Nagsimula na'ng magtagisan ng galing ang siyam na girls sa harap ni JYP.
Unang sumalang sa audition ang star wanabe na si Swizzle. Dahil naging trainee noon sa Amerika ng dalawang taon, halos ginugugol na niya ang oras para sa pag-eensayo. Kaya naman, before she came back to Korea, pinaghandaan na niya ng todo ang kanyang performance para sa audition upang mas lalo pa siyang mag-standout. Pero may mga iilang co-trainees ang nag-react sa kanyang performance.
"Tingnan mo nga naman o, ganyan ba ang prinaktis niya noong nasa America pa siya?" bulong ni Taffy. "Parang pambaduy lang 'yang performance niya."
"Hindi a." bulong naman ni Jackie. "Parang mas ginalingan niya pa lalo."
"Hmp! Hindi ako naniniwala." bulong uli ni Taffy. "Ginagawa niya lang iyan para mas mapalapit pa siya kay Producer."
Tumingin si Jackie kay Taffy na para bang hindi siya sang-ayon sa kanyang sinabi.
"Totoo naman a." dagdag ni Taffy.
Samantalang si Sunny, namangha at nasiyahan sa performance ng kanyang co-trainee.
"Tignan mo siya o, ang galing niya!" ang masayang tugon ni Sunny sa kanyang kapatid. "Hindi ba noong araw---"
"Huwag ka na'ng magkuwento!" ani Sally-ng tahimik na nanonood. "Manood ka na lang."
"Why not? Gusto ko lang ikuwento 'yung naging best performance mo." sabi ni Sunny.
"Gusto mo bang tapakan ko uli
ang iyong paa?"Na'ng magbanta si Sally na tatapak niya ang kanyang paa ay saka na siya tumahimik.
Sumunod na nag-perform ang sport-minded aspirant na si Jackie. Bukod sa pagbo-boxing, ang pakikinig sa music at pagsasayaw ang kadalasang ginagawa ni Jackie tuwing gabi pagkatapos ng kanyang pag-eensayo sa gym. Palihim niya itong ginagawa sa tuwing nasa work ang kanyang tatay or nasa gym, ito ay dahil noong hindi natanggap ang kanyang kuya sa audition ay hindi na muling pinayagan ng kanyang tatay na mag-audition ang mga anak bilang artista o singer. Kung ang nanay nila ang tatanungin, very supportive naman siya sa gusto ng kanyang bunso.
Nasiyahan si JYP sa kanyang performance, pati na rin ang iba pa niyang co-trainees. Habang si Swizzle naman, mukhang nagtatampo. Iniisip niya'ng inaagawan siya ng spotlight.
Na'ng matapos ang kanyang performance, pumalakpak silang lahat.
"Great moves Jacqueline!" ang masayang comment ni JYP kay Jackie.
Charlie and Taffy chuckles when they heard Jackie's nickname.
"Hindi ko alam na magaling ka rin palang sumayaw. Sino'ng nagturo sa 'yo?"
"Sa kuya ko po." sagot ni Jackie. "Magaling po kasi siyang sumayaw no'ng araw, kaso... no'ng hindi siya natanggap sa audition e... nalimutan niya na po ang pagsasayaw."
"Then nag-focus na lang siya sa pagbo-boksing." sabi ni JYP.
"Ganoon na nga po." sabi ni Jackie. "Kamsahamnida."
Na'ng pag-upo ni Jackie matapos ang performance, nagsimulang bumulong si Swizzle.
"Hmp! Sana nag-boxing ka na lang."
May nakarinig mismo sa binubulong ni Swizzle. "May sinasabi ka?" sabi ni Jackie.
"A e wala." ani Swizzle na nakangiti. "By the way, maganda ang ipinakita mong performance."
At doo'y bumaling (turn from one side to another.) na sa isa't isa, na para bang walang nangyari.
Si Taffy naman ang sumunod na magpe-perform sa harap ni JYP. Kita sa mukha ni Taffy ang kanyang kaba at excitement na nadama. Gaya ni Swizzle, naging trainee rin siya ni JYP ng ilang taon bago umalis sa agency para mag-focus sa pagiging freelance photographer.
BINABASA MO ANG
KNOCK KNOCK [COMPLETED]
Fanfiction"Nine strangers with different personalities, come together to search for answers." Two weeks after KPop girl group TWICE's sudden disappearance, nine strangers with different personalities were chosen by JYP to pretend and act as TWICE. On one slum...