahat.

"may gusto ka ba kainin anak?" tanong ni tita.

Umiling si Carlyn ngunit bumaling sa kanyang lola. "grandma mayroon pa po ba ko guyabano juice" malambing nito tanong.

Biglang nasamid si Chris sa tanong na yun ni Carlyn. Kaya bumaling sa kanya si grandma "chris?"

"grandma"...nangingiting habang napakamot sa batok si chris

"inubos mo ba?"
ah...eh...kase grandma hindi ko alam na ngayon magigising si princess,palusot pa nito.

Ikaw talagang bata ka,wika ni grandma na akmang hahambalusin ng hawak na baston si chris na nagpatawa kay Carlyn na nakapagpatigil samin lahat.

Tulala kaming lahat na nakatingin,at pinagmamasdan ang magandang mukha na nakapaskil ngayon sa aming prinsesa. Patuloy pa din ito sa pagtawa pero unti unting tumigil ng mapansin niya siguro tahimik kaming lahat. Marahan siyang yumuko at humingi ng paumanhin. "i-im sorry,hindi dapat ako tumatawa ng ganun" naiiyak nito sabi.

Lahat kami ay lumapit sa kanya,hinawakan ni lola ang kamay nito at marahan pinisil "don't worry princess, from now on,that you are here with us..you can do whatever you want,your free for everything,live like there's no tomorrow." mahinahon wika nito.

Smile honey... Si luke.
"we are here for you..." sabi naman ni chris na nagthumbs up pa.
"protecting you." alex
"to make you happy" kevz
"to take care of you" linya ni andy

"and we are here,your family to give all the thing that makes you happy." dagdag naman ni kuya Anthony.

"thank you kuya's, you know how much i love you" sagot naman ni carlyn.

"and we love you too....very much our princess."sabad ni grandma.

"group hug!?"....request ni carlyn habang nakadipa ang braso nito na siyang nagpatawa samin lahat at niyakap namin siyang lahat.

The Arameda's Story: Carlyn Winter ( The Princess)Where stories live. Discover now