Chapter Fifteen: First Day

189 5 0
                                    

♣Flakes Linter

Nakaligo na ako naglalakad na ako pababa. Di ko pa nga nakikita yung dalawa kong amo kasi nauna na akong kumain. Maaga kasi ang pasok ko. 8:30.

Pagkababa ko ay wala pa din sila. Lumabas na ako ng bahay at nilock ko na yung bahay. Mabubuksan din naman nila to eh.

Pagkalabas ko ay saktong nakita ko na nandoon si Ken at Iñigo.

"O maaga nga pala ang pasok mo! Sabay ka?", tanong ni Ken at nginitian ako. "Bagay sayo yang suot mo", pagpapatuloy niya kaya di ko alam kung ano irereact ko.

Nakasuot kasi ako ng long sleeves na white tapos slacks. Tapos black na doll shoes. Nakalugay din ang buhok ko. Daka ko yung suit bag ko na nakasabit sa balikat ko at nakalagay sa braso ko yung coat ko. Ganto talaga suot ng mga nagte-take ng law proper, parang grim reaper.

"Baka out of the way eh. Nakakahiya sa inyo, makaabala pa ako", sabi ko at natawa naman si Ken.

"Alam ko kung saan yung Drenz. Sige na, sumabay ka na", sabi niya kaya wala na akong nagawa, sumakay na ako.

Nandoon na naman ako sa passenger seat at tinignan ko yung oras sa phone ko, medyo maaga pa. Nagulat pa ako nang biglang may nag-vibrate at nakita kong tumatawag si Regina.

"Hello?"

'Asan ka na?'

"On the way na. Hintayin mo ako sa garden don sa may east wing"

'Sige. Ingat ka'

"Ikaw din"

In-end ko na yung call at napakamot ako sa noo ko. Nakakainis, maiistress na naman ako sa pag-aaral. Bat ba nagustuhan kong mag-abogado?

"Talaga bang ang dress code nyo ay mala-grim reaper?"

Napatingin ako sa rearview mirror at nakita kong nakangisi si Iñigo.

"Di ka naman magiging abogado kaya wag kang umangal dyan", sabi ko at nakita kong lalo syang napangisi.

"Infairness naman, bagay sayo. I conclude that you can be a good grim reaper", sabi na naman niya kaya sinamaan ko sya ng tingin don sa rearview mirror.

"Isang kana mo pa, di ako magkakamaling kantiin yung girlfriend mo", bulong ko habang masamang nakatingin sa kanya sa rearview mirror.

"Subukan mong gawin yang sinasabi mo, di ka makakapag-aral", banta nya kaya agad ko syang nilingon don sa likod.

"Kung di mo pinapakialaman yung suot at pag-aaral ko, di ka mawawalan ng girlfriend. Tandaan mo, madali ka lang siraan", sabi ko sa kanya at ngising-ngisi pa din sya.

"Mahal na mahal ako non, di maniniwala sayo yon", kana niya at nag-cross arms pa at ngumisi pa lalo.

"Hanep ka din sa self-confidence ano?", nakangisi kong sabi sa kanya.

"Easyhan nyo lang dalawa. Andito ako", natatawang sabi ni Ken. Di ko na napansin na andito sya. Ngayon ko lang din napansin na malapit na pala ako sa university ko.

"Siguro ang gandang tignan nung department nyo no? Puro mukhang grim reaper", mahinang kana na naman ni Iñigo pero sapat na yun para marinig ko.

"Tandaan mo, kaparehas ko si Adeline. Ganto din itsura nya", sabi ko at nginisihan nya ako.

"Eh sigurado namang di susunod yun sa dress code", sabi niya at tumawa pa. Napakunot ang noo ko. Tama nga sya, never pang sumunod sa dress code si Adeline.

Our Greatest Fight (A.S. #2) [COMPLETE]Where stories live. Discover now