KABANATA 15: Pangitain

3.8K 144 41
                                    

IKALABING-LIMANG
KABANATA

Pangitain

Makapal ang ulap nang araw na iyon. Parating ang isang malakas na ulan sa syudad ng Adam ngunit katulad lamang ng iba pang bagyong dumarating sa kanilang lupain, walang pakialam ang mga mamamayan. Walang bahid ng pag-alala ang lahat, maliban na lamang sa prinsesang nakatayo sa gilid ng isang malaking puno. Tinatanaw niya mula roon ang prinsipeng nakaupo sa damuhan ng hardin. May hawak itong isang plastik at kung ano-ano pa. Ni walang ideya si Samantha kung anong ginagawa nito.

"Prinsesa.." tawag ni Hansen sa kanyang likuran pero hindi niya inalis ang tingin sa binatang kanina pa niyang pinanonood. "Kailangan niyo nang bumalik sa loob ng palasyo. May malakas na ulan na parating."

"Anong ginagawa niya, Hansen?" Kumunot ang noo niya sa kuryosidad. "Kanina pa siyang nakaupo doon. I know that he's making something but don't have any idea what it is."

"Saranggola 'yun, Prinsesa," mabilis na sagot ng kanyang tagabantay.

Napakurap-kurap siya. Saranggola? Nadinig niya na ang bagay na iyon. Nakakita na rin siya. Ang hindi niya alam ay marunong palang gumawa ng ganoon si Tyrell. Maski siya na galing sa marangyang pamilya ay hindi marunong gumawa no'n. Bumuntong-hininga siya.

"Sa tingin mo ba ay naaalala na niya si Lumi?" May halong lungkot na tanong niya. She already knew the answer. She just wanted to hear an assurance.

"Mukhang hindi pa naman po.." magalang na wika ni Hansen bago nagawi ang tingin kay Tyrell na kasalukuyan nang nilalagyan ng tali ang saranggola. "Kung sakaling maalala niya na ang tungkol sa kanyang Mate. Siguradong aalis siya ulit. Ang alam ko ay ganoon ang ugali ng mga werewolf, lalo na kung may marka nila ang isa't isa."

"Marka?" Agad na napalingon si Samantha sa tagabantay niya. Umawang ang kanyang mga labi. Kinakabahan siya. "'Yun ba 'yung nagbibigay ng kakaibang koneksyon sa mga mag-Mate?"

"'Yun na nga po."

"Anong itsura no'n?"

Nagulat doon si Hansen. "Hindi ko po alam, Prinsesa. Hindi pa ako nakakakita no'n kahit kailan."

Napaisip si Samantha. Kailangan niyang malaman kung may marka na ba si Tyrell ni Lumi. Kung tama ang pagkakatanda niya ay kapag may marka na nila ang isa't isa kahit kailan ay hindi sila pwedeng paghiwalayin. Magkahiwalay sila ngayon. Maaaring wala pa. Bumalik ang tingin niya kay Tyrell na nakatayo na habang hawak ang isang manipis na tali na nakakunekta sa saranggola.

"Saan ba tayo pupunta?" Medyo inis na tanong ni Luciana sa kanyang pinsan. Dahil walang kabayo si Lumi ay gamit nito ang kabayo niya samantalang nasa unahan naman siya ni Keres na damang-dama ang pagkakayakap sa kanya.

"Oo nga, Lumi. Kanina pa tayong naglalakbay."

"Hinanahap ko si Kuya Gary," Lumi sighed. "Kailangan ko siyang makausap."

"Si Gary?" Luciana snorted. "As if naman magpakita sa'tin 'yun 'no. No offense ha. Pero the last time I checked your brother is a jerk who loves hiding his dumb ass."

"Pero kailangan ko siyang makausap."

Tumaas ang kilay ni Luciana bago siniko ang kanyang Mate sa kanyang likuran.

          

"Ano? Grabe ang sakit ha," kumunot ang noo ni Keres. Si Lumi naman ay tumigil, tila alam na ang gustong iparating ni Luciana.

"Keres," tawag niya sa pinsan. "Hindi ba isa kang Tracker?"

Kumunot ang noo ni Keres. Ang Tracker ay bihira lang. Sila ang mga lobong ipinanganak na may mas matalas pang-amoy. Kaya nilang makita kung ang kahit na ano o sinong gusto nilang hanapin gaano man ito kalayo sa pamamagitan ng pagsunod sa amoy nito. Umiling ang binata.

"Matagal na akong hindi naghahanap," agad na tanggi ni Keres. Bumaba ng kabayo si Luciana kaya sumunod siya. Si Lumi ay nanatili namang nakaupo sa likuran sa kanyang kabayo, habang si Juniper ay pinanonood lamang sila. Nakatago ito sa gilid ng kagubatan.

"Ang bulok mo naman!" Inis na wika ni Luciana. "Hindi ba ang pagiging Tracker ay nasa dugo na? Hindi 'yun mawawala sa'yo. Shift!"

Keres growled at his Mate. "Kahit na Mate pa kita, hindi mo ako pwedeng utusan. I am a Beta."

"And I am an Alpha," agad na wika ni Lumi. Napayuko si Keres nang maging purong puti ang mga mata niya. "Shift!"

Mas lalong yumuko si Keres bago naghubad ng suot niyang mga damit. Tinira lamang ang boxers bago nagtunugan ang mga buto nito. Pinanood ng dalawang kababaihan ang pagpapalit nito ng anyo. From a man to a big dark brown and white wolf. He growled when he finally shifted while his head was still bowing.

"Grabe," tumawa si Luciana. Hinawakan niya ang ulo ni Keres. He moaned in delight. "Nakakatuwa ka talaga. Minsan nga itatali kita doon sa labas ng Serra para may tagabantay kami."

Keres immediately growled lowly. He didn't like the idea, and Luciana dared to laugh. Biglang umiling ang malaking lobo kaya agad na nainis si Luciana. Hinampas niya ang ulo nito kaya bigla itong umalulong.

"Tama na ang laro," sita ni Lumi sa kanyang mga pinsan. "We need to find Kuya Gary as soon as possible. Keres, I know you still remember his scent. Find him, please.."

"Ayan ha, aasa kami sa'yo," nakangising wika ni Luciana saka sumampa sa likod ng lobo.

Si Lumi naman ay kay Juniper. Matatakot sigurado ang mga kabayo kapag nagsimulang tumakbo si Keres. Baka imbis na sundan ito ay biglang tumakbo ang mga ito sa kabilang direksyon kaya mas mabuti para kay Lumi na sumakay na lamang sa lobo. Medyo mas malaki ang lobo ni Keres kaysa kay Juniper na nasa katauhan ng lobo ni Tyrell dahil na rin sa Beta ang nauna.

Nagsimulang tumakbo si Keres habang nakasunod naman si Juniper. Sa kagubatan sila dumaan. Para na rin siguro makaiwas sa mga manlalakbay o iba pa na makita sila. Maya-maya pa ay nakarating sila sa lupain ng Vernon. Napalinga si Lumi. Sinubukan niyang makita ang boundary ng teritoryo ng pack ng kanyang Kuya Matthew. Sa kakalinga niya ay hindi niya namalayan ang biglang pagtigil ni Keres. Napamura si Luciana. Napasinghap naman si Lumi nang sunod na tumigil si Juniper. Napaigting ang kapit niya sa makapal na balahibo nito.

"Papatayin mo ako!" Galit na sigaw ni Luciana habang sapo-sapo ang kanyang dibdib. "Fuck. I will kill you!"

"Nasaan siya, Keres?" Bumaba si Lumi. Tiningnan niya ang paligid. Wala siyang makita kundi kagubatan. Marami mga punong nagtataasan sa paligid. Nadidinig niya ang ilang mga ibong naglalaro sa paligid. Huminga siya nang malalim. Sinubukang amuyin kung sakali ang kanyang Kuya Gary.

Nag-shift sa pagiging tao si Keres. Napatili si Luciana dahil nasa likuran pa rin siya nito. Tumawa naman ang binata na agad nagsuot ng kanyang pantalon. Humarap sa magkasintahan si Lumi.

"Nasaan si Kuya Gary?"

"Nasa ilalim," sabay-sabay silang tumingin sa kanilang ibaba. Puro dahon ang nakikita ni Lumi at ang maruming lupa. "Hindi ko alam kung gugustuhin niyong pumasok sa lagusan pero hindi kasi ako kasya bilang lobo."

LumiWhere stories live. Discover now