Nagising nalang ako nang tamaan ang aking mukha ng sikat ng araw. Napagdesisyunan kong tumayo agad nang maalala ko na naroon sa sala si Zeus. Hinanap ko kaagad siya pero wala na siya roon. Tanging ang bowl na walang laman na noodles ang naroon. Inikot ko ang bahay na di naman ganun kalakihan pero kahit anong bakas niya ay wala akong nakita. Kahit na sulat ay wala siyang iniwan.
Binuksan ko ang aking phone para tawagan siya pero naalala ko na wala pala akong number sa kanya.
Isasara ko na sana ang phone ko ng magpop up ang isang text message galing sa unknown number.'Stay home for a week. Don't try to go to work.'
Kahit wala siyang pangalan alam kong siya ang nagtext nun. Hindi na ako tumutol pa dahil alam kong mas makakabuti yun sa aming dalawa at para na rin hindi ko muna makita si Denver.
Isang linggo nga akong nagstay sa bahay at nagfull time sa pag-alalaga kay Sync at pati na rin kay Mama dahil ito lang ang araw na pwede akong bumawi sa kanila.
Sa mga araw na kasama ko si Sync at Mama ilang beses din nila tinanong kung kamusta na si Railey at Zeus, walang akong magawa kundi magsinungaling sa kanila. Na okay lang ang dalawa na busy sa mga trabaho nila kaya di na nakakadalaw pa.
Wala rin akong balitang natanggap sa office dahil bukod sa may phone ako hanggang text lang at tawag kaya kong makipagsocialize pero wala na akong ibang social media account.
Linggo ng hapon nang makatanggap ako ng text mula kay Zeus and he is telling me to not to go to work again until he will tell me. Tumawag ako sa kanya ng ilang beses pero walang sumagot. Hanggang sa pangsiyam kong tawag sa kanya nang sagutin niya.
"Hello? Zeus?" Agad kong bungad.
'Sorry Miss Agatha Cleone but Sir Zeus Uy can't answer his phone. I'm his lawyer, Atty. Patrick Zamora.' Hindi ko maintindihan kung bakit siya ang may hawak ng phone ni Zeus at bakit siya ang sumagot ng tawag.
"Anong ibig mong sabihin? Bakit di niya ako masasagot? May nangyari ba sa kanya?" Nag-aalala kong tanong sa kanya.
'Sorry Ma'am but for some reason I'm not able to answer your question because of my client request. Sorry but I need to hang up.' Hindi na ako nakapagsalita pa nang marinig ko nalang na binababaan niya na ako.
Papunta na sana ako ng opisina nang maalala ko na Linggo nga pala. Buong gabi akong di nakatulog kakaisip kung anong nangyari sa kanya. May kinalaman kaya ang nangyari sa club sa nangyayari sa kanya ngayon?
Hanggang dinalaw na ako nang antok ng alas kwatro ng umaga at dalawang oras lang ang tulog ko dahil sa kakaisip. Hinatid ko lang si Sync at agad na dumiretso sa trabaho. Napansin kong maraming nagugulat nang makita nila ako roon at nagbubulong bulungan. Hindi ko na masyadong pinansin pa dahil na rin sa pagmamadali na makarating agad sa opisina.
Pagkaakyat na pagkaakyat ko ay dumiretso ako sa opisina ni Zeus pero wala siya roon. Tamang tama naman nangl sumalubong sa akin si Melody na halatang nagulat nang makita ako.
"Agatha?" Sa pagsabi niya sa pangalan ko ay agad na nagsilingunan sa direksyon namin ang mga nakarinig nito.
Wala na akong nagawa kundi hilain siya at isama sa fire exit kung saan walang makakarinig nang usapan namin.
"Anong nangyari habang wala ako?" Di na ako nagsayang ng oras at agad kong tanong sa kanya.
Napansin ko naman na di siya makatingin sa akin nang maayos na halatang naiilang siya sa presensya ko.
BINABASA MO ANG
How to be yours? (COMPLETED)
RomancePaano nga ba makukuha ang lalaking matagal mo nang minamahal? Si Agatha, binigay ang kanyang sarili sa pamamagitan ng one night stand sa isang lalaking alam niyang di siya magugustuhan kahit kailan na akala niya magiging sagot para mapansin siya ni...