Chapter 31
Alas kuwatro y media ng hapon ay nagsimula ng magdagsaan ang mga tao sa field ng school, doon naka set-up ang stage. Sari saring banner at tarp ang dala ng ibang estudyante. Talagang pinaghandaan ang pagsuporta sa mga kakilalang contestant.
"5pm sharp, magstart na tayo. Nanjan na ba ang mga contestant?" Tanong ko kay Jewel na pawis na pawis na dahil sa init. Parehas kaming aligaga na sa event.
"Oo Tiff, pero ung iba wala pa." Tinignan ko ang pawis sa noo niya at pinunasan ito ng towel. Nagulat siya pero natawa din.
"Pawis na pawis kana, girl." Ngumiti ako sakanya at inabutan siya ng isang bottled water.
"Pawis na pawis na tayo. Sana ay wala namang maging problema sa contest." Napatingin siya sa mga tao sa labas na nagpapaypay din ng kanilang pawis.
Mainit pa kasi sa labas kahit na covered naman itong field. Sana ay mawala na ang init at alinsangan mamaya para makapagenjoy ang lahat. Sa bagay, gabi naman kaya siguro ay medyo malamig.
Sa kalagitnaan ng pagaayos namin ay dumating si Matthew bigla. Syempre, naka agaw agad ng pansin ang presence niya sa mga tao dito sa may backstage. Akala ko'y busy siya?
"Oh my God, si Salazar ng Engineering andito. Sino kaya ang binibisita niya? Ang pogi niya pala talaga!" Bulong ng isang contestant sa kausap na make up artist. (na narinig ko naman) Halos mabali ang leeg nito sa kakatingin kay Matthew na para bang may hinahanap.
Hindi ako ganong makita dito dahil medyo madaming tao sa backstage. I did my best para itaas ang kamay ko pero medyo madaming pumupunta sakanya kaya hindi niya ito makita.
"Uy Salazar! Sinong hinahanap mo dito?" Malanding sagot ng isang babaeng may hawak na mga papel. Isa ito sa mga pinapa-ayos ko ng mga script ng programme. Hindi niya ito napapansin at palinga linga ang leeg para hanapin ako.
Sa laki niya ay imposibleng hindi siya mapansin ng mga tao dito. Bakit ba kasi ang tangkad at ang pogi nito? At nakaglasses pa siya ngayon! TEH nakakalaglag panga na nga ang itsura pag walang salamin, nagsalamin pa siya!
Iniwan ko muna saglit si Jewel para puntahan si Matthew sa kabila. Halos pagkaguluhan na siya ng babae at bakla dito sa backstage kaya nagpumilit ako na lumapit sakanya. Ang sikip!
"Tabi nga!" Sigaw ko sa mga nakaharang na mga babae pero hindi nila pansin 'yon dahil nakatutok sila sa paghawak kay Matthew. Gusto kong pagsasabunutan ang mga babaeng 'to at sumigaw na 'TUMABI NGA KAYO! AKO ANG GIRLFRIEND NIYA!'
Nang maka abot ako sakanya ay hinila ko ang kamay niya. Nagpumiglas siya pero ng makita ako ay nagliwanag ang mukha niya at mabilis kumawala sa mga tao. Nakarinig ako ng ilang bulong bulungan ng maka alis kami. Ha! Akin 'to!
"Oh my God. Sila ba ni Tiffany, ung coordinator ng Singing contest? Nakakainggit!" Talagang mainggit kayo!
Nang makarating kami sa likod ng mismong stage ay hinabol ko ang hininga ko. Naramdaman ko ang yakap niya saakin.
"Ang daming tao kanina, hindi agad kita nakita. Ang liit mo kasi." Tumawa siya kaya sinapok ko ang tyan niya. Ayan napadaing tuloy siya.
"Grabe naman kasi 'yang mukha mo, pinagkakaguluhan palagi. Kala ko ba busy ka?" Asar ko sakanya pero niyakap niya ulit ako at hinalikan ang ulo ko.
"I missed you. Lunch lang naman naman sinabi kong wala ako diba, hapon na." Kumawala siya sa yakap at may inabot saaking pagkain.
"Kain ka muna, baka hindi ka nakaka-kain dahil sa pagkabusy mo sa event niyo. Mamaya pumayat ka niyan." Sabi niya habang binubuksan ang isang styro ng pagkain.
YOU ARE READING
Right next to you (COMPLETED)
RandomNa-friendzone kana? Basahin mo to! This story suits you.