Ilang minuto rin siguro ang tinagal ko bago ako nahimasmasan sa lahat ng pangyayari.
d>>_<<b
Badtrip!
Inis akong naglakad papuntang klasrum ko. Wala nang intro-intro, balibag agad ng pinto.
*BLAAAAG!*
Ngayon lahat sila ay nasa akin na ang atensyon. Ano pa bang bago? Napako ang atensyon ko sa tatlo. As usual si Lando ay nakapoker face pa rin na akala mo walang pake sa mundo. Akala ba niya nakalimutan ko na yung ginawa niyang panliligtas don sa babae sa canteen. Si Bentong at Tasyo naman ay ang lalaki ng mga mata, akala mo maling kwarto ang napasukan ko kung saan punong-puno ng mga mababangis na halimaw. Pinagkalooban ko lang sila ng sarkastikong tingin at ngisi dahilan naman para mas lalo silang mautot sa kanilang kinauupuan. Ano kayang drama ng dalawang ugok na 'to? Mukhang mga siraulo. Napalingon pa ako sa ibang mga kaeskwela ko. May nakita akong babae, medyo mataba at matangkad na tangi at nag-iisang hindi man lang nag-aksaya ng panahon para tapunan ako ng tingin. Wala bang pakiramdam ang isang iyan? Ako si Asyong ang hari ng Hell University kaya bakit hindi man lang siya lumingon samantalang ang karamihan ng babae at bakla dito ay tumitili na sa kanilang isip ngunit mababakasan ng kaba sa mukha. Ano bang meron at parang takot na takot sila? Iyong mataba na babae wala man lang kaemosyon-emosyon ang mukha. Parehas sila ni Lando mga walang kwenta!
Sa isang tabi may lalaking nakanguso habang nakatingin doon sa matabang babae. Tinatapik naman siya nung katabi niyang sa hitsura palang ay mukha nang maingay. Sa ibang dako nakakita rin ako ng babaeng panay ang buka sa isang tabi tapos ang kanyang katabi naman ay halos maghingalo na kakatakip lang ng kanyang ilong, kung ano ang dahilan iyon ay ang hindi ko alam. Nakakita rin ako ng lalaki na may hawak na baril tapos katabi nito ang isang babae na may hawak na kulay pink na barbie. Nakita ko rin ang isang lalaki na ubod ng taba at itim, pucha napakapanget niya. Marami sila at halos lahat ng hindi ko nabanggit ay nakatingin sa akin habang dala ang matinding takot sa mukha na hindi ko naman alam kung bakit. Natatakot ba sila dahil isang hari ng mga badboy ang nandito sa Hell University at magiging kaklase pa nila?
Ngumisi ako.
Maglalakad na sana ako ng may sumigaw. "Staaaaaaapit!!"
dO___ob
Nanlaki ang mata ko.
Staaaaapit?
Ano yun?
"Uy pogi stop it daw." bulong nung bakla na nakaupo malapit sa tabi ng pinto.
Stop it lang pala pucha.
d>>_<<b
"Uy, hindi ka man lang ba magsosorry?? Lagot ka dyan kay ser Tiborcio, terror yan!" dagdag pa niya, ramdam na ramdam ko ang takot.
"Aba! Aba! Ang lakas ng loob mo ano?" wika nung lalaking guro na ngayon ay salubong ang mga kilay habang diretsong nakatingin sa akin.
Napalunok ako.
Napatingin ako kay Tasyo at Bentong kaso tinalikuran lang ako ng mga gago. Aba't talaga nga namang iniwan ako sa ere ng mga pucha.
"S-sir.." tanging naisabi ko at pucha ngayon lang ako kinabahan. Bago lang siya sa paningin ko kaya hindi ko siya kilala pero batay sa mga reaksyon ng tao dito halatang nakakatakot nga isang matandang to.
"Abaa't-- hoy!! Napakabastos mo rin ano? Sinong sir dito aber? Baka gusto mong ibagsak na kita ngayon din, ora mismo! Tumpak ganern!"
Napamaang ako nang sabihin niya iyon.
B-bakla ba s-siya?
dO____ob
Ora mismo, tumpak ganern.
d>>_<<b
"Uy! Pogi hehe. Sorry!"
Napalingon ako don sa baklang kumalabit sa akin.
"Nakalimutan ko nga palang sabihin sayo na kalahi ko yan si ser-- este si madam."
Kalahi? Halimaw rin ang baklang guro na nasa harap ko kung ganon?
"Uy, chaka! Ano yang iniisip mo ha?" dagdag pa niya. "Girlalou rin iyan si Madam Tiborcia. Ssh quiet lang ha?"
Madam Tiborcia.
Pucha! Napakapanget. Akala mo naman kung sinong magalit e napakabaho ng pangalan.
"Ikaw!!"
Nag-angat ako ng tingin ng sumigaw si Tiborcia-- Tiborcia pala.
"S-sir-- este madam." tanging naisabi ng aking napakagwapong bibig.
"Alam mo ba kung ilang minuto ka nang late ha?!" pagalit na aniya kaya napalunok ako.
Sasagot pa sana ako ng magsalita na ulit siya. "De bale!! Gwapo ka naman. Ayos lang na ma-late ka dito dahil gwapo ka basta huwag lang yung iba dyan lalo na yung matataba na hambog!" pagpaparinig niya sa taong hindi ko matukoy kung sino.
Bigla ay may humirit. "Tss." wika nung babaeng mataba na agad kong napansin kanina dahil sa kawalan nito ng reaksyon.
"Madam! Paano naman kaming mga magaganda lang? Paano kapag kami ang na-late?" tanong nung bakla na kanina pa kalabit ng kalabit ng kalabit sa akin.
"BlueJab! Kung ikaw rin naman ang male-late sa klase ko aba ay magbigti kana! Hindi kita kailangan dito. Hindi ka na nga maganda, ang chaka mo pang bakla. Magtigil ka!" ang sagot naman ng guro kaya ang ilan ay nagtawanan.
"Ikaw, anong pangalan mo?!" baling niya sa akin.
"Asyong madam." sagot ko.
"Asyong? Napakagwapong pangalan!! O sige na. Umupo ka muna ng makapagpahinga ka pogi. Usap tayo later ha?" tapos kinindatan niya ako. Pucha mukhang naloko na. Oo alam kong gwapo ako pero wag naman sana tablahan ng napakagwapo kong mukha ang isang nakakadiri na terror at baklang iyan.
"Madam, CR muna ako ha?" pamamaalam ko. Kinindatan naman niya ako bilang pagtugon saka nilahad ang banyo.
"Gusto mo samahan na kita?" ang dagdag pa niya kaya halos maduwal ako.
Kunot noo akog nagtungo sa banyo kaso may humarang.
"Teka lang!" aniya saka lahad ng katawan matakpan lang ang pinto. Ang laki pa naman ng ano niya. Basta alam niyo na.
"Pwede ba lumayas ka dyan? Oo alam ko maganda ka pero hindi kita type kaya pwede ba?!" inis na singhal ko.
"Teka lang kase." pagpigil pa niya pero hindi na ako nakinig. Pinihit ko na agad ang doorknob at bigla akong natumba-- kami pala.
d>>_<<b
Sino ba tong nakadagan sa akin?
"Ayan kase e! Ayaw mo makinig, binantayan ko lang si Lucresia dahil baka may pumasok nga sa CR kase diba nga loner siya? Ayan tuloy! Tsk."
Lucresia?
Teka. Nakapatong siya sa akin. Ano 'tong malambot na nararamdaman ko? Magkadikit ba ang mga labi namin?
dO___ob
*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG
*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUGDahan-dahan kong tinignan ang kanyang mga mata habang hindi pa rin kami umaalis sa pwesto at kung may ilalaki pa ang mata ko, nagawa ko na siguro kanina pa.
Yung babaeng may malaking nunal sa ilong na tinubuan ng tatlong buhok.
Itutuloy...
PLEASE VOTE AND COMMENT!
BINABASA MO ANG
HE'S INTO HELL UNIVERSITY WITH THE FOUR BADBOYS & THE DIARY OF A PSYCHOPATH SL
RandomHE'S INTO HELL UNIVERSITY WITH THE FOUR BAD BOYS AND ME AND THE DIARY OF A PSYCHOPATH SLIGHT LANG.