Chapter 2

14.5K 460 14
                                    

Agad akong itulak ni First palayo sa kanya. Dali-dali siyang tumayo at tinitigan ako ng masama. He even gritted his teeth. Madilim din ang aura niya. In short, he's scary.

I'm dead!

Hindi ko naman intensyon na mahalikan siya mismo sa harap ng mga reporters, eh!

“You!” nanggigil na sabi niya habang dinuduro ako. “I am fucking hate you! Damn you! Screw you! What the hell is your fucking problem, ugly creature?! You fucking kissed me, pwe!”

Pagmumura niya sa'kin ng may kasamang panlalait at pandidiri. Ano’ng tingin niya sa'kin, germs!? Any micro-organisms? Kung makapwe, wagas!

Nanlaki bigla ang mga mata ko ng may na realize ako. Oo nga pala, wala akong kaayos-ayos ngayon. In short, plain akong tignan!

But I don't care!

Poproblemahin at bibigyan ko pa ba 'yon ng pansin? Eh, itong si First ang dapat kong problemahin at bigyan ng pansin at ang masama't malupit niyang bibig!

“Damn you all! Stop flashing your fucking camera and stop recording a video now! Get out in this fucking building damn now!”

Feeling ko dumagundong ang boses ni First sa buong floor dahil sa lakas niyon. Ako naman ay napatakip ng tainga habang nakatingin sa kanya at nanatiling nakaupo sa semento. Napatingin ako sa paligid, huminto na ang mga reporters, ang pag flash ng camera at ang pagkuha ng video ng mga camera man sa'min pagkatapos ay pinapaalis na sila ng mga Guard dito.

Tumayo ako at hinahanap ko si Niccolo. I need to talk to him. Baka nakuhanan niya kami ng video record. Mahirap na, tapos baka ipagkalat niya pa 'to sa agency. Mahirap na rin. Ayaw kong maging talk of the country!

Akmang aalis na ako at iiwan ko si First dito na sumasabog na sa galit nang hawakan niya ako bigla sa aking braso, mahigpit 'yon at masakit. Nanlilisik na ang kanyang mga mata habang nakatingin sa'kin. My knees are trembling now. Jeez, nakakatakot ang PresiDemon na 'to!

“I fucking clear my name para sa ikatatahimik nina Mama at Papa, at sa reputasyon ko and then you fucking kissed me! Natapos ko na ang issue sa'min ni Jennie and that you came from the scene! You ruin this shit— this fucking press conference!”

“H—Hey...” I am stuttering. I couldn't even say other words to him because I quivered. This is too much!

Aksidente lamang ang lahat, eh. Gawa ng kamalasan ko lamang! Gawa rin ng kalampahan ko! This is probably too much!

Naluluha na ako ngayon.

Nakatitig lamang sa'kin si First at maya-maya ay nagpakawala siya nang mabigat na buntong-hininga kasabay nang pagtanggal niya ng kanyang kamay sa braso ko.

Malamig na niya akong tinitigan.

Binuka ko ang aking bibig at nagsimula na akong i-explain sa kanya ang lahat. “Look, Mr. First. It's not what you think. Aksidente lamang ang lahat, okay? I'm a reporter kaya ako nandito, na late ako at dahil sa nagpanic ako ay napatakbo ako sa pwesto mo. Balak kong huminto na ngunit madulas ang sahig. Aksidente lamang talaga 'yon, promise! Gawa ng kamalasan ko at gawa ng kalampahan ko, I swear!”

“Do you think na maniniwala ako sa'yo?” buong pauuyam niyang pagtatanong sa'kin. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. “You're a plain lady, I don't like you. You look cheap and poor to me. What an epitome of ugly creature you are.”

Grabe naman, grabe siya makapanglait sa'kin! Gusto kong ngumuso pero mas pinili na h'wag na lang. Tumaas bigla ang aking presyon. “Kung makapanglait ka kala mo ang perpekto mo! I'm sorry, okay? Aksidente lamang ang lahat.” at tumalikod na ako.

Magugustuhan mo rin ang

          

Ayaw ko nang makausap pa ang isang ito. Kung makapanglait talaga, wagas! Nakakasakit siya ng damdamin! Alam kong plain ako pero 'di ako ugly creature!

Naglakad na ako palayo sa kanya. Mabilis ang ginagawa kong paghakbang ngunit napahinto ako nang biglang sumigaw siya.

“I'm a fucking demon, plain lady or ugly creature! This is not yet over, alright!? Pay for your life and be dead already because if our path crossed again, you would feel the demon's power in my hand!”

Nang lumingon ako sa kanya ay nakita ko siyang nakangisi ng demonyo. Bumilis ang tibok ng puso ko at mas lalo akong kinabahan at natakot. 'Di na umimik pa, agad na akong tumakbo palayo sa kanya at palayo sa lugar na 'to.

Hindi... Hindi ako makakapayag na magcross muli ang landas naming dalawa! Hindi rin ako papayag na pagbayarin ko ang aking nagawang paghalik sa kanya!

Ang bobo niya sa totoo lang. Kanina ko pa sinasabi sa kanya na aksidente lamang ang lahat ngunit 'di siya makaintindi! I can't believe this, mas tanga pa siya kaysa akin!

Ang First na 'yon, pinapangako ko, ito na ang huli kong pagsilay sa kanyang gwapong mukha at masamang pag-uugali. Kung nagpwe siya kanina, magpupwe rin ako!

Dear Lord and Fate, kayo na ang bahala sa'kin. Ilayo niyo po ako sa demonyo na kakambal ni Satanas na si First. Salamat.

Lulan ako ng taxi ngayon, pauwi na sa'ming apartment ni Rafa. Nakapangalumbaba ako habang malalim ang aking iniisip.

Iniisip ko na, bakit kaya ako binitawan ng isang First Eldridge Caballero kanina? Nakakapagtaka 'yon! Tapos hinayaan niya lang ako kanina na sigawan siya at lumayo. Ano ang plano niya? For sure, he had reasons why he let go of me. Paniguradong he meant those words na sinabi niya kanina.

Malakas ang aking kutob na hindi pa 'to ang huli naming pagkikita pero kutob ko lamang 'yon, ayaw kong magtamang hinala agad.

Naalala ko agad ang nakakatakot na pagmumukha ni First. Parang ayaw kong matulog ng mag-isa mamayang gabi at baka bangungutin lamang ako. Remembering his scary face makes me feel more uncomfortable.

Nakaramdam ako ng lungkot.

“Lord, why me? Bakit ang malas ko ulit ngayon?” pagbubulong ko habang nakatingin sa labas ng window seat.

Hindi ko matanggap-tanggap na nangyari sa'kin ang kapalpakan na 'to. Wala akong new scope kay First. Dapat si Jennie McBride ang gagawin kong new scope together with him ngunit nalinis na pala nito ang pangalan niya at sa hindi malamang dahilan ay bigla akong dumating and worst nahalikan ko siya!

Saklap!

Pero napahawak ako sa labi ko. Parang nararamdaman ko pa rin ang labi ni First, malambot 'yon sa totoo lang.

Naalala ko, his lips are so kissable at ang kurba ng labi niya ay nakakaakit. I considered him my first kiss even though it was just an accident. 

Bigla, ang tibok ng puso ko ay bumilis muli. Rinig na rinig ko ang pagtibok niyon. Iba na ang ritmo. Hindi ko alam kung bakit pero mas maganda sa pakiramdam ang pagbilis nang tibok ng puso ko ngayon kaysa kanina.

I don't have any clue. Ano ba 'tong nararamdaman ko ngayon? Delikado ba 'to?

Gabi na, ang bilis ng oras. I sighed here. 'Di ko akalain na mabilis pa lang lumipas ang oras sa ginawa ko lamang na pagtulala. Kanina pa ako nakatulala at mukhang ewan na rito sa sala.

Hindi pa ako nakakapagdinner dahil wala pa si Rafaela, siya kasi ang naka-assign na magluluto ngayon ng ulam. May kanin na dahil nakapagsaing na ako kanina pang alas singko.

Nandito pa rin ako ngayon sa sala, nakaupo sa sofa. 'Di ko alam kung ilang oras akong nandito. Napabuga na lamang ako ng hangin at napangalumbaba muli kasabay niyon ang pagbukas ng pinto ng apartment at niluwa si Rafaela.

“Bakla!”

Umalingawngaw sa apartment ang boses ni Rafaela. Napangiwi ako. I was about to speak when he suddenly grabbed my hair at sinabunutan ako.

“Aray!” ang sakit nitong manabunot. “Problema mo, bakla?” pagtatanong ko. Tumigil siya sa pagsabunot sa'kin at agad na humalikipkip sa harap ko.

“Wala kang sinasabi sa'kin!”

“Huh?”

Naguguluhan ako. Ano’ng pinagsasabi nito?

“H'wag kang patay malisya! Hindi mo man lang sinabi sa'kin! Ikaw ah, kung hindi pa ako nanood ng balita kanina ay hindi ko pa malalaman!”

Bigla akong kinabahan.

“A—Ano'ng meron sa balita?” I asked him but almost whispering my question.

May sumilay na ngiti sa kanyang labi at bigla siyang kinikilig na ewan.

“Gaga ka! Ikaw, sikat ka na! Nahalikan mo pala kanina si First sa kanyang press conference. Aba, ang ganda ng pagkakakuha ng litrato sa inyo at may video pa! At alam mo ba? Ang bansag na nila sa'yo ay The PresiDate!”

Wait, what? The PresiDate? Okay, kill me now!

The PresiDate of Mr. First Caballero Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon