#9
____________________Dinner....Date?
ilang oras din ang lumipas nang matapos ang photoshoot. Meron pa kasing solo, Group at syempre nagmeeting pa sila. Akala ko ganun ganun nalang ang ginagawa ng mga modelo yun pala matagal din pala. Nakakapagod din siguro yon?
Naglabasan na sila sa meeting room. Bitbit ko pa ang bag ni sir Josh kasi wala nang tao sa studio kaya naisipan kong dito na sa tapat ng meeting room maghintay. Tsaka yung Athena kasi palabas pasok sa studio eh ako lang tao don baka pag may nawala don ako pa pagbintangan. Kinuha ko ang phone ko para matignan sana ang oras pero lobat na pala. Grr kainis. Bawal naman kasi gumamit ng phone sa trabaho kaya hindi ko man lang matext si Guia. Baka umuwi na yon 8:30pm na din ehh.
"Serah? Youre spacing out." Napatalon naman ako nang makita si sir Josh sa tapat ko.
"Ay sir..este Josh, May iniisip lang ako" Napakamot nalang ako sa ulo ko. Nakatingin siya sakin at para bang nagaalala na nagtataka ang ekspresyon niya.
"You ok?- wait dont answer me. Dinner tayo?" Paanyaya niya sakin. Dinner? As in kakain sa labas? Nakakahiya! PA ako tapos boss ko siya hindi pa siya basta bastang tao. He's Joshua Madrid for pete's sake!
"Dinner? Youre going out with that girl?" Pagtataray ni Athena na naglalakad palapit samin. Heto nanaman po siya -_-
"Athena can you stop? Akala mo ba hindi kita nakikita? Kanina mo pa tinatarayan si Serah kahit nananahimik lang siya." Natahimik naman si Athena at napatitig naman ako kay sir Josh na ngayon ay naiinis at seryoso ang muka.
Pangalawang beses na niya ko pinagtanggol. Nakakataba ng puso na kahit sikat at mataas na tayo si sir Josh mabait padin siya hindi tulad ng IBA jan na porket mayaman at mataas ang posisyon eh ang yabang at ang sungit na.
Magsasalita pa sana si Athena pero hinawakan na ni sir Josh ang kamay ko at hinila na ko paalis doon. Pumasok agad kamisa elevator at doon lang ako nakahinga ng maluwag. Napatingin ako sa kamay ni sir Josh na nakahawak padin sa kamay ko. Bigla niya itong binitawan.
Napansin siguro na nakatingin ako. Nakakahiya naman. Naginit nanaman ang muka ko. Kaylangan ko siya pasalamatan sa pagtatanggol niya sakin. Kaya ko naman ipagtanggol sarili ko pero dahil first day ko ngayon at mukang magkakilala sila kaylangan manahimik nalang ako ayoko din naman matanggal sa trabaho kaylangan ko kasi talaga to eh.
"Um. Akin na yung bag.. Pagod ka na ba?" Napatingin ako kay sir Josh nang kunin niya ang bag niya na nakasabit sa balikat ko. Nabigla naman ako nang pati bag ko ay kinuha niya.
"Ay nako sir ako na po" Tinignan niya lang ako.Damn! Natawag ko nanaman siyang sir!
"Um..Josh ako na magbibitbit sa bag ko nakakahiya naman baka ano din sabihin ng iba pag nakita nila na dala mo bag ko"
"Hayaan mo sila. Kaya ko naman to. Hindi naman mabigat eh. Pupunta ka pa ba kay Marie?" Tumango nalang akosa tanong niya at sakto naman na pagbukas ng pintuan ng elevator.
"Dito nalang po ako Josh" sabi ko pero hindi niya padin binibigay ang bag ko kahit nasa tapat na kami ng office ni ma'am Marie. Napatingin naman ako sa paligid ang dami nagbubulungan at nakatingin samin. Napayuko nalang ako. Alam ko na iniisip nila sigurado hindi maganda iyon.
"Sabi ko diba mag didinner tayo? Hindi ka nakakain kanina nung break diba? Im sure youre hungry as i am. I wont take no for an answer ok?" Magsasalita pa sana ako nang ilagay niya ang index finger sa tapat ng labi ko. Para naman tumigil ang paligid. Grabe. Isa talaga siyang prinsipe. Pure warm and kind hearted. Nagiinit nanaman ang pisngi ko sigurado magmumuka nanaman akong cotton candy! yumuko nalang ako para hindi niya iyon mapansin.
YOU ARE READING
The Girlfriend Contract. [COMPLETE]
Teen Fiction[A/N: *SPG* This story contains Bed scenes and uncensored words, only FOLLOWERS can read ng BS chapters. Read at your own risk.] Ang babaeng tulad ni Serah Devone Javier, Ay ang tipo ng babae na walang oras para sa love. Ulila na siya sa magulang n...