HW10
Inaamin ko na natakot talaga ako sa ginawa namin ni Julie. Ewan ko ba kung anong sumapi sakin ng gabing yun pero sabi nga ni Julie pareho naman naming gusto. Secret nalang namin para hindi malaman ni Lala at para na din maging safe pa din ang pwet ko sa mga palo niya.
Mamaya ko pa mailalabas si Julie para sa sinasabi kong date. May mga kailangan pa kasi akong gawin tulad ng kailangan ko maglaba, mamalengke, at maglinis ng bahay.
Kahit naman papaano, tinutulungan ako ni Julie. Siya ngayon ang naglilinis sa loob ng bahay habang nagtatanggal ako ng mga agiw sa may kusina. Matapos don, naglinis naman ako ng mga kaserola at kawali. Inayos ko din ang bubong namin kasi narinig ko sa radyo ng isang araw na malapit na ang tag ulan.
Nauhaw ako kaya kumuha ako sa ref namin ng tubig. Naisipan kong dalhan si Julie kaya hinanap ko siya. Umiinom ako ng tubig ng mapabuga ako dahil pagtingin ko sa gilid ko, sa may hagdanan nandoon si Julie sa tuktok. Kitang kita ko ang mahaba at makinis niyang legs mula dito sa kinakatayuan ko. Napalunok ako.
Ang sexy talaga ni Julie. Naalala ko na nagkaroon ako ng pagkakataon para mahalikan yan. Hindi ko alam kung anong ginagawa ko pero bigla nalang akong umakyat ng isang hakbang at sinimulang padaanin ang hintuturo ko sa makinis niyang balat. Paakyat ng paakyat...
"Elmo?"
Napatingin ako kay Julie na nakatingin sakin. Nandon pa din ang hintuturo ko sa legs niya.
"Anong ginagawa mo?"
"H..Ha?"
Ano nga bang ginagawa ko? Napailing ako at bumaba. Bumaba din naman si Julie.
"Bakit? May dumi ba sa legs ko?"
Wala! Ang kinis nga ng legs mo. Naaakit nga ako.
"W..Wala. Mag aabot lang sana ako sayo ng tubig."
Ngumiti nalang si Julie sakin at nagsimulang uminom ng tubig. Sa sobrang uhaw niya siguro kaya pati tubig tumutulo na sa leeg niya. Ang sexy nun. Napakagat labi ako ng makita ko yun. Kailangan umalis na ko dito baka mamaya kung anong magawa ko.
"May laman pa pala yung ref baka hindi muna ko mamalengke. Bukas nalang siguro. Magluluto nalang ako mamaya ng sinigang. Tapos na ko sa kusina, maglalaba na muna ko."
"Tulungan na kita."
"Sigurado ka?"
Tumango si Julie. Tapos na din pala siya sa loob ng bahay pati sa kwarto. Nagpunta kami sa labahan at nagsimulang maglaba. Wala kaming ginawa kundi magkulitan. Pinapahiran kasi niya ko ng mga bula kaya gumaganti ako.
Nagprisinta si Julie na magbanlaw ng mga damit para daw makapagluto na ko. Sumang ayon naman ako kaya nakapagsimula na ko kaagad sa pagluluto. Ilang sandali lang natapos na din si Julie. Natulungan ko din siya sa pagsasampay.
"Nakaka excite naman pumunta sa perya mamaya. Masaya ba don? Para din ba siyang enchanted kingdom?"
"Ha? Ano ba yung enchanted kingdom?"
"Amusement park, I mean..mas malaking perya."
"Ahh. Hindi naman gaanong malaki ang perya dito samin pero marami kang magagawa don. Madami ding pwedeng sakyan. Nakakuha ako ng ticket sa barangay para maipakita sa nagbabantay na libre lang lahat ng sasakyan natin."
Inabutan ko si Julie ng towel nabasa kasi siya sa paglalaba namin.
"Sasama ba satin si Kimpoy?"
BINABASA MO ANG
Husband and Wife
Romance"A successful marriage requires falling in love many times, and always with the same person."