KALAYAAN
Isinulat ni GemvillaMahigit isang dekada na mula nang tayo'y makalaya,
Makalaya mula sa kamay ng mga dayuhang madaya,
Madaya sapagkat pangako nilang tulong ay isang pain,
Pain para bansa natin ay sakupin at gawing alipin.Alipin ng sarili nating lupain,
Lupain na minana pa natin sa ating mga ninunong butihin,
Butihing kalooban na siyang dahilan upang tayo ay dayain,
Dayain sa ating lupang sinilangan.Sinilangang bayan na namulat mula sa pang-aapi,
Pang-aapi ng mga mananankop ay winakasan,
Winakasan upang bayan ay magkaroon ng kalayaan,
Kalayaan na ating inaasam mula sa kamay ng mga dayuhan.Dayuhang malaki ang impluwensiya sa ating kultura,
Kultura na patuloy na sinasakop ng ibang lahi,
Lahing unti-unting pumapalit sa ating nakasanayang tradisyon,
Tradisyon na parang apoy na dahan-dahang namamatay bunsod ng ihip ng hangin.Hangin na parang kalayaan natin ay tinatangay,
Tinatangay at napapalitan ng mga kulturang dayuhan,
Dayuhang muling sumasakop sa ating mga nakaugalian sa kasalukuyan,
Sa kasalukuyang kalayaan natin ay parang ginawang dahilan.Dahilan upang mag-aklas laban sa pamahalaan,
Pamahalaan na kahit gumawa nang sangkaterbang tama ay hindi pa rin nakikita,
Nakikita ay pawang kamalian at kapalpakan,
Kapalpakang humihila sa ating kalayaang maglabas ng saloobin.Saloobing sa iba ay kinikimkim magkaroon lang ng kikitain,
Kikitaing pambili ng pagkain,
Pagkain kapalit ng kalayaang maghayag sapagkat paniniwala nila ay taliwas,
Taliwas sa paniniwala ng magbibigay sa kanila ng pera.Pera-pera na lang talaga,
Talaga bang tayo ay malaya na?
Malaya na mula sa pagkakaalipin at sunud-sunuran,
Sunud-sunuran mula sa mga dayuhan.